Kasalukuyan kaming nagppractice para sa Speech choir namin. 6:00 na ng hapon pero nandito pa rin kami sa school nagppractice. Buti nga at pinayagan pa kami ng ibang staff dahil maggagabi na at sarado na ang main gate ng campus.
"Mae!" tawag sa akin ng guard.
"Bakit Kuya Karl?" pangalan ng guard namin.
"pinapatawag ka ni Sir Joshua" adviser namin.
"sige kuya. punta na po ko. salamat po" at umakyat na ko. sa baba kasi kami nagppractice. sa may mini stage namin. Pumunta na ko ng faculty. Medyo madilim na din sa bandang hagdan kasi binubuksan lang ng staff ang ilaw kapag gabi na talaga. e hindi pa naman madilim ang ulap, kaya yun ang nagsisilbing ilaw ko paakyat ng hagdan. Nasa faculty na ko.
"Sir, pinapatawag niyo daw po ako" sabi ko agad kay Sir Joshua pagkakita ko sa kanya.
"ahh. oo. kukunin ko na yung pera na nakapagbayad sa costume" sabi ni sir. treasurer kasi ako ng classroom namin kaya nasaken ang pera.
"sige po sir. kunin ko lang po sa bag ko." pababa na ko ng hagdan. nakasalubong ko principal namin iniisip ko papunta siya ng office. binati ko siya.
"Hi sir!" tapos tinignan niya lang ako. hindi ko alam pero bakit parang may naramdaman akong kakaiba nung lumingon siya sa akin, pagkatapos niya kong tignan. nagdere-deretso na siya. sinundan ko siya ng tingin, at bago siya pumasok ng office e tinignan niya muna ko, dahil sa kinakabahan ako, pumunta na ko sa stage dahil nandun ang bag ko. pero nasa hallway pa lang ako ng madaanan ko ang principal namin. Nabigla ako dahil kung nakita ko si sir ngayon. sino ang nakita ko kanina?
"oh, mae. grabe kayo magpractice ah. mukhang gustong gusto niyong tumaas ang grades niyo."
"sir? kayo po ba talaga yan?" tanong ko sa principal namin at hindi pinansin ang sinabi niya kanina.
"ha? oo naman. hahahahaha. ano ba nangyayari sayo Ms. Mercado?" tanong ni sir sa akin, at kwinento ko kay sir kung anong nangyari saken kanina at kinilabutan si sir.
"tara. akyat tayo. tignan natin sa cctv ang mga nangyari." at umakyat kami kung nasan ang mga cctv. tinawag ng principal namin ang nag-ooperate doon at pinakita ang nangyari kanina. Nakita namin doon na, pababa ako at bigla akong tumigil at napansin dun na ngumiti ako at parang may sinabi pero walang tao sa harapan ko, at nung nagsimula na kong maglakad pababa ng hagdan at tumingin ako sa kabilang direksyon at parang may tinititigan ako pero walang tao dun sa direksyon na tinitignan ko, at sa doon sa cctv na nasa stage kitang kita na andun si sir. kinilabutan ako dahil yung mismong suot ni sir e suot din nung nakita ko.
BINABASA MO ANG
Doppelganger (one shot horror story) (based on true to life story)
HorrorKadalasan hindi ka na lang talaga maniniwala kung totoo nga ba ang iyong mga nakikita, nakakasalamuha o nakakausap. Nakasisigurado ka ba na yang kausap mo kanina ay ang taong malapit nga sa iyo? Nakakasigurado ka ba na ang pinagtanungan mo kung ano...