Charlie

11 12 0
                                    

"Mahal na Prinsesa, gumising na po kayo. darating na po yung guro niyo." ramdam kong pag-gising sa'kin ng aming kasambahay.

Napamulat ako ng mata.

"anong oras na ba?" tanong ko atsaka napahikab.

"mag-aalas otso na po, baka pagalitan na naman po kayo." sabi ni Rosa, umupo ako mula sa pagkakahiga ko. "mag-aayos na ako Rosa, pwede ka nang lumabas." utos ko.

"Sige po." saad niya atsaka naglakad palabas ng kwarto.

napahiga ako. Inaantok pa ako, gusto pang matulog e, hays.

"bangon na nga! mamaya pasukin na naman ako ni Papa, mas nakakatakot yun." bumangon na ako atsaka nagtungo sa banyo. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng aking silid.

Habang naglalakad ako sa hallway ay napansin ko ang Papa na palabas ng library neto.

"Pa!" sigaw ko atsaka tumakbo papalapit sakanya

Napalingon ang Papa ko sakin.

"Ang aga mong mag ingay anak." napailing na sabi ni Papa, napanguso naman ako. "Nanjan na po ba si Madame Sylvia?" Si Madam Sylvia ang guro ko, since home-schooled nga ako dahil ayaw ni Papa na lumalabas ako.

"ah hindi, yung anak nya na si Lorenzo ang magtuturo sa'yo. Bilib ako sa batang 'yon ah, ang talino." kwento ni Papa habang naglalakad kami Patungo sa Baba.

"Eh baka kasing sungit parin ni Madame Sylvia ah?" Tanong ko, natawa lang si Papa sa katagang kong 'yon.

Pumanhik na kami patungo sa garden, doon ako laging nag-aaral dahil nga mas gusto kong mabulaklak ang nasa paligid ko para may peace of mind

Nakita ko agad 'yong lalakeng nakatalikod, nakaharap siya sa mga tanim ng rosas.

"Paumanhin kung natagalan ang aking anak, pero naririto na siya." sabi ni Papa, humarap na si Lorenzo namin.

Bigla akong natigilan ng makita ko siya, napaka-gwapo neto. Tila tumigil ang nasa paligid ko, siya at siya lang talaga ang nakikita ko!

Napaka-maamo ng itsura niya pero makisig, hindi ganoon kaputian pero bagay lang sakanya ang kulay niya. Malalalim ang tingin ng berdeng mata 'nya, para bang gusto ko nalang malunod sa mga tingin nya.

Meet Me In Our YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon