Intro

4.8K 107 17
                                    


IROAP III: He Was A Playboy

Written by PekengKyoot

 

I was holding my everything. Sweet smile can't washed away on my lips. Wala na ata akong ibang mahihiling pa. Being Zoid at my side, his fingers being locked with mine, is the best feeling ever! I could stay like this forever. I could stay with him for infinitly long.

 

Akala ko noon hindi ko na mararanasan pa ang ganitong klaseng saya na siya lang ang tanging nakapagbibigay.


Thanks to God for making me lucky and fortunate. Lucky for having this man whose always at my side and can sacrifice everything for my sake, and very much fortunate because I early found the right guy for me whom I'd share the rest of my life with. He is my destiny, my soulmate, and my everything. We really were made for each other.


Napangiti nalang ako mag-isa habang naglalakad kami sa mall at magka-holding hands. Hindi na umiinit ang ulo ko kahit na ang daming admiration glances ang lumilipad patungo sa napakabango at napakagwapo kong boyfriend. Ano pa bang bago? Sanay na ko sa ganitong bagay. And besides, hanggang tingin lang naman sila. Hindi nila maaagaw ang maboy ko. He. Is. Only. Mine.


"Maboy, kailangan kong mag-CR."


"OK. Dun na sa restaurant," tugon niya. Sandali niya akong tiningnan pagkatapos tinuro ang restaurant na malapit na naming marating.


"Ayoko dun." Tumigil ako sa paglalakad. Ganun rin siya.


Paglingon niya sa'kin, sinalubong ako ng noo niyang nakakunot.


"Dun nalang." Tumuro ako sa left side sa direksyon ng comfort room.


"Doon nalang," giit niya na ang restaurant ang tinutukoy. "Mag-CR ka habang naghihintay ng o-order-in natin."


"Basta mas gusto ko dun." Naglakad na ako. At dahil nga sa magkahawak kamay kami, nadala siya.


"Ang kulit," rinig kong sabi niya ng mahina. Gayunman, nakasunod siya sa'kin.


"Saglit lang ako. Wag kang maiinip," sabi ko kay Zoid bago pumasok sa Ladies Room.


Fiance ko na siya lahat lahat, halos araw-araw na kasama subalit hindi ko maiwasang matulala nang sumandal siya sa wall. Ang isa niyang kamay ay nakapamulsa habang ang isa naman ay may hawak na cellphone. Hindi niya alam na nakatitig ako sa kanya as if isa ako sa mga babaeng first time siyang makita. At sa unang kita palang ay napahanga agad.


Pinilig ko ang ulo ko para bumalik sa katinuan. Bakit kaya ganito? Sa madalas naming magkasama dapat magsawa ako sa kanya. Pero hindi, eh. Iba ang nangyayari. Lalo siyang nagiging gwapo sa paningin ko at lalo akong na-a-attract sa kanya.


Pagpasok ko, tinitigan ko ang sarili ko sa malaking salamin. May tatlong babae ring nakatitig sa salamin at pare-parehong nagre-retouch.


Pinatong ko ang bag ko sa counter at nilabas ang pouch. I retrieved pressed powder and a lipstick. Nag-retouch din ako. Almost greek god ang fiance ko kaya dapat palagi akong fresh and blooming. Para naman walang masabi ang mga admirer ni Zoid about sa fiancee nito, na walang iba kundi ako.


Ilang sandali ko pang pinagmasdan ang sarili bago nagpasyang lumabas. Napaghintay ko pa ata ng matagal si Zoid.


"Oo naman, honey. Yes, I love you too." Papalabas palang ako may landian na kong naririnig.


Ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata ko paglabas ko ng Ladies Room. Ang katawan ko ay parang naparilasa. Tumigil sa pagpa-function.


Sakit, galit at pagkapuot. Dahil sa halo halong emosyon, nakalimutan na ata ng luha ko ang gawain niya kapag nasasaktan ako. Parang kinukurot ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga. Subalit ni isang butil walang luhang pumatak. Nangingibabaw ang galit ko. Nanginginig ang kalamnan ko sa galit.


Buong lakas kong inihakbang ang mga paa ko patungo sa dalawang taong naghahalikan in public. Di ko makita ang mukha ng babae sapagkat nakatalikod ito sa'kin. Pero ang mukha ng lalaki, kitang-kita ko. Si Zoid!


Hinila ko ang buhok ng babae ni Zoid at itinulak ito sa kung saan.


"Louise ko..." Nanlalaki ang mga mata niya. Sa unang pagkakataon, nakita ko sa mukha niya ang ekspresyon ng isang asawang nahuling nagtataksil. Hindi siya mapakali. Bakas sa mukha niya na gustong magdahilan, ngunit hindi niya alam kung paano at kung saan magsisimula.


Ano pa ang idadahilan niya samantalang huling huli ko na siya?


"Stop calling me that way! Akala ko nagbago ka na! Hindi pa pala! You will always be a playboy! I hate you! I hate you! Ayoko na sa'yo! Ayokong ayoko na!" Nagising na ata ang luha ko. Nagmistulang sirang gripo ang mata ko. Kontrolin o pigilan ko man, patuloy pa rin na may luhang umaagos.


"Let me explain..."


Hindi ko na siya hinayaang tapusin pa ang pagsasalita niya, sinampal ko siya ng malakas. Pagkatapos tumingkayad ako para abutin ang buhok niya at sinabutan iyon.


——

Horaaay!


If you wanna be updated in this story, join our FB group "We Are ZLovers"


Add me on FB: Genibabe Smith


Follow me on Twitter: @iamgenibabe


He Was A PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon