LHG Chapter 19: Him VS Her (Feelings)

290 17 2
                                    

"You see her when you close your eyes

Maybe one day you'll understand why Everything you touch surely dies Everything you touch surely dies"


****

Rhiane's POV


Nagising ako dahil naramdaman kong may naka tingin sakin, Isang Malamig na tingin.. Full of Sadness and Painfull.. Even if my Eyes was Closed but i know.. Those Stare.. Alam ko kung kanino ang Tingin na yan.

Dumilat ako at nag tama ang mga Mata namin.

"Gising ka na pala."

"C-Cylide.."

Bat sya andito? Kaya pala ang Lamig eh.

"K-Kanina ka pa andito?"

"Kakarating lang."

"A-asan si Lighte?" Saka ako umupo sa Kama at inikot ang tingin ko. Nasa Clinic pa pala ako.

"Umalis.." Napatingin ako sakanya.

"Umalis? Uhh.. S-Sige aalis na din ako."

"Teka." Hinawakan nya ako sa braso kaya napalingon ako sakanya.

"Mamaya ka na umalis." Sabi nya.

Tinanggal ko ang Kamay nya sa Braso ko. Nakukuryente ako eh.

"Hindi pwede. Okey na naman ako eh. Aalis na ako."

"Bakit mo yun ginawa?" Tanong nya bigla sakin.

"Alin?"

"Alam mong si Aubrey yung may gawa sayo nyan. Bakit hindi mo sinabi? Bakit pinag tanggol mo sya?" Sunod na sunod na tanong nya.

"Hindi sya ang may Gawa nito! It's my Fault!"

"Sya ang May gawa! Alam kong alam mo yun!! Bakit mo ko pinigilan ha?! Nag mamala Santo ka na naman! Hanggang kelan ka ba ganyan?! Muntik ka nang Mamatay! Muntik na! Tapos pinag tatanggol mo pa ang Tarantandong Babaeng yun?! Sya ang May dahilan kung Bakit ka muntik na Malunod kanina!!" Galit na sabi nya sakin. Ngayon Sumisigaw na sya.

"Hindi nga sya sabi eh!!"

"Shit na yan!! Wag mo nga akong gawing Tanga!! Wag mong gawing Tanga ang Sarili mo!!"

"Ano naman kung Sya?! May magagawa ka ba?! Mauulit ba ang nang yari?! kapag sinabi ko ba yun sa tingin mo hindi ako malulunod?! Magagawa mo kayang ibalik yun ha?! Ha?!" Kung Galit sya, Aba Mas galit din ako!!

"Hindi ko maiibalik yun! Pero sana hindi mo sya pinag tanggol! Umayos ka nga sa Ugali mo! Wag ka ngang maging Mabait dyan! Dahil dyan sa ginagawa mo napapahamak ka!!"

Ha! Grabe sya makapag salita. Kala nya alam nya lahat. Ha! Ang Galing nya!

"Sayo na nga ang nang galing na WALA KANG MAGAGAWA! Para ano Cylide? Bakit ko aaminin na sya ang May Dahilan?! Para ano? Para magaya mo sya kila Madonna?! Alam ko Cylide na ikaw ang may dahilan kung bakit Hanggang Ngayon Hindi pa sila pumapasok!"

Mukha naman syang nagulat sa sinabi ko.

"Ginawa ko lang ang Tama."

"Tama?! Ha?! Bakit yung ginawa mo sa pag tulong mo sakin noon diba sayo na nang galing na LARO MO YUN?! YUN ANG GUSTO MO! YUN ANG GUSTO MONG MANG YARI!! Kaya wala kang karapatan na sabihin na TAMA ANG GINAGAWA MO!!"

Let Her GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon