WTF! Wala Talagang Forever!

54 0 0
                                    


"Kung ang isang tao ay naniniwala sa FOREVER for sure may love life yan pero tingnan lng natin kapag iniwan sila ng taong mahal nila masasabi pa kaya nilang 'MAY FOREVER' ?" Ito ang favorite speech ko.

"Haaay! Ewan ko sayo Kenah.Bitter ka lang kasi wala kang lovelife." Sabi ni Dane na mukhang ewan.

"Ehh bakit may love life ka ba? Kung makapagsalita lng parang merong love life.Tss" napipikon na talaga ako sa mokong na ito kung di ko lng to mahal tong babaeng to   baka nasakal ko na ito.Pero bitter nga ba ako? Ehh tama kaya si Dane? Ayy basta WALA TALAGANG FOREVER!!

"Hoy Kenah! Nakikinig ka ba?" di ko talaga narinig yung sinabi nya ang dami kong tanong sa sarili ko kanina haha.

"Uh? Ano ulit yun?"tanong ko sa kanya.

"Ewan ko sayo.Ang ganda pa naman ng sinabi ko tapos nagdeday dream ka lng pala, ang ganda mo talagang babae ka!" Sagot niya sabay kurot sa cheek ko.

"Alam kong maganda ako kaya no need to tell." Sabi ko sabay wink.

"Ang feeler mo din alam mo yun? Hali ka na nga nagugutom na ako. Punta tayong canteen." Tumayo na kami at pupunta na ng canteen.

Bakit ang daming couples dito sa school namin? . -3- Kahit saan ako tumingin may nakikita akung couples.Di ba nila alam na WALA TALAGANG FORE----

"Ahh Shit!" Teka teka teka may nabangga ako or may bumangga saakin? Pero ang sakit ng noo ko.Napatakip na lng ako sa noo ko kaya di ko nakita kung sino yung tao sa harapan ko.

"Ooops Im so sorry Miss. Are you okay?" Tanong niya.
Ehh shunga din tong lalaking to noh? Nakita na nga niyang napaupo ako sa lakas ng bangga namin tapos tatanongin ako kung okay lng ako? Tss may araw din ito saakin.Ngayon ko lng narealize na di ko pa siya nasagot at ang tagal ko nang umupo :3 Kaya parang marami ng mga mata ang tumitingin saamin.Kaya agad akong tumayo.

"Yes I'm okay sorry din."sagot ko sa kanya sabay smile.Ang gwapo niya OhMyGee.Pero tumakbo na siya agad :3

"Oh? Anyare sayo te? Akala ko nasa likod lng kita? Halika na nga nagugutom na talaga ako." Sabi ni Dane saka niya ako dinala sa canteen.

Di naman masyadong maraming tao ngayon kasi maaga pa kaya umupo na ako sa favorite seat namin at si Dane na yung bumili ng pagkain.Ang tagal ng bobwitang yun' *sigh*

"Hi miss may I sit?"Tanong ng guy.
"Ahh sorry may nakaupo na dyan." Di ko napansin na dumating na pala si Dane kaya siya na yung sumagot.

"Ahh sge sorry."sabi ng guy.
Umupo na si Dane at kumain na din kami.

"Dane nakita mo ba yung guy na nabangga ko kanina sa may hallway?"tanong ko.

"Ahh kaya pala nawala ka sa likod ko. Pero hindi ko siya nakita.Bakit?" sabi niya.

"Wala nagtatanong lng.Ang gwapo kasi niya." sagot ko.

"Ehh? Di ba sabi mo WALA TALAGANG FOREVER?" Tanong niya.

"Oo wala.ehh sinabi ko lng naman na gwapo siya.Shunga ka talaga."sabi ko sabay pitik sa noo niya.

"Aray! Ang sakit bruha! May araw ka din saakin."sabi niya hahaha kawawa naman siya xD

---Sa Park---
Pumunta kami sa park ni Dane pagkatapos ng klase namin.
At alam nyo bang kanina pa nagsasalita si Dane habang ako naman ay busy sa phone kasi nag-efb. ;) Puro "Yeah" ,"Uhuh" at "Hmm" lng yung sinasagot ko.

*Scroll* *Scroll* *Scroll*
"Yeah"sabi ko.
"Bruha!! Bruha!!Bruha!!"sabi ni Dane.
"Ano ba-- Aray! Potanghamnida naman oh!" Sigaw ko bigla.Aray ang sakit talaga.Pagtingin ko sa nakabangga saakin waaait!
"Ikaw na naman?!" Abay sabay pa talaga kami haha.Yung lalaki na nabangga ko sa hallway.Siya na naman yung nakabangga saakin.Ano to DESTINY? haha.Teka bat parang tinitignan nya yung dibdib ko? Manyak to ahh.At bago pa man ako magsalita naunahan ako ni Dane.

WTF! Wala Talagang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon