"Who dare summons me!?" Ang malaking boses ni Cupid ang nagtanong. Nakita niya lamang ang mukha niya dahil may ulap pa na nagcover sa katawan nito.
Hindi niya napigilang magmura.
"Totoo! Totoo ka!"
Hinfi pa siya nakakakita ng isang tao na kasing tangkad niya. Tumingin sakaniya si Cupid, na napakunot ang ulo. "Oo. at sinong mortal ka?"
"Sampaguita, Guia nalang for short." Sumasakit na ang kaniyang leeg sa kakatingin sa mukha ng matangkad na diyos. Tinapangan ni Guia ang kaniyang mukha at nagtiptoe upang mas matangkad siyang tingnan. "Dinedemanda kong pagalingin mo ang aking mga kaklase! Alam ko ang ginawa mo, pinana mo sila."
Tinaas ni Cupid ang kaniyang kilay. "Talaga?" Tanong ni Cupid. Hindi niya akalain na may labin-limang taong gulang na tatawag sakaniya galing sa mundo ng mga mortal.
"Oo!" Sabat ni Guia. "Name your price," dagdag pa niya. "Ipabalik mo lang sa normal ang kaibigan ko."
Ngumiti si Cupid. Pero ang hindi magandang ngiti. "Kakailanganin ko ang buhay ng ama mo."
Napatalon si Guia. "Hindi pwede!"
Habang abala si Guia sa pagkataranta, may naisip si Cupid. Baka may mas maganda a siyang magagamit para kay Guia. "Hindi ka mabiro," sabat ni Cupid na tumatawa. Ang pagkasadista niya ay hindi makontrol.
Nagmura nanaman ang dalagita. "Isa kang diyos, paanong di ko seseryosohin yon?" Sabi ni Guia, galit na galit sa diyos ng pagmamahal. Baka demonyo nga ang natawag niya ngayon, hindi si Cupid. Masama ang tingin niya patungo kay Cupid.
"Ito na talaga ang ipopropose ko saiyo. Kumbinsihin mo ang asawa kong si Psyche na magkaanak, at irerebersa ko ang epekto ng aking pana."
Ano pa ba ang makakapagkumbinsi sa kaniyang asawa na magkaanak, kung hindi ang isang bata? Tanong niya sa sarili niya.
"Si Psyche? Kumbinsihin kong magkaanak? Wala naman akong "marriage counselor" sa resume ko!"
"Kung gusto mong gumaling ang iyong kaibigan, irerekomenda kong pumayad ka na sa aking kondisyon. Sino ba ang nagsabi saatin ng "name your price"?" Sabi ni Cupid. "Ang makasarili mo naman, kung nakaabot ka na sa puntong nasummon mo na ako, pero tatanggihan mo ako dahil ayaw mong kumbinsihin si Psyche na magkaanak?"
"Sige na, payag ako," sabi ni Guia, pero nag-aalangan siya. "Pero paano ang papa ko? Mawawala ako at magaalala siya."
Nag cross arms ang diyos. "mas mabagal ang oras dito kaysa sa Mount Olympus. Ang isang linggo sa Mount Olympus ay isang araw dito. Hindi ka mawawala ng matagal kung gagawin mo nang maayos ang trabaho mo," sabi ni Cupid. Ngayon nakaupo siya sa kaniyang mga pakpak, lumulutang lang sa hangin.
"Ok, kukumbinsihin ko na si Psyche," sabi niya.
"Oh sya, ano pang hinihintay mo? Umupo ka na sa pakpak ko," alok ni Cupid. Kinuha ni Guia ang kaniyang bag at umupo sa pakpak niya. As exected, malambot ang balahibo ng kaniyang pakpak. Parang nasa pinakakomportableng kama siya. Nagpalubay ang kaniyang nanigas na kalamnan.
Sa isang pitik ni Cupid, nawala siya sa kaniyang kwarto at nahanap ang kaniyang sarili sa mga ulap. Ang lupangf nakita niya sa ibababa ay isang kilometrong kalayo sakanya, at siya ay sumigaw. Sa kaniyang sorpresa, hindi siya nahulog.
"Takot ka sa heights?" Tanong ni Cupid.
"Ngayon ko lang nalaman," sabat ni Guia. Hinigpitan niya ang hawak niya sa kaniyang bag at pinikit ang kaniyang mata, desperasong makalma ang sarili.
"Nandito na tayo," narinig niya ang boses ni Cupid. Dinilat niya ang isang mata. Ang lupa ay maabot niya na nang hindi mababali ang dalawang paa, kaya tumalon siya. Binalanse niya ang sarili niya sa madamong sahig. For once, naranasan niya na ang pakiramdam ng pagiging prinsesa.