My name's Zyannedria Alysse Ysabelle Sy! Haba ng hair! Hahahahaha. Half maganda pure tanga. Dejk lang guyth. Talagang di lang gumagana ang common sense ko most of the time. Pero matalino naman ako in terms of Academics. Sa katunayan isa ako sa mga top students sa batch namin. Pabebe, painosente effect pero malandi pala, plastik, oa, cheater, feelingera and take note retokada. Yan ang tawag ng karamihan sakin.
Okay lang, sanay na akong ginaganyan ako. Besides, wala akong pake. Hahahaha! Kahit ginaganyan na nila pangalan ko mas mataas parin grades ko kaysa sa mga pangarap nila!
Nagmumukha silang hampaslupa sakin. Ewan ko sakanila, di naman nila kinauunlad yan. Pero medyo proud din ako, inuuna pa nila ako kesa sa pag-aaral nila. Gusto ko nga sanang magpost ng status sa facebook eh. ——-Feeling fabulous. Wag nalang baka tadtarin na naman nila ako ng mga kaputanginahan nila! Kaya andito ako nakahiga sa malambot kong kama sa napakaganda kong kwarto sa napakalaking mansion ng mga Sy, ang aga pa kasi. 9:00 am pa yung first subject. 5am pa nga eh. Ewan ko sa sarili ko, nababaliw na ata ako. Palagi akong napapaisip kung ba't ginagawa nila ito sakin. Hindi ko naman sila inaano. Teka lang huh, napakasinungaling ko kung sasabihin kong wala akong pake pero nasabi ko na. Sa totoo lang nasasaktan ako at mas nasasaktan ako sa tuwing nagpapanggap akong okay lang sakin yun. Sanay ako pero kahit kailan di naging okay sakin yun, kasi nasasaktan ako sa tuwing tinatapakan nila ako. Pero—- *buzz*
Ay? Bastusan lang? Nagdra-drama ako dito tapos may mang-iistorbo? *buzz* Oo na! Andyan na, dali dali kong kinuha ang cellphone ko at sinagot yung kung sino mang baliw ang tatawag ng ganitong oras. Di ko kilala kung sino pero dahil nga gaga ako sinagot ko parin! Duh.
Sino kaya to? Huminga ako ng malalim saka naglakas loob na magsalita "Hello?" Hindi parin nagsasalita yung nasa kabilang linya? HALA! Baka serial killer 'to? Baka nalaman na nila kung sino talaga ako? Ano na? Dapat magpanggap akong walang kaalam-alam. "H-hello?" Nauutal kong sabi. Ang narinig ko lang sa kabilang linya ay yung parang umiiyak. "Sadako? May cellphone ka na tapos ito na yung trip mo, uy wag ganun! Bigyan nalang kita ng BB cream. Walang ganyanan!" Tumigil sa pag-iyak yung nasa kabilang linya, unti unti siyang tumawa. Baliw ba 'to? "Alam mo para kang baliw!" lakas loob kong sinabi. Tumawa parin yung nasa kabilang linya, ewan ko pero natawa narin lang ako.
Nang di kalaunan, natahimik kami. "I had a really bad day, and i thought that maybe I needed someone to talk to." Hala. Hala. Luuuuuuuuuuh! Lalake pala! At omg nosebleed na this. "Uh. Eh. Bakit ako? Di kita kilala tapos di mo rin ako kilala." I pointed out. "Exactly, that way you can't judge me." He replied. I laughed it off and I started to open up too. "I know how it feels to be treated like that, and i don't think it'll do me any good kung gagawin ko sa iba yun."
Hindi ko alam pero.. nakakagaan sa pakiramdam. A total stranger. "You know what? I'm glad it was you who I randomly called, for a stranger you're not that bad." Sabi niya sa kabilang linya. Napangiti ako ng di ko alam.
We talked for hours, it never matter kung ano na yung topic. We found many similarities between us, and I thought that maybe.. just maybe love can be for me too. Pero hindi! Hindi pwede. Di ko pa sya kilala. Pero he's a fine man! Pero ang problema ko lang kung sakaling mabaliw ako sa kanya ay may kinababaliwan syang babae, and that girl is having a hard time. Sabi niya, she was perfect. Napakapure daw nito at napakabait. Nakakainis naman, nakakainggit. "So.. i guess it's time for goodbye? It's 8 already." sabi niya.
Nakakalungkot. "Uh. Oo nga, sige. Mauna na ako huh. Salamat!" And with that i hung up. Di ko alam kung bakit pero ang lakas ng tibok ng puso ko kahit centralized ang buong bahay pinagpapawisan ako. Kailangan ko ng maligo. Bumangon ako at ng ilalagay ko na sana sa night table yung phone ko, may nagmessage.
From : 09XXXXXXXXX
Hey? Have a nice day. Thanks for the time :)
Nalunok ko pati ngipin ko at napatayo sa sobrang kaba ang balahibo ko. Ano ba 'to. Tsssss. I named him 'Nice guy'
After that naligo na ako atsaka nagbihis, nagready na ako ng mga gamit saka lumabas ng kwarto. Pagkababa ko, nandun na si Dylan saka si baby Yannie. I guess napaaga na naman sina Mommy and Daddy. I greeted Manang Pau, she was feeding baby Yannie. While Dyl was being the typical Dyl. Napakunot siya ng noo ng napansin niyang tinitingnan ko sya. "Ate ano ba, palagi nila akong tinitingnan sa school. Pati ba naman dito?" Naiirita niyang mungkahi. Wow huh. Ang gwapo ng kapatid ko! Hahahahahaha. Napatawa nalang ako ng malakas at kumain na.
Pagkatapos kong magtoothbrush, tinahak na namin ang landas sa napasaklap na buhay. Dejk lang! Papunta na kaming school ni Dyl. Napaisip nalang ako sa problema niya. Gwapo pero napakaproblemado. Eh pano, ang aga naglovelife. 4th year highschool pa pero may napupusuan na. Haycxzs napasama tuloy sa tiglandi tong kapatid ko. 4th year rin ako, advanced kasi si Dylan ._. Minsan naiisip ko, na mas matalino talaga siya pero ayaw niyang masugatan ang pride ko. Kasi nga i'm his big sister. Basta yun na yun! Parang naaawa siya sa tuwing tinatalo niya ako sa sarili kong laro. Kaya lang ano eh. Ang pangit ko ata. HAHAHAHAHAHAHA! Asa. Ang dyosa ko kaya. "Ate nababaliw ka na?" Sarkastikong tanong ng kapatid kong si Dylan. "Dyl can you please shut up?" Sagot ko sakanya. He just smirked atsaka napatingin sa cellphone niya, nakalog-in sa phone niya? Rp account. Dito niya kasi natagpuan ang love of his life. Simula no'n goodbye personal account na 'tong kapatid ko. Kaya maghintay kayo't gagawan rin ni Author-nim ng story 'to ^_^
"Andito na tayo." Sabi ni Mang Arnel, driver namin. Napatingin ako. Sa kadaldalan ng pag-iisip ko di ko namalayang nandito na pala kami.
BINABASA MO ANG
Better Than Words
Teen FictionA call from a complete stranger changed my life, it's magical enchanting and beautiful. "I don't know how else to sum it up, cause words ain't enough. I can't explain your love, no. It's better than words." -Nice guy to Alysse