Malalim na ang gabi pero hindi parin makatulog si Charles.
Kagagaling nya sa eskwelahan at mababanaag mo sa kanyang kilos at itsura na itoy sobrang napagod sa kaaaral.
Dahil sa hindi ito makatulog, minabuti nyang uminom muna ng gatas.
Habang nananaog siya sa hagdan ay may napansin siyang sumilip sa kanilang bintana.
Ngunit kataka taka dahil nasa sec0nd floor ang bintana at kakaylanganin pang gumamit ng hagdan bago makasilip dit0.
Sinimulan ng kabahan si Charles. Inisip nya na baka magnanakaw ang mga it0.
Mabiles na kumuha ng kutsilyo si Charles. Dahan dahan siyang sumilip sa may bintana, ngunit wala ng tao sa labas.
Paalis na sana siya ng bigla na namang may sumilip. Nagulat siya ng makitang lumulutang ito.
Isang batang tumatawa na nakakapanindig balahibo. Duguan ang damit at katawan nito. Basa naman at puno ng putik ang buhok.
Hindi makapaniwala si Charles sa nakita. Walang lumalabas na boses sa kanyang bibig,at animo'y naistatwa na sa kaniyang kinatatayuan.
Sa sobrang kaba ay napatakbo ng tuluyan si Charles. Dumiretso siya sa kwarto niya at nagtalukbong ng kumot. Pinakiramdaman niya ang paligid.
May narinig siyang kumakatok sa bintana. Nang silipin nya ito mula sa ilalim ng kumot ay napabalikwas siya. Ang batang nakasilip kanina ay siya ring kumakatok ngayon sa bintana niya.
Napatalukbong muli si Charles ng kumot. Kahit malamig sa loob ng kanyang kwarto ay pinagpapawisan padin siya.
Maya-maya pa'y nakaramdam siya na biglang pag galaw sa kanyang kama.
WAAAAAAAAAAAAAHHH!!!!!!!!!!
Napasigaw siya ng makitang katabi na niya ang bata sa bintana.
Palabas na siya ng kwart0 ng bigla itong magsalita.
Sumilip ako! Sumilip ka din! Parehas na tayo kaya akin ka na! ISASAMA NA KITA,!!!!! Hahahahahaha
Papalapit na ito. Ayaw mabuksan ng pinto. Wala ng magawa si Charles kung hindi sumigaw.!!!
WAAAAAAAAAAGGGG!!!!!!!!!!
Nagising si Charles. Pawis na pawis at naghahabol ng hininga. Nagdasal siya agad at nagpasalamat na panaginip lang ang lahat. Humingi sya ng tawad sa mga kasalanan niya at pinagdasal nya na matahimik na ang kaluluwa ng batang mahilig sumilip sa bintana.
Patapos na siya ng biglang may nagsalita.
Amen...Ano tapos ka na ba?
Tuluyan na siyang nawalan ng ulirat ng makitang kasama pa din nya ang batang duguan.
-EndHell0o0 guys^__^. Sana nagustuhan ny0. Dont forget to vote and comment. Hehehe if gusto nyo lang naman walang pilitan.
Byieee. See y0u sa next story ko.♡♥♡♥
BINABASA MO ANG
Sino Yung Sumilip?
HorrorAng kwentong ito ay kathang isip lamang at orihinal na isinulat ng inyong magandang Author. Alinmang pagkakatulad sa ibang storya ay maaaring nagkataon lamang. Salamat:)