Panimula

17 2 0
                                    

"Break na tayo." Sabi ni Breinan na siyang ikinagulat at ikinagulo ng isip ko.
Hindi naman ako naniwala sa sinabi niya. Mahal na mahal kaya ako niyan.

"WHAT?! Hindi magandang biro yan Brei ha." Sagot ko sa kanya.

"Hindi ako nagbibiro, hindi na kita mahal. Kaya please, break na tayo."

Hindi eh, nagbibiro lang naman siya... Alam kong hindi niya kaya yang mga sinasabi niya eh. Mahal na mahal niya ako.

"Brei naman, tama na please, nasasaktan na ako sa sinasabi mo... Hindi naman yan totoo diba? Mahal mo ako diba?" Pasweet kong sabi sabay lapit sa kanya pero nagulat ako ng lumayo siya. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.

"Val, please, maniwala ka. Hindi na kita mahal. Kaya wag na nating patagalin to. BREAK NA TAYO."

Sabi niya na siyang ikinaguho ng mundo ko... Hindi ito totoo eh. Hindi.

"Breinan naman, paano mo yan nasasabi? Paano mo nasasabing hindi mo na ako mahal?!"

Sunod-sunod na ang pagdaloy ng mga luha sa pisngi ko. Hindi ko kaya eh. Sobrang sakit. Sobra.

"Hindi na kita mahal, ok? Kaya please---"

*PAK

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nasampal ko na siya. Grabe. Ang daming pumapasok sa isip ko na mga dahilan kung bakit siya nakikipag break sa akin. May nagawa ba akong mali? May iba ba siyang mahal? Yun bang hindi ko pagsang-ayon sa kanya na makipagsex? Yun ba?!

"BAKIT?! HA? BAKIT?! May iba ka bang mahal?! May iba ka na bang mahal? BAKIT? Sagutin mo ako!"

Galit kong sabi sa kanya. Pinapalo ko na siya pero di niya ito tinanggihan. Sinalo niya lahat ng palo ko.

"Wala akong ibang mahal. I just woke up and realized na hindi na kita mahal."

Napatigil ako sa paghampas sa kanya. Yun ang dahilan?! Yun lang? Yun lang ang pinakamatinong dahilan niya?!

"Eh put*ng-in* ka pala eh. Ano yan?! Natulog ka, mahal mo pa ako tapos paggising mo, wala ka ng nararamdaman? This is b*llsh*t Breinan! B*llsh*t! Ganon-ganon nalang yun? 3 years kitang minahal tapos ganito?! I expected many better things from you Breinan! Im so dumb imagining my future with you! Im so dumb making myself believe that you are my forever! Pero tama pala sila, walang forever! At ngayon Breinan sabihin mo sa akin ng harap-harapan... Tignan mo ako sa mata at sabihin mong hindi mo na ako mahal para matigil na tong ilusyon ko..." nanghihina kong sabi sa kanya...

Tumingin siya sa mga mata ko, nakita ko yung mga matang nagpa-inlove sa'kin, yung mga matang bumihag ng aking puso, may napansin lang ako sa mga matang iyon. Iba na ito at hindi ko na lubos makilala.

"Val, Im sorry, pero hindi na kita mahal."

Walong salita na tumapos sa tatlong taon naming relasyon.

Tumalikod si Breinan at naglakad na papalayo sa akin. Habang unti-unti siyang lumalayo, sa bawat centimetrong layo niya sa akin ay siyang bilang ng karayom na nakatusok sa puso ko ngayon.

Napaupo ako sa pinakamalapit na bench at dun humagulhol. Ang sakit eh. Ang sakit. Minahal ko siya ng sobra pero ang sakit na naidulot niya ay doble pa. Grabe.

Iyak lang ako ng iyak. Nakisabay naman si langit dahil naramdaman kong may tumutulo sa katawan ko. Umuulan. Ang drama ni Lord. May pa ulan effect pa. Pero okey na yun, para naman maibsan ang sakit na nadarama ko ngayon. Nagbilad lang ako sa ulan at hinayaang mabasa ako nito.

Babye Breinan. Mahal na mahal kita. Pero mukhang kailangan ko nang kalimutan ka.

Author's Note: Pakibasa Po!
Woooooohhhhh!! Hii readers... First time kong sumulat ng story kaya sorry if maraming errors... at wala pa po akong experience sa love kaya sorry kung hindi ito masyadong kilig na story... basta, sana suportahan niyo ito at ifollow niyo ako... bye.. thankieee sa pagbabasa ..

VOMENT PO KAYO HA!! Hehe

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Test Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon