S E R E N E
I'm a hopeless romantic type of a girl. Naniniwala rin ako sa first love.
Even childhood love.
When I love, I will give my all. I'm loyal and I'm the type of a girl that don't give up.
Kinilala ko rin ang lalaking mahal ko.
I'm in love. His name is Jonathan. The coolest man ever! He's my kababata. The time he courted me, oo agad ang sinagot ko sa kaniya. Relasyon nga daw ang pinatatagal at hindi ligawan. Also, I've known him since birth.
We are bestfriends until we fell to each other.
Ako ang naunang nahulog sa amin kaya laking tuwa ko talaga nang nanligaw siya sa akin.
Nandito ako ngayon sa bahay nila. I wanted to surprise him, and honestly one week na kaming hindi nagkikita. Baka niloloko na ako kaya naninigurado lang. Yes, I'm kinda clingy.
Mabuti ng nakakasigurado tayo. The gate is always open during the day so I'm welcome to visit. Kumalabog agad ang puso ko nang nasa harap na ako ng pinto. OA ng heart ko, a? Isang linggo rin kaya kaming hindi nagkita, kay naman nami-mss ko na siya.
Pinagbuksan ako ng kanilang katulong na agad akong pinapasok. Bigla naman itong naglaho nang makapasok na ako. Kilala na nila ako kaya hindi na kailangan magpakilala sa kanila. Inikot ko nalang ang mata ko sa buong bahay nila.
Ang ganda talaga nang bahay nila. I've been here since I was a young kid but still na-amaze ako sa bahay. Tita Joan really know how to manage her house. She's an interior designer. Actually, they change their house design every year kaya namamangha ako lagi tuwing nakakabisita rito.
Naglakad lakad ako sa entrance part ng bahay nila. I'm sure my boyfriend knows that I'm here. Nagkausap pa kami nang magising ako. Is he back asleep? Hindi pa siya lumalabas galing sa kwarto niya, a.
Oh gosh! This is frustrating me! Ba't ang tagal, ha? Pag ako talaga niloloko ng mokong na ito makakatikim eh! Sus, Serene, ito ka na naman. Lumalabas na naman ang pagiging overthinker mo. Can you just wait? Mahal ka no'n at hindi ka lolokohin no'n, kilala mo na siya.
Simula't sapol pa lang. Kaya mo siya nagustuhan. Kaya nga mahal mo siya dahil sa kaniyang kabaitan.
Bigla nalang ako naloka dahil sa may isang napakagwapong nilalang ang niluwa ng pinto ng kaniyang kwarto sa taas. Nakatingala ako habang inaaral ang mga chandelier nila. Parang lumiliwanag ang buong katawan niya. That's obviously an exaggeration. But for me, he is really a god in my eyes.
Nanliit ang mga mata ko. Nagsitindigan ang balahibo ko. Naging kakaiba ang pakiramdam ko.
Natulala lang ako habang nakatingala pa rin sa lalaking kakalabas lang.
Ang pinagtataka ko lang, may kakaiba sa aura niya, biglang naging mas pamilyar. Mas lumalakas nang tibok ng puso ko. Is this normal at all? Beyond normal na yata ang heart rate ko. Hindi ko alam kung ano itong kakaibang pakiramdam. Epekto ba ito ng isang linggong hindi siya nakikita?
I don't understand.
Umiling ako, ano na naman ba itong pinag-iisip ko rito? Paranoid ka lang, Serene!
Para ba akong bumalik noong pagkabata ko. Noong una ko siyang makilala talaga. Noong unang beses kaming nagkakilala. Sobra yata ang pagkahulog ko sa kaniya dahil nagkakaganito ako ngayon. Pero bakit ganito ako? Parang nabubura lahat? Kakaiba at hindi ko maintindihan.
"Hey," sabay ngiti sa akin.
Sa sobra ng pag-iisip ko sa mga bagay-bagay ay hindi ko namalayang pababa na siya at sinusundan lang siya ng mga mata ko pero ang utak ko ay nagloloko.
BINABASA MO ANG
I Fell To The Wrong Man?
General FictionNot edited. Jejemon version. Read at your own risk (c) 2012