Ilang beses ko ng nahuhuli si Mond na nambababae, pero sabi niya sakin titigilan niya na daw.
Syempre si Ako naman patawad. Mahal ko e.
Ano magagawa ko? Di ko siya matiis e.
Bakit ba?Paulit ulit niya akong niloloko ako naman si tanga paulit ulit ko siyang pinapatawad, uulitin ko MAHAL KO NGA KASI.
Siguro naman naiintindihan niyo ko.
Kayo din nag pakatanga dba?Wala namang hindi naging tanga sa pagmamahal e.
Mahal ko si Mond di ko siya kayang iwan, kahit ilang beses niya akong lokohin mahal ko padin siya at tatanggapin ko pa din siya.
Ang kaybigan kong si Jenilyn Ramos, lagi akong sinasabihan.
Palibhasa walang love life e.--------------------------
"Ano ba jhane? Di ka ba nag sasawa sa ginagawa niya?" Sabi ni Jen
"Hindi kasi mahal ko siya at di na mag babago yun okay?" Sabi ko
"e nag mumukhang tanga ka na dba?" Tanung ni Jen sakin.
"ano bang pakialam mo ha? Kay bigan lang kita dba? So wag mo ko pangaralan!" Sagot ko naman sa kanya.
"okay sige di na kita papaki alaman, basta jhane sinabihan na kita ha? Friend mo ko ayoko lang masaktan ka." Sagot niya sakin alam kong nag aalala siya sakin pero ano ba boyfriend ko na pinag uusapan dito.
"hayaan mo na lang ako Jen okay?" Yan na lang nasabi ko.
"okay." Sagot niya.
-----------
Jhane's POV
Tama ba yung sinabi ko kay Jen? Hays, siya kasi e tinututulan ako ni Jen. Mahal ko nga kasi si Mond.
Di ba maintindihan yun? Mahal ko siya at di na mag babago yun.
--------------------
Nakalipas na ang ilang buwan, at eto na ga-Graduate na kami.
Napaka saya namin sobra.Pero ang sayang yun napalitan ng sobrang lungkot. Nang makipag hiwalay si Mond sakin.
At walang dahilan para hiwalayan niya ako.Minahal ko siya, lagi ko siyang pinapatawad sa mga kasalanan niya tapos ganto lang iiwan niya ko sa ere?
Napaka unfair niya dba?
Nagkulang ba ko para iwan niya ako?
Araw araw akong umiiyak dahil sa kanya.
Iniisip ko kung ano bang nagawa ko na ikinaputol ng relasyon namin?
Masama ba akong girlfriend sa kanya at iniwan niya na lang akong bigla?
*Flashback*
"Jhane mag hiwalay na tayo ayoko na" siya
"Mond ayoko alam mo namang mahal na mahal kita, ano ba ginawa kong mali para iwan mo na lang ako basta?" Ako habang umiiyak
"Ayoko na sayo yun na yun. Di mo ba maintindihan yun?" Sabi niya sakin na para bang wala kaming pinag samahan.
"1year Mond! 1year itatapon mo lang ng basta basta sa walang dahilan!" Ako na umiiyak at galit na sa kanya.
"Tapos na tayo Jhane, okay? Ayoko na." Sabi niya sabay iwan sakin.
Ang sakit, ang sakit sakit sobra.
*End of Flashback*
Ilang araw lumipas mula nung nag break kami.
Nabalitaan ko na lang na may iba na si Mond.
![](https://img.wattpad.com/cover/39295110-288-k55737.jpg)
BINABASA MO ANG
Di lahat ay totoo, minsan lahat yun puro panloloko.
Short StoryAno ba nakukuha ng mga taong manloloko pag nanloloko sila? Masaya ba? Masarap ba sa pakiramdam ang makasakit sa iba?