Lincoln

15 2 0
                                    

Kinabukasan, maaga akong nagising because I feel so productive. Naligo narin ako atsaka kumain ng breakfast, magkikita kami ni Lottie ngayon sa SB dahil mgs clout chaser kami, chos.

Nakahiligan na talaga namin tumambay sa SB lalo na kapag malapit na ang exam, wala naman kaming ibang gagawin doon kundi ang mag chikahan. 5% study tapos 95% chika plus kain, ganoon talaga ganap namin lagi.

Nauna pa akong dumating kay Lottie, as always. Isang himala talaga kapag nauna 'yon sa'kin.

Nag-order na ako kaagad ng Caramel Frappe plus caramel drizzle, beke nemen Starbucks.

Umupo ako sa may labas since hindi naman mainit at sobrang lamig sa loob, hindi talaga ako pwede sa aircon ang bilis kong lamigin.

"Ms. Clarity! Order for Clarity!" narinig kong tawag ng staff, kinuha ko na ang order ko atsaka lumabas. Nilabas ko na ang laptop ko atsaka inayos ang bag ko.

Kinuha ko na ang phone ko at chineck ang DM's ko sa instagram. Nag message pala sa'kin ang admin ng fan account ko.

fordaCharlie: May isesend akong link, it seems lang inaano niya ang stories mo.

Nacurious naman ako dun at chineck nga ang link.

'Lincoln' ang pen name niya. napataas naman ang kilay ko ng mabasa ko na ang story niya.

Inatasan ako ni Mama na magturo sa kaharian ngayon para sa anak nila, Ang mahal na Prinsesa.

pagkarating ko roon ay sinabihan ako ng mga kasambahay na natutulog pa ang prinsesa, napatingin ako sa relo ko. Anong oras na ah? mabuting gawain ba 'yon bilang isang prinsesa?

Nakita ko ang mahal na hari na nagbabasa ng libro, nilapitan ko siya at binati.

"oh, Lorenzo iho! mabuti't ikaw ay nakadalaw rito." sabi ng hari, sinabi ko ang rason kung bakit ako ang magtuturo muna sa prinsesa.

Dumating narin ang mahal na prinsesa. Si Nathalia Amelie, nakangiti ito sakin at bahagyang nakatitig.

Maganda siya.

Hindi nakakasawang tignan, pero tignan natin ang reyalidad napaka-layo ng agwat namin dalawa, hindi ako pwede para sakanya. Pero halata ko ang pagkagusto niya sa'kin.

Napakunot ang noo ko, the heck?! gumagawa siya ng sariling point of view ni Lorenzo ah?

Sino ba itong 'Lincoln' na ito? basher ko ba ito o ano?

Dumating narin si Lottie, kaya kinwento ko na sakanya yung story na nabasa ko.

"Omg! Hoy! Kinikiligi ako sainyo! Gosh, ito na ata 'yong time na magkakajowa kana Charlie!" she even squealed kaya napatakip ako ng tenga ko, tinakpan ko kaagad bibig niya, napaka-ingay e.

"Sige, isigaw mo pa. gusto mo bigyan kita ng mic?"

Tinanggal niya ang kamay ko sa bibig niya at inirapan ako, attitude siya ha.

"Teh, aminin mo naman kasi. kung sino man 'yang " Lincoln" na 'yan, ang cute niyo! OMG! Author to Author?! Pwede ba yon?! Gawa ka nga R-18 scenes, baka sakaling lagyan niya ng POV ni Lorenzo." Tapos tumawa pa siya, nababaliw na talaga kaibigan ko. Pangit niyang kabonding ah.

"Ha! Eh Character ko si Lorenzo, ako dapat ang may karapatan kung ano ang nararamdaman niya, gumawa siya ng kanya noh." I bluntly said, ininom ko ang caramel frappe ko, baka sakaling kumamla ako kahit mga 15% lang.

"Charlie, 'yon nga e. Never mo nakahiligan na lagyan ng POV ang lalaking lead mo sa mga stories mo. Nilagyan niya lang ng spice ang stories mo, atleast sa side niya, alam kung ano ang nararamdaman ng male lead mo." Sabi ni Lottie, Inirapan ko siya, may point siya e. kaya nakakainis, hindi naman sa ninanakaw niya, pero ginagawan niya ng side story ang male lead ko. I never placed any POV of any guy lead, kasi hindi ako marunong kung paano mag elaborate ng feelings nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Meet Me In Our YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon