Weakness.Lahat naman tayo ay paniguradong may sari-sariling kahinaan.Hindi man sa pisikal marahil ay sa emosyonal.
May mga oras talaga hindi natin maiiiwas ang ating sarili sa mga bagay na ayaw nating ma encounter.Kahinaan sa bawat bagay na kinakatakutan din nating malaman ng iba.
Tips para di mangyari yan?Una sa lahat wag mong pansinin ang bagay bagay tulad nalamang ng takot.Marahil natatakot ka pero kinakailangan mong harapin ito o i overcome sa halip na takasan.Gamitin mong lakas ang iyong kahinaan.Wag mong hayaan na ibaba nito ang iyong sarili sapagkat sa bawat paglnghihina mo'y lalong natutuwa at nagbubunyi ang iyong mga kaaway.Stand up...wag mong hayaan na lamunin ka ng iyong iniisip.Wag mong hayaan na ito ang maghila saiyo sa di kanais nais na sitwasyon.Wag mong hayaan na manatili kang mahina.Hindi mabubuo ang isang matibay na pundasyon kung wala ang maliliit na materyales.
Ikaw at ikaw lamang ang makatutulong sa iyong sarili
Marahil nandiyan ang mga tunay mong kaibigan,pamilya,o mga kamag anak.Pero mas pagkatiwalaan mo ang iyong sarili higit sa iba.Kung sinasabi nila na hindi mo kayang gawin dahi mahina ka...wag kang makinig sa kanila sa halip ay makinig ka sa iyong kakayahan magtiwala sa iyong sarili at gayundin sa diyos.