first act

18 0 0
                                    

Sa tuktok ng pinakamataas na bundok ng Greece, nakadapo sa pinakamagandang mga tanawin sa Olympus, ang mansion ni Cupido. Kaso nga lang, siya at ang kaniyang asawang si Psyche ay nagaaway. Gustong magkaanak ulit ni Cupido, ngunit si Psyche ay tinatanggihan siya. Dahil dito, lumayas si Cupid para singawin ang kaniyang galit.

Pumunta sa mundo ng mga mortal si Cupid. Blinindfold niya ang kaniyang sarili, at nagpaulan ng kaniyang mga pana.

Si Sampaguita Amora naman ay isang normal na labin-limang taong gulang na babae. Nagaaral siya sa isang public highschool sa 10th grade. Madalas siyang nagseselpon sa klase at hindi nagbibigay ng atensyon sa kaniyang paligid. Ang pinakaimportante lamang sakaniya ay makakuha ng passing na grado.

Nang matapos na ang klase, hinila siya nang kaniyang kaibigan, si Jomar. Madalas na malandi ang lalaking ito, at palaging tinutukso si Sampaguita dahil sa kaniyang love life, o maliban, ang kawalan nito. Kahit matukso siya, matalik parin silang kaibigan.

Pero imbes na tuksuhin ang babae, binigyan siya nito ng "cloud-9" na bar. "Para sayo yan, galing sa secret admirer."

Paanong nagkasecret admirer si Guia!? Hay nako, wala siyang pake sa love life love life na bagay na iyan. Galing sa isang broken family si Guia, at napunta sa pangangalaga ng kaniyang ama. Ang kaniyang ina, hindi niya alam kung nasaan na. Ang palaging bilin ng kaniyang ama sakaniya ay huwag umasa sa iba. Magkaroon muna ng secure na trabaho at magkaroon ng madaming pera para maahon sila sa kahirapan.

"Ibalik mo sa "secret admirer" ko, di ko kailangan yan," malamig na sagot ni Guia.

"Sige na! Tingnan mo lang yung nakatape sa likod tapos ako kakain!" Pagmumungkahi ni Jomar sakaniya. Iginala na lamang ni Guia ang kaniyang mata at tiningnan ang note. Notoryus siyang tagakopya ng notes ng iba niyang kaklase, kaya inasahan niyang malalaman niya agad kung kaninong sulat kamay ito. Pero hindi niya namukhaan ang sulat kamay. Kinuha niya ang nite at tinapon ito sa basurahan na nalagpasan nila.

"Wow ang cold mo naman!" Halakhak ng kaniyang kaibigan.

Kinabukasan, nakakita siya ng isang balot ng kendi sakaniyang lamesa. Binasa niya ulit ang note.

"Pumasom ako ng maaga para lang malagay tong kendi sa desk mo ng hindi mo nakikita."

Kung normal na dalaga si Guia, malamang nakilig na siya, pero di siya normal, at linagay niya ang kendi sa lamesa ni Jomar.

"Dapat ako nalang ang liniligawan pala, hindi ikaw," sabi ni Jomar, masayang may kending makakain sa klase.

Hindi pa nagsisimula ang klase nila, kaya nagselpon na lamang si Guia. Kaso nga lang nakalimutan niyang icharge ito, kaya hindi niya din magagamit. Nairita siya sa kaniyang nakakalimot na utak at binalik ito sa bag niya.

Inobserbahan niya na lamang ng iba niyang kaklase, antok sa agad. Pero hindi siya ipapatulog ng malakas na ingay ng kaniyang mga kaklase. Tiningnan niyang bigyan ng bulaklak ang babae niyang kaklase galing sa kaniyang ibang kaklase na babae. "Di ko alam na gusto pala nila isa't isa ah," binulong niya ang nasa kaniyang isip.

Mamaya maya sa recess, si Guia lang ang nanatili sa loob ng kanilang classroom. Tiningnan niya nalang ang kaniyang dalawang kaklase sa labas na naguusap. Ang kanilang class President at ang Vice President ng kabilang section. Binigyan ng class president ng isang alahas ang vice president. Lumaki ang mata ng vnito, pero tinanggihan niya agad ang adbansa ng class president, may halong galit sa kaniyang boses, "Akala ko ba para sa proyekto natin ang paguusap na to!?" Sabay layas nito sa hagdanan.

"Wait lang!" Sigaw ng class president nila.

Napakunot ng ulo si Guia.

"Anong nangyare don kay president?" Tanong ni Jomar, dala dala ang isang bote ng malamig na tubig sa kaniyang kamay. Binigay niya ito kay Guia, na binigyan naman siya ng labin-limang peso.

okTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon