Start. Simula. Sinugdanan.
Pati ba naman bahay ko kukunin?! Matapos maaksidente ng mga magulang ko, si tita ang nag alaga sa'kin, pero mas bagay yata ang salitang nagpahirap kesa sa nag alaga kung tutuusin.
Since I was only seven back then when my parents died, every right from our house down to our wealth was given under the custody of my aunt. Nakaka-punyeta lahat, punyeta talaga. Galit na galit ako, nagpipigil lang ako sa mga salita na pwedeng lumabas anytime, hindi mataas ang pasensya ko kaya madalas kaming mag away ni tita, hindi rin naman niya ako kinakausap ng maayos kaya sanayan na lang yan.
Nadagdagan lang ang inis ko dahil sa sinabi niya noon.
"Mag-aral ka na lang nang mabuti Azi, para pag nakatapos ka na, pwede ka nang palayasin dito, dagdag ka lang naman sa mga palamunin, buti sana kung may naiambag ka, eh ang nagawa mo lang naman ay mag-linis, mag hugas ng pinggan, mag-laba, mamalantsa, mag-luto, magpakain ng aso, mag-walis, at mag mop. Ako lahat gumagawa dito, hindi ka man lang nahihiya."
She said that when I was in my first year of college, I'm a fourth-year college adult now. Konti na lang, at g-graduate na ako, sana naman wala nang dahilan para matigil ako, kung sa'kin lang sana ibinigay ang karapatan sa mga ari-arian at pera nila mama, hindi sana ako maghihirap ng ganito ngayon, yun nga lang, imposibleng mamuhay mag-isa kung ikaw ay pitong taong gulang lamang.
"Tita, pwede bang kahit itong bahay na lang ay iwan niyo sa'kin? I'm sure may karapatan ako dito dahil ako ang anak ng may-ari, kahit ito na lang tita, please naman oh."
"Ay nako, Azinyda, kahit dugo pa ang iluha mo, hinding-hindi mapapasayo ang bahay, aba't napaka-swerte mo naman kung gano'n?" Napanganga na lang ako sa sagot niya, at piniling manahimik dahil may pasok pa ako, di ko afford ma stress ngayon, may projects pa ako, jusko.
Nang makabawi ako sa sagutan namin ng tiyahin kong si Amelia, ay nag handa na ako at pumunta sa part time job ko. Ayokong mag trabaho dito pero si tita ang nag pasok sa akin, hindi man lang ako kinonsulta at basta-basta na lang akong pinag-bihis ng revealing na damit. I was hired as an escort.
It was almost two years when I started doing it, sa simula ay talagang umiyak ako, but then the other escorts assured me that the clients can't touch me without my consent, bantay sarado rin ang bawat gilid ng bar kaya medyo nakumbinsi ako. Takot man akong baka may kaklase akong makakita sa akin na nagtatrabaho dito, at ipagkalat 'yon, binalewala ko na lang, as if naman obligado akong magpaliwanag sa kanila, eh hindi nga sila nakapag-abot ni centavos, kaya wala akong pakialam.
Nakarating na ako sa bar. I am wearing a black fitted tube top, with a mini skirt only an inch above the knee. You could actually say it is a decent outfit, but as we all know, the environment indeed matters.
Saktong paglabas ko sa dressing room ay sinalubong agad ako ni Mimi nang hinihingal at dilat na dilat ang mata habang pumapaypay sa sarili gamit ang kamay.
"Jusko!! Mareng Azinyda Lienzel B. Samaniego!!! Oh, jusko, mahabaging Diyos, ako nawa'y inyong kaawaan, nagpadala siya ng tatlong matitipunong anghel! Ahhh, napaka-gwapooo nilang tatlo!!!"
Kunot noo ko siyang tiningnan dahil mukhang baliw.
"Gwapo? Para namang ngayon ka lang nakakita ng mga ganyan, eh nung tinanggalan ka nga ng salamin sa mata, kitang-kita mo pa rin yung kano na may bakat, sabi mo pa walang singsing, at pwedeng-pwede pa sakyan, ewan ko talaga sayo Mimi."
"Ano ka ba! Iba 'to! Nandito si sir Dimitri, tsaka meron siyang mga kasama, ampopogi rin! Tsaka nga pa, muntik ko nang makalimutan, pinapatawag ka ni Sir! Shuta, sana ako na lang ikaw, go na! Bilis! Tanungin mo name nung dalawa para sa'kin ha! Hihi, bye!"
BINABASA MO ANG
Hunting Epiphany
RomanceAfter she graduated, their paths crossed again. He became her boss, unfortunately. Hindi niya alam kung kakayanin niya, lalo na't habang tumatagal ay nagkakaroon siya ng pagtingin sa lalaking ito, sino ba namang hindi? Pero kahit anong mangyari, hin...