Chapter 1
"AAAHHH!!" sigaw ko. Hinawakan ko ang noo kong pinagpapawisan ng malamig. Hinihingal ako as if tumakbo ako ng malayo.
"Nanaginip ka na naman ng masama."
Nagulat ako nang ma-realize na hindi lang pala ako nag-iisa. Nandito rin sa tabi ko si Zoid. Pumikit ako at nagpakawala ng malalim na hininga. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang napanaginipan ko.
"You were groaning," he said. "And when I checked you out, I got shocked when you slapped me."
Napatakip ako ng bibig. Oh noes! Kaya naman pala namumula ang pisngi niya.
"You even pulled my hair."
"Sorry, maboy. Binangungot ako." Bumangon ako at niyakap siya sa bewang.
"Same dream?" he asked as he hugged me back.
I nodded hesitantly.
Nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Sinulyapan ko saglit ang palabas sa flatscreen TV. Hindi ko namalayan kanina na habang nanonood nakatulog ako.
"Know what? Natatakot na tuloy ako."
Napatingin ako sa kanya. "Sa?"
Umiwas siya ng tingin bago sumagot. "About you, not marrying me."
"What?" I gasped. "Hindi ako magpapa-apekto sa panaginip ko, 'no!"
"Ikaw naman kasi eh." Hinaplos niya ang pisngi ko. "Stop worrying, OK?" he murmured. "I'm all yours." He planted a soft kiss on my lips.
Nginitian ko siya. "I know."
"Magiging akin ka na in three months," nakangitin sabi niya. Our wedding!
"Sa'yo naman talaga ako umpisa palang." I smiled back at him.
It's been two years after namin makapagtapos ng college. Simula nang mangyari ang "hiwalayan" namin way back when we were on college, pakiramdam ko may dumikit na trauma sa puso ko na hindi ko magawang alisin. Ayun ay ang maulit ang pangyayaring iyon; ang magkahiwalay uli kami ni Zoid.
Nag-aaway kami kahit na dahil lang sa napakaliit na bagay. Minsan pa nga dahil nagseselos ako kapag may babaeng lumalapit sa kanya. May tiwala ako sa kanya. Alam kong hindi na siya mambabae at lolokohin ako. But the past was still hunting me. Kahit na alam kong hindi naman talaga ako pinagpalit ni Zoid over other girls before –ginawa niya yun to secure me– pero hindi talaga mawala ang takot sa dibdib. He was a playboy now. Nakaraan na ang title niyang iyon pero ewan ko ba.
Palagi akong nakakapanaginip ng masama. At dumadalas pa ito ngayong nalalapit na ang kasal namin.
Nag-ring ang phone ko. Si Aldrich tumatawag.
Nagkatinginan kami ni Zoid. Inalis niya ang pakakaakbay sa'kin at sinabing, "Sige na. Sagutin mo na tawag ni Mr. Panira Ng Moment."
Natawa ako sa sinabi niya at hinampas siya sa braso.
"Hello?"
"Baka nakakalimutan mo, Miss Stewardess, maaga pa flight mo bukas. Uwi na."
"Oh, thanks for reminding that to me, daddy Aldrich." Humalakhak ako.
I imagined him smirk.
———————-
Sorry kung ang ikli. Busy pa po kasi ako sa pag-aasikaso sa school. And uhm, sana basahin niyo rin ang three latest stories ko
308th Day Of Forever
My Demon (When Childish Meets Bad Boy)
Through Quarrels
Thankie ♥