Hey There!So nagkakilala kami sa app na Tinder.
Syempre single naman ako so why not itry diba? Ayun na nga gumawa si ate girl ng Tinder, swipe here, swipe there pala ang labanan. Pag bet mo ang lalake hala sige swipe right, kapag negats naman swipe left. May bayad nga pala itong Tinder para makita mo kung sinong naglalike sayo. Eh ako waley ako budget sa ganyan kaya dun lang ako sa free. Swipe lang ng swipe tapos kapag naka match mo yung kung sino man dun pwede na kayo mag-usap.Then kinabukasan pag open ko ng Tinder may nagchat, syempre stalk muna kung pasado ba? Hahahaha wag kang ano diyan ikaw din naman sstalk mo muna bago mo i-accept sa fb😂 tamang swipe lang muna ako sa profile niya tinignan lahat ng pics niya then yun pasado naman siya sakin kaya nireplyan ko na.
Him: 👋
Ako: 👋
Him: Can I add you on fb? So that we can chat there
Luh? Fb agad? Sabagay para mas makapag usap kami hirap kasi sa Tinder di makita kung active ba siya o na seen na niya reply ko kaya mas maigi na din sa fb para mas mastalk ko siya hahaha.
Yun binigay ko naman fb ko tapos dun na kami nag usap.
Getting to know si kuya tanong dito, tanong dun. Enjoy naman siya kausap hanggang sa araw-araw na kaming magkausap. Nasanay ng magkausap unti-unti na kaming nagiging close.
.....
YOU ARE READING
Dear Diary,
RomanceI just want to let it all out the heartaches, the burden, the breakdown, by writing my real love life. And kinda how my day went.