1st Chapter

15 1 0
                                    

Milk's POV

"Love tignan mo"


"Hmm?" aniya at nagtaas lang ng kilay habang nagtitipa sa keyboard nang hindi naaalis ang paningin sa screen. 'Kabusy lage nito'


"Hoy tignan mo muna kase" nagpout pa ako gusto ko lang naman kase tignan niya yong ituturo ko pero hindi parin ako pinansin ng babaeng 'to. 'Hmm ano kayang pwedeng gawin pansinin ako nito?'


"A-aray ko naman" angal niya ng pisilin ko yong kanang pisngi niya at sa wakas tumingin siya sakin, yon nga lang maasim na mukha yong binigay.


"Yan kase ayaw mo 'ko tignan" paninisi ko pa pero umasim lang lalo mukha niya. "Tignan mo kase yon oh" turo ko sa painting na nasa dulong part ng cafe. Mahilig kase sa paint ang babaeng  'to. Katunayan yong kaharap niyang laptop ngayon ay tungkol na naman sa isa sa mga arts affair niya. Nakatalikod siya sa bandang tinuturo ko kaya nahirapan pa siyang lumingon patalikod.


"Pft" napatawa pa siya kaagad ng makita ang tinutukoy ko sabay pisil pa ng ilong ko habang natatawa parin. "Kaya pala gusto mong ipakita sakin nakakarelate ka pala diyan HAHAHAHA". Yon lang tas nag shake my head lang ang babaitang 'to while smirking at bumalik agad sa kanyang ginagawa at humabol pa ng higop sa kanyang hindi na mainit na kape.


Napangiwi lang ako pero tama naman siyang nakakarelate talaga ako sa painting. Babaeng umiiyak ng walang kasing pangit, at dahil busy nga ang isang 'to naisipan kong lumapit muna doon at magmamasid-masid, hindi rin naman nalalayo sa pwesto namin. May mga atleast walong painting pa pala sa pinaka dulo. Tatlo lang kase ang nakikita mula sa kinauupuan kanina. Lahat magaganda pero itong isa yong nakapukaw sa atensyon ko.


'The ugly cry' basa ko pa sa title ng painting ngunit wala ng nakalagay na description pa. 'Shota ah, pingangalandakan na pangit talagang umiyak, ay bakit naman ako ma a-affected ganda ko parin kaya kahit umiyak!'


Nagtingin-tingin pa ako sa ibang painting habang humihigop ng frappucino kong nangangalahati na. Napatango-tango lang ako sa bawat ganda ng mga obra pagkatapos ay binalikan ko na si Laude sa pwesto at eksaktong patapos na siya dahil mukhang mag o-off na ng laptop.


"Love tara n—" napatigil ako ng bigla siyang yumakap sakin pagkapalit ko sa kanya. Nakaupo parin siya sa silya habang nakatayo ako sa gilid niya. "May kasalanan ka sakin nohh?" biro ko pa.


"Wala ah, hindi ba pwedeng gusto ko lang ihug yong mahal kong panget umiyak"


'Naneto pangit ba talaga ako pag umiiyak?'


"Sana hindi mo na sinama yong dulo eh noh" nakasimangot kong sabi, pinanliliitan ko ng tingin si Laude. Hinigpitan niya naman yong yakap, natawa nalang ako sabay himas sa mabango niyang buhok. At ilang mga sandali lang lumabas na rin kami. Magdidilim narin at ensaktong kakatapos lang naming mag dinner kaninang alas 5 ng hapon bago namin naisipang tumambay saglit rito sa cafe dahil yon nga may tatapusin lang daw rin siya, chi-chillin saglit bago makauwi.


'Ganito talaga kaming dalawa, nagkakape sa umaga, hapon man o gabi at wag ng pumalag dahil couple goals 'to noh'


Naghintay lang ako saglit sa labas at narinig ko yong busina ng baby Terra namin. Forged metallic copper ang kulay ng aming Nissan Terra, unang shared property namin ni Laude. Katas ng 6 months of freelancing. Umupo agad ako sa passenger seat, nahagip pa ng paningin ko yong sticky note na nakadikit sa  ibabaw ng glove compartment, nakalagay ron ay petsa na 3 days to go mula ngayon. Halatang minamadali ang pagsulat. 'Parang excited yata sa araw na yan ah may pa sticky note pa' Mangungulit sana ako tungkol sa note pero ang ate Laude mo sinalubong agad ako ng pout lips kala ko mo napano.


"Kiss" hingi niya habang nag sti-steer ng manibela, pasipat-sipat sa daan kung saan lulusot, 'at grabe sobrang astig niyang tignan nakakatameme, buti naging akin to lord'


"Love, kiss" pag ulit niya pa.


"Later na pag-uwi kiss kita ng marami" biro ko at akala ko sisimangot si Laude dahil pag gusto niya ngayon dapat ngayon talaga gagawin o buong magdamag tong sasakluban ng langit at lupa pero mas ngumiti pa yata siya. 'Anong kababoyan kaya naiisip nito? pero sa totoo lang ayaw ko siya i-kiss ngayon dahil naparami talaga ang kain ko ng onion rings doon sa early dinner namin, baka pagsisihan pa ni Laude naging girlfriend niya ako pagkiniss ko siya ngayon.'


"Okay later"  apaka lawak niyang ngumiti at pinalakasan ang takbo ng kotse. 'Ay may lakad pa ba 'to? Hindi ata ako na informed parang sumasali na kami ng racing event neto eh'


Pero yon nga lang pag-uwi namin nakatulog ako kaagad. Nakakahilo yong byahe pauwi, sira talaga tong si Laude minsan, lakas ng trip mag ala racing car . Wala ng  hila-hilamosmos, ligo o ano, bagsak agad, napagod rin sa morning shift aside sa hilong binigay nong isa. Hindi naman siguro sama ng loob ang bungad ni Laude sakin bukas noh? ng walang kiss niya? hehe.









Paint Me Where stories live. Discover now