Need You Now

106 7 4
                                    


"Sheila sandali mag papaliwanag ako-"

"Paliwanag?! Di uso sakin yan! Pwde ba Yvez nakita ko na eh. Ano pang ieexplain mo? Na kayo chu chu ganyan?! Tantanan mo na ko!" Manloloko tong busit na to. Nakakainis siya. Sarap niya murahin tska patayin. Ang sama niya niloko niya ko. Sabi niya promise di niya ko lolokohin. Napaka walanghiya niyang lalaki. Buset siya.

-----

Dumeretso ako sa condo ni Mariah. Best friend ko since grade 7. Sana matulungan ako ng murit na yun. Kumatok ako sakanya.

"Sandali lang! Sino- Ay Sheila! O buti- Sheila? Bat umiiyak ka? Hala. Halika ka pasok ka"

Pinaupo niya ko sa sofa tska siya kumuha ng juice.

"Oh inom ka muna. Napano ka? Bat umiiyak ka?" Nakita kong worried siya. Nagulat ako ng bigla siya tumawa. Shet? Baliw lang? Wala yata akong mapapala dito.

"Bat tumatawa ka?!" pasigaw kong tanong.

"ahahahaha! Wala lang para tumawa ka." Tska siya nag poker face. Natawa nalang ako.

"Ano bayan ang fake. Oh kwento na." Bigla akong nalungkot ng tanungin niya kung bakit ako umiiyak.

"Si Y-yvez kasi...-"

"Ay tarantadong lalaki yan pinaiyak ka! Sabi ko naman kasi sayo eh! Walang maiidudulot na maganda ang pag boboyfriend! Tingnan mo ko! Nbsb kahit na 4th year na tayo!"Makasigaw to ah.

"Sandali nga. May nanliligaw ba sayo?" Tanong ko. Huh! Ta makakasagot siya. Bigla siyang umayos ng upo tska sumagot "Wala... Sandali nga bat sakin napunta usapan? Gusto mo sugurin ko yung lalaking yun?!-"

"Papangaralan mo muna ako o mag kukwento bago mo ko pangaralan?"

"Sabi ko nga mag kukwento ka muna bago kita pangaralan" Tska siya nahihiyang ngumuti. Baliw to.

"Kasi naman nakita ko si Yvez tska yung ex niya na si Shine na magkasama sa mall. Ang saya nila tapos naka akbay si Yvez kay Shine. Bigla akong nakita ni Yvez tumakbo ako tas.. tas.. nasampal ko siya. Kapal kasi ng mukha. May pa forever forever pang nalalaman mang babae rin pala. Iba sa lalaki? Ano siya alien?! Tapos-" Napatigil ako ng magsalita siya. "Did you let him explain? Kailangan mong pakinggan side niya. Malay mo may reason--"

"Oo may reason siya! Na sila na! Grabe. Ayokong nakikinig ng explanation ng manloloko!"

"Loko to! Yan hirap sayo di mo pinapakinggan explanation ng iba eh. Kahit kailan talaga ikaw pusa ka."

"Maka pusa ka?!"

"Eh mukha ka kayang pusa sa galit mo!"

"Atleast di ako baboy!"

"Edi wow! Ako na baboy atleast sexy eh ikaw ang sungit pusa ka talaga!" Walanghiyang babae to. Pano ko ba naging kaibigan to. Wala akong napala.

"Oh ito ha. Pag nag call siya sayo let him explain ok? Pakinggan mo muna siya kahit sabihin mo na minura mura ko yung ogag na yun tapos papakausap kita. Ayaw ko lang umiiyak ka. Ayoko ng tiger gusto ko pusa lang. Ha? Pero seryoso pakinggan mo siya." Ah. Alam ko na kung bakit ko naging kaibigan tong baboy na to. Hahaha.Niyakap ko siya. Kahit papaano kasi nacomfort ako. Kahit puro kalokohan. Haha

"Tara kain muna tayo treat mo. Nagutom ako." Natawa nalang ako tska umalis.

------

Two weeks na ang nakakaraan sila ng mangyari yun. Kala ko mabilis lang mag move on di pala. Galing ako kay Mariah. Sa dalawang linggo na yun ang daming pinakikilala sakin ni Mariah. Di ko nman type. Ni isa wala akong nagustuhan. Mahal ko parin siya kahit na galit ako sakanya. Di rin siya nag paparamdam. Makita ko man siya sa school nag iiwasan kami. Naiinis ako sakanya. Siya pa may ganang galit eh siya na nga tong may kasalanan. Humiga ako sa kama tska hinug yung bigay niya na malaking bear. Color Pink. Ang cute cute. Bigay niya sakin to nung 2nd anniversary namin. Sa totoo lang namimiss ko.na siya. Tumunog yung phone ko. Pagtingin ko si Mariah.

"Hello? Oh bat tumawag ka?"

"Ready ka tom aalis tayo."

"Saan nanaman tayo pupunta? Baka iblind date mo nanaman ako. Ayoko na ok? Sawa na ko sa mga blind date na yan. Walang nangyayari di parin ako maka get over. Ok?"

"Sabi ko nga. Pero alis tayo bukas. Sige good night! Sleep tight! Mwah!"

"Sige kaw rin"

Tska niya binaba. Nakatulog na ko after nun.

-------
*Ring*Ring*Ring*Ring*

Hmm. Antok pa ko.Kinuha ko ang cellphone ko kaso pinatay nung tumawag. 3:48 ng umaga palang sino ba to? Tiningnan ko ang missed calls 25 missed calls. Tiningnan ko kung kanino galing. Yvez Lacson. Nag pop up ulit. Sinagot ko.

"H-hello? S-sheila? A-asan ka? Can we talk?" ang ingay ng nasa paligid. For sure nasa bar nanaman nila to.

"Nasa bahay. Di ako pwedeng umalis mapapagalitan ako kina papa." tska ko binaba.

-----
Di ako nakatulog dahil sa tawag ni Yvez. Nagbihis ako tska pumunta sa bahay nila. Saturday naman kaya ok lang. Pagka rating ko sa gate nila tinext ko si Mariah at sinabi ko na nasa bahay ako nina Yvez. Susunod nalang daw siya. Kumatok na ko tska lumabas yung kuya niya.

"Kuya Dustin. Andyan ba si Yvez?"

"Ah oo. Pasok ka. Nasa kwarto niya siya. Pinupunasan ko."

"Ah. Ako nalang kuya."

"Sigurado ka?"

"Ah oo"

"Nag away ba kayong dalawa? Mga 5 na siya umuwi. Lasing na lasing tska may pasa."Ng makarating na kami sa kwarto."Maliligo muna ako. Papadalhan nalang kita ng juice kay Manang"

"Osige salamat" Tska siya lumabas. Nakita ko si Yvez. Puro nga pasa. Lalaking to napaka pabaya. Sinimulan ko na siyang punasan. Nagulat ako ng hawakan niya kamay ko tska siya dumilat.

"S-sheila?"

"Shh.. Pahinga ka muna. Pupunasan kita." Di siya nakinig sakin. Umupo siya tska niya hinawakan kamay ko.

"God! I miss you! Can you let me explain?"

Napabuntong hininga ako tska naalala yung simabi ni Raina "Fine."

"I'm with Shine because... I want to surprise you. Happy Birthday Sheila..."

"Kailan bang merong akbay?!"

"Okay aaminin ko mali yun kaso. Nadala lang ako. Best friend ko si Shine dati pa bago naging kami kaya napaka close namin alam mo naman yun diba?"Parang nakonsensya tuloy ako. Tss. "di ka muna kasi makinig sa explanation ko eh." Pabulong na sabi niya. "Oo na! Tss. " Niyakap niya ko ng mahigpit. "Sorry Yvez." He kissed my forehead tska niya ko hinarap sa kanya. "It's ok. Tayo na ulit?"

"Bakit nakipag break ba ko?"

"sabi ko nga. Hahaha" Unti unti niyang nilapit ang mukha niya sakin...

"Kyaaaaaaaaah! Ang babata niyo pa mag hahalikan na nga kayo! Tantanan niyo nga yan." Napatingin kami sa nag sasalita. Si Mariah pala. Hahaha. Niyakap niya nalang ako tska kami natawa.
-----
End.

Need you now (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon