Chapter 04

195 9 0
                                    

"Woah, ang ganda naman ng bahay nyo" Naeenganyo nyang sabi nang dalhin ko sya sa'min ngayong sabado.

"Huwag ka ngang maingay" suway ko pa sa kanya.

"May naisip ka na bang lulutuin natin?" Tanong nya. Sumandal sya sa kitchen sink, habang ako ay kinukuha ang mga ingredients.

"Oo, gusto ko sana gumawa nang garlic potato"

Tumango-tango sya at hindi ko mapigilang mailang kapag pinapanood nya akong maglinis ng patatas. Nang mag-umpisa kami ay tinutulungan nya ako sa paghiwa ng mga bawang at patatas. Kanina ko pa napapansin na mas marami pa syang trabaho sa'kin.

"Parang gusto ko nalang maging chef in the future" sabi nito habang naggigisa lang naman.

"I thought you want to be a Doctor?"

Bigla syang ngumisi sa'kin. "Wow alam na alam yung gusto ko ah!"

Bigla ko nalang syang tinarayan. Wala namang tao rito sa bahay bukod sa kasambahay namin, kaya pwede kong iumpog ang ulo nya sa kitchen sink.

"Naalala ko lang noong nag-introduce yourself tayo, kaya 'wag assumero d'yan" paratang ko sa kanya na may konting babala. Buti pa nga iyon naalala ko pa eh.

"Okay!Okay! Sungit..." sabay nguso nya na patuloy na nanonood sa akin.

Ilang oras din kaming natapos, dahil nagtatalo kami kung ano ang uunahin. Nawalan kasi ng kuryente sa bahay namin, kaya hindi rin kami nakanood ng tutorial sa yt, dahil walang wifi.

Ipinatikim nya sa akin ang sabaw nito. Ang weird kasi butter lang nama'y garlic lang ito. Ayoko namang maging KJ kaya humigop ako.

"Masarap?" Ngiti nyang tanong.

Tumango ako sa kanya. "Sabi ko sa'yo eh ito ang uunahin. Diba masarap?Ako naman!"

Kumunot ang noo ko sa kanya. Walang nagsalita sa'min ay naghihintayan lang ng sasabihin.

Until I got what he said. "No! Kaya mo na'yan!"

"Sige na please?" Pagmamakaawa nya. Parang umasim ang mukha ko nang magpout sya sa harapan ko. Ang OA nya ah!

"Pwede mo bang ilayo mo sa'kin ang ganyang mukha. Nakakasura!" Lait ko.

"Nakakasura o nagagwapuhan ka?" Tukso nya.

Umangat ang kanang kilay ko. "Mas okay pa ang titigan ang ipis kaysa sa katulad mo" sabay taray ko.

"Weh??"

My world stop when he looked me directly in his eyes. Sobrang lapit na ng mukha nya to the point na mahahalikan nya na ako. Hindi ako makagalaw, dahil nakakahalina 'yung gwapo nyang mukha.

Napapikit ako nang lagyan nya ng butter ang ilong ko. Bigla nalang syang tumawa kaya ako ay napapikit pa lalo sa inis!

"Tignan mo. Sabi mo pangit ako. Bakit naeestatwa ka?" Panunukso nya. Hindi na sya matigil sa kakatawa.

"Bilisan na nating mag-ayos nang makaalis ka ng peste ka!"

Imbes na punasan ang ilong kong may butter ay nilagyan ko rin sana sya sa ilong, pero mabilis syang nakailag kaya pisngi ang nalagyan. Hindi ako tumigil kakalagay sa pisngi ng butter. Bigla nalang akong natawa nang muntik pa syang madulas, dahil sa kakailag nya sa akin.

Tumigil lang kami nang makarinig kami ng fake cough. Sabay kaming napalingon nang makitang nakahalukipkip si Yaya Tisay habang nakatingin sa aming dalawa. Tumikhim nalang ako sa kahihiya at kunwari may ginagawa pa sa kitchen sink. Ginaya naman ni Yorish iyon, dahil siguro nahiya na rin.

Kinabukasan ay naipasa narin namin ang niluto namin. Buti nalang at naging 100 points kami ng partner ko. Kahit labag sa loob ko ang paghawak ng plastic na may lamang tupperwear papuntang school.

She's Pretty (2022)Where stories live. Discover now