Chapter 10

1.5K 103 6
                                    

"Myrna, bumangon ka na riyan. Malelate ka na sa school." Pagyugyog sa akin nito na parang pamilyar yung kaniyang tinig.


Naalimpungatan ako mula sa mahimbing kong pagkakatulog at napadako ang tingin ko sa kanya. Si Nanay Andeng lang pala.


"Anong nangyari sayo bata ka? Jusko, ang dami mong kalmot sa katawan!" Tarantang hirit niya noong humarap ako sa kaniya.


Napatingin tuloy akong bigla sa aking katawan at doon ko napatunayan na hindi lang kalmot ang aking natamo, kung hindi sugat din na nagnanaknak. Napatayo tuloy ako bigla sa aking higaan.


Sinubukan kong hawakan ang mga kalmot ang sugat ko. "Ahh!" Sigaw ko dahil masakit.


"Huwag kang aalis diyan hika, kukuhanin ko lang yung panglinis ng sugat doon sa baba." Nanginginig niyang turan. Hindi mapakali si Nanay Andeng dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin. Dali-dali siyang nagtatakbo patungo sa baba.


"Ahh!" Sigaw ko. Unti-unting humahapdi ang mga sugat ko sa katawan. Tiyak na kagagawan na naman ito ni Sonia! Argh!


"Huwag kang mag-alala, pawala na iyan kaya mas lalong sumasakit. Isa lang ang ibig sabihin niyan, tuluyan ka ng mapapasaakin! Haha!" Bungad ni Sonia na nakaupo ngayon sa gilid ng aking kama.


"Ahh!" Sigaw ko dahil bigla na lang akong lumutang sa ere. Ang mga sugat ko sa katawan ay biglang nagliwanag.


"Hindi ka na makakawala pa sa akin. Haha!" Turan pa niya.

Matapos mawala nang pagliliwanag sa aking sugat, kasabay nito ang pagkawala ng aking sugat at bumagsak na akong bigla sa aking kama.


"Uh!" Ungol ko nang bumagsak ako sa ibabaw ng kama.


"Hija, heto na yung—" hindi na natapos ni Nanay Andeng ang kaniyang sasabihin.


Napahinto siyang bigla sa may pinto at nakahawak sa kaniyang dibdib. Unti-unti siyang napaluhod na pawang inaatake siya sa puso.


"Sonia! Itigil mo na iyan!" Sigaw ko sa kaniya dahil tiyak kong siya ang may kagagawan nun.


Tuluyan na ngang bumagsak sa sahig si Nanay Andeng at nawalan ng malay. Nataranta ako nang bigla siyang mangisay.


Dali-dali akong tumakbo sa kinalalagyan niya. Sinipat ko kung humihinga pa siya, o 'di kaya'y normal pa ba ang tibok ng puso niya.


"Sonia! Tumigil ka na! Hindi ka na nakakatuwa. Maawa ka naman sa matanda oh! Please!" Pagmamakaawa ko rito.


Nginitian niya lang ako at bigla na lang siyang naglaho. Tumigil na rin sa pangingisay si Nanay Andeng at naging normal na ulit ang tibok ng puso niya.


At dahil hindi ko siya kayang buhatin, kinaladkad ko na lang hanggang sa maabot namin ang aking kama. Inihiga ko siya rito para makapagpahinga. Aligagang-aligaga naman ako para makapaghanda patungo sa school.


Makalipas ang isang oras, namarating din ako sa school. Hindi ko na naabutan pa ang first subject namin kaya sa second na ako makakapasok.


"Hi Myrna!" Bati ni Logan nang madaanan niya ako. Nagjajogging sila ng mga ka-team niya sa basketball. Nginitian ko lang siya bilang ganti.


Pagkarating ko sa tapat ng pintuan, nandoon na ang aming guro.


Nag-aalinlangan akong kumatok dahil siya ang kinatatakutang guro ng lahat. Masyadong strikta, higit sa lahat, ayaw niya sa mga late.


"Ma'am, may tao po sa labas." Bungad ng pabida kong kaklase habang nakaupo ang aming guro sa trono niya.


Napadako ang tingin niya sa akin na pawang nanggagalaiti. Nandidilat na ang kaniyang mga mata kaya napaurong ako ngayon sa aking kinatatayuan. Naparigagal na ako halos sa kaba dahil sa maaari niyang gawin sa akin.


"Why are you late?!" Sigaw niya. Napakatinis pa ng boses niya kaya umalulong sa loob ng silid ang nakaririndi niyang tinig.


"Kasi po.."


Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin dahil nanlaki ang mata ko sa aking nakita.

Sonia SaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon