Isang araw, uminom ako sa bar.
Lasing na lasing na ako at magsasara na yung bar.
"Ano bang problema mo sa buhay? Bakit ka ba naglasing ng sobra?" tanong ng bar tender.
"Why? Because I'd rather be someone's shot of whiskey than everyone's cup of tea."
Binatukan ako ng bar tender at pinalabas ng bar. Kaya ko pa naman maglakad kaya sumakay ako ng jeep.
"Manong bayad po," sabi ko sabay abot ng 20 pesos.
"Ilan toh?" tanong nung driver.
"Dalawa sana... kaso iniwan niya na ako." sagot ko.
"LETCHUGAS KAYONG KABATAAN! BUMABA KA SA JEEP KO!"
Kaya bumaba ako at naglakad sa side walk.
Pero habang naglalakad ako, I saw a blinding light and my life flashed before me.
Dejk. Nakapagpreno naman agad yung driver ng kotse kaya natumba lang ako.
"Miss are you okay?" tanong nung driver ng kotse.
"Okay lang ako, sana'y naman na akong masaktan."
Ihihit and run na sana ako ng driver ng nakita niyang may dugo sa may kalsada.
"Naku! Kailangan kitang dalhin sa ospital!"
Kaya nasa ospital ako ngayon.
"You lost a lot of blood, kailangan ng blood transfer!" Sabi ng doctor sa Emergency Room.
"Ang blood type mo ay O. Ang dugo na compatible sayo ay type O lang din. Pero wala kaming stock ng Type O na blood." paliwanag ng doctor.
"Alam mo doc, kaming mga may blood type na O 'universal donor' kame. Lahat pede namen donatan pero ang makakapag donate lang samen yung mga may Blood type O lang din—"
"Miss, doctor po ako. Alam ko na yun"
"Wait, let me finish. So as I was saying, Okay lang samin yun. Sana'y na naman kaming magbigay ng walang hinihintay na kapalit."
In the end, yung bote ng ketchup na binulsa ko galing sa bar kanina pala yung inakalang dugo at wala talaga akong sugat. Kaya umuwi na ako sa bahay para matulog.
THE END.
Author's Note
Yah, hindi ko po alam kung anong nangyari so ayan po .-.
Anyway, I dedicate this to my beloved "Asha" siya po ang nag-inspire saken na gawin itong storyang ito. Thanks Neko, labyu hihi :))))
And hindi ko po alam kung may supply ba dapat ang hospital ng mga dugo. At wala rin pong ketchup sa mga bar.
Kung sino man pong ang nagseryoso ng storyang ito ay idol ko na XD
Salamat! Vote, Comment and Share! dejk haha :)
P.S Di ko po siya naproofread so sorry for the typos and such :) Thanks