Chapter 2

25 0 0
                                    

Alysse's POV

Nang umabot ako sa school, pinagtitinginan ako ng mga tao. Chineck ko uli yung uniform ko pero wala namang mali sakin ah. Huhuhuhu ano na naman ba 'to? Dumiretso ako sa locker room, feel ko sinusundan nila 'ko.

Nagulat ako sa nakita ko, may nakasabit na balloon sa locker ko at nagkalat sa sahig ang mga rose petals. 

Bullying. "Sinong may gawa nito?" Sigaw ko. Walang umimik.

"Ako." Nasa likuran ko lang naman pala eh. Pa-'suplada' effect 'kong hinarap ang misteryosong litterbug/A.K.A bully of the day.





Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. 





Ano 'yon? Puso ko. Ang puso ko! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Oh my god. Hinalikan niya ko! Ang init ng hininga niya! Edi wow. Ang gwapo niya :((

He smiled mischieviously. "Gwapo ko 'no?" Tumawa siya ng malakas matapos niyang bitiwan ang linyang yan. 

"Hindi ah!" Sinagot ko sya, ang hangin eh. Alam niyo bang magkalapit parin ang mga mukha namin? Syempre hindi. Hahahahaha! 

Napapoker face siya sa nasabi ko. He took a step forward, konti nalang para na kaming nag-nonose to nose. "Ba't namumula ka? Pinagpapawisan ka rin." Pa-inosente niyang mungkahi. 

Dali dali niyang nilayo ang mukha niya at may kinuha sa bulsa niya. Naglabas siya ng puting panyo, atsaka pinunasan yung pawis ko. Nakafocus talaga siya. Di ko lubos ma-imagine kung anong kabutihan ang nagawa ko n'on at nangyayari sakin 'to. 

"Ayan. Tapos na" Sabi niya habang inaayos rin ang buhok ko. Di ko maexplain. Ewan ko!

"Hi ex, tulala ka ata?" 



Oo. Ex ko siya. Siya si Zero, AKA Zeandro Ronan Kwon. Ang saklap. Oo, nagkaboyfriend na ako. Hahahahahaha may ganda rin ata ako! "Uy. Nababaliw ka na ata?" 

"Get a life Zero!" Napasigaw ako ng wala sa oras. Aba gago to ah! "Fyi, ikaw yung nagkalat ng kung ano ano dito sa locker room. Pangalawa, hinalikan mo ko for no reason. Pangatlo, ewan ko inborn yang kabaliwan mo itanong mo nalang sa nanay mo." Sabi ko. 


"Ano 'to? Ang aga-aga may naglalandian dito sa locker room? And what a shame for you Alysse! The both of you, see me at the principal's office!" Uh-oh. 

Napatingin ako kay Zero. Kasalanan mo 'to! Humanda ka sakin. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Better Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon