Chapter 3

3.8K 141 3
                                    

ATHENA Pov's:
#Emergency

"Good morning, Ma'am."

Kaharap ko ngayon ang isang magandang babae, na tiyak ilang taon lamang ang tanda sa akin.

Maputi at makinis ang balat nito na binagayan ng maliit na mukha na parang manika.

Nakalugay ang hanggang balikat na kulot at blonde niyang buhok.

She's wearing white blouse and a blue skinny jeans with a pair of tennis shoes. Her Gucci bag above the table.

Makikita mo na professional ang dating at kayang makipagsabayan sa anumang pakikipag-tao. Pero pansin ko na parang mataray ang babae.

Hindi siya ang kausap ko kanina sa telepono. Pinadala lang siya dito upang personal na makita ang lugar.

Nandito kami ngayon nakapwesto sa labas ng Restaurant. Mas prefer kase nito na dito ako kausapin ukol sa pinunta niya.

Kape at strawberry cake ang nasa harap niya, habang sa akin naman ay isang milkshake lang.

"You have a nice area for your Restaurant." Nakita ko ang paghagod nito sa buong paligid ng Restaurant.

Natuon ang pansin nito sa kulay bughaw na tubig doon sa karagatan.

Medyo mahangin dito sa labas at masarap sa balat ang mainit na panahon ngayon. Maganda ang sikat ng araw kagaya sa luntiang mga ulap sa kalangitan, masarap pagmasdan.

"Thank you, Ma'am. Not only the place but also the service and the people behind it. I'll assure you for that." Proud kong pagngiti na kinatingin naman sa'kin ng babae.

Tumaas ang kilay nito pero agad din tumango. Nakasandal ito sa bangko habang magkasalikop sa dibdib ang mga braso at magkasalikop ang legs.

She's comfortable with her position, plus the ambience of the place. Proud na proud ako sa lugar na ito.

"So, we chose the right place for the important event?" Saad niya habang nakatingin sa akin.

May bahid ng paninigurado ang tono ng boses nito. Parang nakatitiyak na ito sa lugar na nais niya.

"What event is that, Ma'am?" Magalang kong tanong. Nakita ko ang pagngisi nito na parang may naalala.

"Autograph for the fans of  UNICORN band. This place is suited and will comportable for the guys." She said with a big smile.

Ngayon ko lang narinig na may bandang ganoon. Hindi naman kase ako mahilig sa Music, maliban siguro sa anak ko. He loves Music so much.

"That's good to heard, Ma'am. If you choose our Restaurant, we promise to give you a good service."  Pagmamalaki kong saad.

She's nodded at my words and decided to chose our Restaurant. And after a few talking we exchange signing our documents. She also give me a check for a down payment.

"I need to go." She said before getting her bag. Tumayo din ako.

"Take care and be safe in your driving, Ma'am." Nakangiti kong sabi na kinatango nito bago lumakad.

Babalik na sana ako sa loob nang matigilan ako sa pagvibrate ng cp ko. Kinapa ko iyon sa bulsa ko at kinuha.

Natigilan ako nang makita ang teacher ng kambal ang tumatawag sa'kin. Bumaha din ang kaba sa dibdib ko nang dalhin ko iyon sa tenga ko.

"Hello, Ma'am—"

"Miss Atienza! Pumunta kayo ngayon dito sa ospital at nahimatay po ang anak niyo!" Muntik ko ng mabitawan ang cp ko pagkarinig ng sinabi niya. Parang nanghina din ako.

Hunstman Series #:12- The Possessive Superstar Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon