Hindi ko alam kung may magbabasa neto, pero kung meron man, sana hindi kayo maguluhan.✌
PS. Dont forget to vote! Lovelove
PPS. KATHANG ISIP LAMANG. WALANG KATOTOHANAN SA LAHAT. Thanks!
♠♤♠♤♠♤♠♤
Lahat naman na ata ng taong nakilala ko, umasa na. Hindi man sa taong mahal oh gusto nila, pero sa ibang bagay na gusto nilang makuha pero hindi nila napag tagumpayan. Gayunpaman, gumagawa tayo ng paraan para makamit ulit iyon. Sana nga ganun kadali kapag umasa ka sa taong akala mo kaya ka din mahalin gaya ng pinakita mong pagmamahal sa kanya. Pag nag mahal ka sa taong hindi ka naman kayang mahalin, para kang kumain ng lugaw ng tinidor yung gamit mo. Bukod sa nagpakatanga kana, sinayang mo lang oras mo na imbis naubos mo na, nagpakatanga ka pa.
Flashback..
Araw ng Martes, aalis ako dahil may training nanamang dapat puntahan. Ayaw ko man, pero dahil kailangan sa kursong kinukuha ko, napilitan akong kunin dahil ayokong malate sa pag graduate. Ako nga pala si Francheska. Pero ang tawag nila sa akin ay Bubbles. Ewan ko. Yan ang palayaw na binigay nila sa akin. Kumukuha ng kursong sa tingin ng iba ay para lang sa lalake. Pero dahil nga alam kong sa sarili kong kaya ko 'to, pinursigi ko na.
Alas cinco palang ng umaga umalis na ko sa bahay para hindi malate sa usapan. Pagkatapos kong magpaalam sa magulang ko, lumabas na ko ng bahay dala ang maleta at knapsack ko.
"Osya sige anak. Hindi kana namin ihahatid. Mag iingat ka doon. Alam mo namang puro lalake ang kasama mo."
"Hindi ko po nakakalimutan yan Ma. Sige po. Aalis na ko."
13 days na akala ko magiging impyerno ang buhay ko. Mali pala. Dahil sa loob ng 13 days na iyon, nangyari ang ayokong mangyari. Ang mahulog ang loob ko sa taong hindi ako kayang saluhin. Sabi nga nila, pag nahulog ka, sahig nalang ang sasalo sayo. Hindi nga sila nagkakamali.
Sa loob ng 13 days na yun. Kami ang laging magkasama. Tanga man, pero nahulog agad ang loob ko sa kanya. Hindi dahil sa pogi sya oh matalino. Kundi napaka gentleman nya at napaka bait. Inaamin ko, madali akong mainlove. Iyon ang pagkakamali ko.
Since first year college kilala ko na sya. Naging tropa, saktong tropa ba? Batian pag nakikita. Nag kekwentuhan kapag walang prof. Ewan ko ba? Noon palang ata may gusto na ko sa kanya. Damdaming hindi napapansin dahil ayaw pansinin. Napansin lang ngayon dahil 2weeks ko din syang kasama.
Pangatlong araw namin dito ng napagpasyahan namin ng kasama kong babae na lumipat ng ibang kwarto. Dahil na din sa hindi kami mapakali na yung mga kasama namin sa kwarto ay mahahalay. Nung ni-kwento ko sa kanya yun, kahit pa hindi namin kasamahan yung tinutukoy namin, kinausap nya iyon at sinabihan. Simpleng bagay pero humanga na ako sa kanya. Sino bang hindi? 100 kayong pumunta doon, tatlo lang kayong babae pero sya ang naglakas loob na kausapin yung mga walang hiyang iyon. Kaya doon palang, nabaitan na ako sa kanya.
Dumaan ang ilang araw na lagi na kaming nag uusap. Alam mo sa sarili mong sweet sya. Pero dahil ayaw mong umasa, ikaw na mismo nag set sa utak mo na kahit kelan, hindi sya magkakagusto sayo. Pero kahit ilang beses mong sabihin, yung puso at isip mo, iba ang gustong mangyari. Yung iba ngang hindi mo nakakausap noon, kabatian mo na ngayon. Minsan nga kamurahan mo pa.