Pag-ibig na kaya? (tula)

110 2 0
                                    

Ako'y di nanaman makatulog

Laging may bumabagabag sa aking isip

Ako nga kaya'y umiibig

O ito'y isa lamang kathang isip?

Sa pagpasok sa klase

Iyong mukha laging tinitignan

Sa panonood ng TV

Itsura mo parin aking pinagpapantasyahan

Minsan ako'y natutulala

Di alam aking ginagawa

Isang ngiti mo lang na kay tamis

Tila ang paligid na marumi ay biglang lumilinis

Nang minsang may kasama kang iba

Pader na puso koy tila nagigiba na

At selos na aking nadaramay sobra sobra

Kayat tanong sa aking sarili "Ito'y pag-ibig na nga ba?''







****************************

wala kasing magawa kaya nagsulat nanaman ako ng tula :)

sana magustuhan nyo :))



xoxojoshellexoxo

Pag-ibig na kaya? (tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon