#1#

4 1 0
                                    

*DISCLAIMER: THIS IS ONLY A WORK OF FICTION AND WAS CREATED BY THE AUTHOR'S PLAYFUL IMAGINATION*
⚠️TRIGGER WARNING⚠️
Story may contain sensitive words such as cursing.

"Mr. Sovell and Mr. Palmer, I will see you in my office. Now." mahinhin ngunit may diin na ani ni Mrs. Salvi saka na siya umalis ng room.

Napakamot nalang kami sa ulo ni JD at nakabusangot na tumayo sa aming inuupuan upang sumunod kay Mrs. Salvi. "Nakakainis naman. Hindi ko nanaman mae-enjoy yung 30 minutes breaktime. Mabubusog nanaman tayo sa  putak ni ma'am Janis." pagrereklamo nitong kaibigan ko.

"Kasalanan mo naman. Sinabi ko na kasi sayo na mamaya nalang natin iyon pag usapan." sinabi ko sakanya. Sinukbit ko ang kamay ko sakanyang braso. Ganito ang nakasanayan ko tuwing may kasamang naglalakad. Nasanay narin naman siya, pati narin ang ibang tao dito sa school. Dati kasi ay napagkakamalan kaming magkasintahan. Lol.

"Ikaw kaya ang may kasalanan no. Kung hindi mo lang sinabing nakita mo yung crush ko kanina na may kasamang babae edi sana hindi ako maaatat makichismis." ika nito saakin. Napaka energetic nga naman nitong si JD pag yung crush niya ang topic, pero pag tungkol sa schoolworks ay wala siyang pakialam.

"Makakahintay naman yon eh. Isang subject nalang breaktime na. Late kana nga dumating, idadamay mo pako sa detention. Siraulo ka." bakit ba hindi nalang ako tularan netong kaibigan ko. Mabait na, masipag pa mag aral. Hays. "Okay lang yan. Partner in crime tayo diba." tumatawang aniya.

"Gago hahahaha."

"Jus! JD! Dito, sabay na kayo samin ni Max" sabay kami lumingon ni JD sa pintuan ng cafeteria. Si Sam pala iyong tumawag samin. At may kasama siya na siyempre hindi namin kilala. Paiba iba naman ang kasama niyan lagi. Masyadong friendly e alam naman naming pinaplastik niya lang mga ibang tao. Char.

Salem Kage's POV

As usual, pangatlong subject na at wala paring teacher na pumapasok samin. Hindi ko alam kung tinatamad lang silang mag turo o ayaw lang nila sa section namin. Pero ayos lang yon. Dahil nalilibot ko ang buong room namin para sumagap ng maraming chismis sa aking mgaarites na kaklase. Hindi man napupuno ng lesson utak ko, marami namang impormasyon tungkol sa ibang tao ang nasasabak ko.

Hehehehe.

Ilang minuto nalang at breaktime na. Matatapos narin sa pagsasalita nitong bibig ng kaklase ko na hindi ko naman na talaga pinapakinggan pa ang iba niyang sinasabi, tumatango nalang ako. Nakuha ko naman na ang sapat na  impormasyon para sa chismis nila eh. Wala naman akong pakialam sa opinion nila tungkol sa chismis na binigay nila sakin.

Isa lang nasa isip ko ngayon at naeexcite ako sa mangyayari. Si Mike at ang girlfriend niyang si Gela ay malapit ng mag break. 3 years na silang naglalampungan sa school at naiirita nako sakanila. Oras na para mag break sila. Sinabi lang naman sakin nitong kaklase kong si Jiselle na nakita daw niya si Mike na kay kahalikan sa park. Pinicturan niya kaya totoo ang chismis niya. Pinasend ko yung picture siyempre, lahat ng estudyante sa school ay may tiwala sakin dahil isa ako sa source nila ng mga top chismis sa school.

Plastik rin nitong si Jiselle, akala niya ata hindi ko alam na bestfriend niya si Mike, lol. At iyong kahalikan ni Mike ay kaibigan rin ni Jiselle. Nakikita ko silang magkasama palagi sa labas ng school tuwing uwian. Malamang ay nagustuhan nitong kaibigan ni Jiselle si Mike kaya ayan, gagawa ng paraan.

Anyway, hindi ko na natiis pa ang kinakatak ng bibig nitong si Jiselle kaya naman tumayo na ako. Oras narin ng breaktime kaya naman nilibot ko ang tingin sa room. Naghahanap kung kaninong circle of friends ako makikisama. Ngunit nakuha naman ng isa kong kaklase ang aking atensyon. Sakanya nalang siguro ako sasama. Wala akong masagap sakanya na chismis sapagkat madalas ay siya ang pinagchichismisan. Hindi ko alam kung wala siyang pake sa nga iyon o talagang hindi niya lang nababalitaan ang mga iyon.

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon