Jailed
"You know what? Fuck it. Umalis ka na. You're off early today, walang kwenta."
I never tolerate disrespectfulness. Hinahabaan ko man ang pasensya ko paminsan-minsan pero hinding-hindi ako papayag na ganitohin na lang ako nang basta-basta.
"Sir, sorry po, and I'm not really expecting you to accept my apology pero sana naman po kahit konting respeto na lang sa buong pagkatao ko." I stood up and excused myself.
"Excuse me."
"Oh please do shut up Azi. You're tita mentioned your past jobs before this, you're a fucking whore who deserved no respect from me, not even a bit. Be thankful dahil naging mabait pa ako."
I was taken aback, what past jobs is he talking about? This is the first part time job I have. And a whore? Kita sa mukha ko ang pagka-lito at galit. I won't hold back anymore.
"Ito ang unang trabaho ko at hindi ako prostitute! Kung ano man ang sinabi ng tita ko sa'yo, hindi totoo ang lahat nang 'yon! You know what, Dimitri? I quit."
"You can't live without my money Azinyda! You're nothing without me. You don't have your parents! It was just so funny how your tita mentioned their deaths! Making out in the car while driving kaya nabunggo? That's fucking insane as you, may pinagmanahan ka talaga."
Out of anger, I raged towards him and punched his face simultaneously. Malapit lang siya sakin kaya napahiga siya sa couch, I took the advantage to scratch his face and choke him, sobrang diin ng pagkakasakal ko kanya, gigil na gigil ako. Hinihingal at umiiyak, walang pake sa dalawang lalaki sa paligid, kahit pa aambang aawatin na nila ako. Mas diniinan ko pa ang pag sakal habang sumisigaw, susuntukin ko sana ulit siya pero kinuha ni Mr. Quixada ang palapulsuhan ko at kinarga na parang sako sa kanang balikat.
Tumalikod siya kina Atlas at Dimitri kaya nakikita ko yung dalawa ngayon, hawak-hawak ni Dimitri ang leeg niya habang galit na nakatingin sa akin, si Atlas naman, nakatayo lang at binabantayan ang kilos ni Dimitri. I heard the door opened and saw nurses coming to Dimitri, may mga pulis rin. Maybe Atlas or Mr. Quixada called them before they even started talking.
Ipapakulong ba nila ako? Kung oo, sana nag hintay muna sila ng ilan pang minuto para mapatay ko ang hayop na 'yon!
"Ano ba! Ibaba mo ako! Kung ikukulong niyo ako ngayon, hayaan niyo muna akong patayin yung tarantadong 'yon! Ano ba!"
Hindi siya sumasagot, tumahimik na rin ang bar, at wala ni isang tao ang makikita. The dimmed lights were replaced by normal lights.
Unti-unti niya na akong binaba, akala ko aapak ako sa sahig pero sa lamesa niya ako binaba, nakaupo, nakabukaka ng kaunti dahil pumapagitna siya sa nga hita ko. Hindi niya siguro napansin. I am not talking, nor looking at him, thinking if I will be jailed for what I did, but he provoked me! Isa pa tong mapagmataas na lalaking mukhang hunghang sa harapan ko, ba't ba nasa harapan ko 'to?
"Pwede ka bang umalis sa harapan ko?"
Tinaas ko ang paningin sa kaniya at nakitang nakatutok na siya sa akin. His eyes were light brown, and he's looking at me darkly, naka-dikit ang makakapal na kilay at nag-isang linya ang labi. Galit na galit, kala mo kung sino.Kanina, takot pa akong kausapin siya dahil mukhang importanteng tao, at ako naman bilang isang escort, bayad akong maging tahimik at masunurin sa mga kliyente, ngayong wala na akong trabaho at responsibilidad sa lalaking 'to, hindi na siya hari para sakin, isa na lang din siyang daga katulad ko.
"Bingi ka ba? Ang sabi ko umalis ka."
He's just looking at me intently and not responding nor giving me space to breathe.
BINABASA MO ANG
Hunting Epiphany
RomanceAfter she graduated, their paths crossed again. He became her boss, unfortunately. Hindi niya alam kung kakayanin niya, lalo na't habang tumatagal ay nagkakaroon siya ng pagtingin sa lalaking ito, sino ba namang hindi? Pero kahit anong mangyari, hin...