"Happy 1 year Anniversary Hart!" Bati agad ng boyfriend ko pagkapasok palang nya dito sa condo ko.
"Happy Anniversary din Hart!" Sagot ko sabay hug sa kanya.
"I love you Candice Valderama." Inabot niya sakin ang balloon na hugis heart and chocolate. Masyado ma'ng common ang binigay niya ay okay lang sakin. Mahal ko siya eh. Hihi
"I love you too, Keith Vergara." He gave me a peck on my lips. "Anong gusto mo'ng lulutuin ko?" I ask. Magaling akong magluto. Bata palang ako tinuruan na ako ni mommy magluto.
"As usual, our favorite." Ngiti niyang sagot.
"Naku! Adobong baboy na naman? Maha-highblood na tayo nyan Hart eh."
"Sige na please? Miss ko na kase 'yong luto mo eh. At tsaka feel kong kumain ng favorite dish natin ngayon." Pacute niyang sagot. Ang sarap pingutin!
"Oo na, sge na. Upo ka lang diyan ha."
***
"Whoo! The best talaga 'tong adobo mo Hart! Kaya tumataba ako nito eh." Here we go again. Napakahilig mambola.
"Shut up! Kumain ka na nga lang diyan!" Loko 'to .
"Ahh Hart?"
"Yes?" Sagot ko.
"Pupunta nga pala kami ng Cebu next week. 1 month kaming mag s-stay doon. Okay lang ba sayo?" 1 month? Parang ang tagal naman 'nun. Kahit nga isang araw kaming hindi magkita ay mami-miss ko na siya agad, 1 month pa kaya? Pero ayoko rin namang ipagkait sa kanya 'yong freedom niya.
"Sino ba'ng kasama mo na pupunta ng Cebu Hart? At ano namang gagawin niyo dun?" Tanong ko. Curiosity kills the cat.
"A-a-ahm, fa-family ko, bibisitahin kasi namin 'yong mga kamag-anak namin dun." Kamag-anak sa Cebu? Akala ko ba wala silang kamag-anak dun? Family niya? Honestly speaking, kahit 1 year na kami ay hindi ko parin nakilala ang parents niya, kahit siblings man lang niya. Ayaw niya eh, tinanong ko nang bakit pero nagalit siya. Ewan ko ba. Hindi ko na rin binabanggit sa kanya about dun na gusto kong makilala ang parents niya, kahit atat na atat akong makilala sila. Ayoko rin namang magalit siya sakin, mahal ko siya eh. Mahal na mahal. Siguro maghihintay nalang ako kung kailan niya ako ipapakilala.
"Hart? You're spacing out." Natauhan ako sa sinabi niya.
"Sorry, ahm, okay lang sakin, Hart. Pero balita ko, maraming sexy at magaganda dun." Aaminin ko, SELOSA ako. Really. Pag sinabi kong akin siya, akin lang talaga siya. Ayoko ng may kahati. Kung pwede lang sanang iprint sa lahat ng damit nya ang, "Candice Valderama's Property."
"Hart, 1 year na tayo. Don't you trust me? Ikaw lang ang mahal ko." Bakit ganun? Parang may pag-aalinlangan ang sagot niya?..
"Okay Hart. I trust you."
***
One week na simula noong pagpunta ni Keith sa Cebu together with his family. At one week ko na rin siyang hindi ma-contact o maka-skype man lang. Seriously? Wala ba'ng signal sa Cebu? Or sa bundok nakatira ang mga kamag-anak nila? Haaay..
Nandito ako ngayon sa park. Nagpapahangin. Miss ko na talaga si Keith.
Teka! Yung dalawang batang lalake, familiar sakin. Sila 'yong wallpaper ni Keith sa cellphone niya. Sabi pa nga niya sakin na kapatid niya 'yon. So, kapatid nga niya? Don't tell me na hindi kasama ang dalawa niyang kapatid? Matanong nga..
Pumunta ako sa may swing dahil dun sila naglalaro. "Hi sa inyong dalawang cute na bata." Ngiti kong bati sa kanila.
Tumingin sila sa akin at ngumiti, "Hello po Ate ganda." Mana kay Keith, mambobola.
"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa batang matangkad, mukhang mas matanda 'to kesa sa isa.
"Kyle Vergara po." Vergara? So kapatid nga niya?
"Eh ikaw maliit?" Tanong ko sa isa, ang cute niya.
"Kenneth Vergara po." Okay! Confirmed! Kapatid nga niya. Parehong nagsisimula sa "K" ang pangalan nila.
"Uhmm, kuya niyo ba si Keith Vergara?" Para mas ma confirm ko pa!
"Opo ate, bakit mo sya kilala? Close po ba kayo?" Tanong ni Kyle.
"Ahh oo. Friends kami, nasaan ba siya ngayon?"
"Nasa Cebu po."
"Hindi ba kayo kasama? Nasaan 'yong Mom and Dad niyo?"
"Hindi po. Si Mommy po nandun sa bahay ng friend niya, si Daddy naman may out of town. Yaya namin ang kasama namin dito."
"Sinong kasama ng Kuya niyo sa Cebu?" Ako na ang matanong na tao. Pero teka, sino nga ba? Cousins nila?
"Si ate Jezel po, fiance po ni Kuya. Doon po sila sa Cebu nagconduct ng photoshoot para sa kasal nila." JEZEL?! FIANCE?! PHOTOSHOOT?! KASAL?! Para akong mahihilo sa sinabi ni Kyle. Paanong nangyari eh ako ang girlfriend niya.
"Ma-may fia-fiance na pa-pala ang Ku-kuya nyo?" Utal kong tanong. Shit!! Gusto kong umiyak. So niloloko lang pala ako ni Keith?! Malamang Candice!!
"Opo ate. Last month po, nag propose si Kuya sa kanya. Ang sweet nga nila ate eh. Napakabait po ni Ate Jezel."
Nagulat ako ng biglang lumapit sakin si Kenneth. Pinunasan niya ang pisngi ko gamit ang panyo niya, "Ate, bakit po kayo umiiyak?"
Na-iyak ako lalo sa tanong niya. Ang daya daya mo Keith! Ginawa mo akong tanga!! Ang sakit sakit ng ginawa mo!! Sana hiniwalayan mo nalang ako, hayop ka!! Napahagulgol na ako ng iyak. Para akong shunga na umiiyak sa harapan nila.
Bigla nila akong niyakap kaya nagulat ako, yinakap ko rin sila pabalik. Agos pa rin ng agos ang luha ko.
"Tahan na Ate, 'wag na po kayong umiyak. Sabi nga po ni Kuya Keith na kapag may makita kaming tao na umiiyak lalo na kung babae ay yayakapin daw po namin. Para daw po hindi nila mafeel na alone sila. Hug is the best comfort sa mga taong nahihirapan, nag-iisa at nasasaktan. Kaya sana po ate ay nakatulong sa inyo ang yakap namin." Peste ang Kuya nyo! Hindi niyo lang alam na ang Kuya niyo ang dahilan kung bakit ako umi-iyak at nasasaktan.
The End
***