"Good morning Yumi.." Sabi ko, habang tinitignan ang kanyang picture.
Bagong araw nanaman.
Pagkabangon ko, inayos ko na ang kama ko. Saka 'ko pumuntang banyo para maghilamos at mag-toothbrush.
After that, bumaba na 'ko para mag-breakfast.
"Good morning Ma." Sabay kiss sa pisngi nya.
"Good morning din anak. Kain ka na." Pagkasabi nya 'non, kumuha sya ng pinggan, kutsara at tinidor para ipaghanda ako.
"Mama talaga. Bini-baby mo po ako masyado."
"Ano naman? Eh baby naman talaga kita." Niloloko nanaman ako.
"Big girl na po kaya ako."
"Wag ka na magreklamo jan. Kumain ka na lang."
"Oo na lang Ma. Ay, nga po pala. Si kuya po?" Tanong ko. Minsan ko na lang makita 'yong bakulaw na 'yon.
"Kanina pa pumasok sa school. Ang tagal mo kasi gumising, eh nagmamadali."
"Ganun po ba. Madami po ba syang ginagawa ngayon sa school?" Parang 'di ako kapatid kung makapag-tanong ako.
"Oo. Malapit na raw kasi ang finals nila ngayong sem." Sagot ni Mama.
"Nami-miss ko na po 'yon si kuya 'Ma."
"Ikaw kasi anak. Lagi kang nagmumukmok sa kwarto. Eh busy ang kuya mo ngayon, kaya hindi ka masyadong maka-usap."
"Puntahan ko kaya sya sa school nya mamaya? Okay lang 'Ma?"
"Mabuti pa nga. Bilisan mo na jan at ng maka-alis ka na."
"Sige po." Yipee. Ang saya ko. Miss ko na kasi si kuya.
-----
After eating, I did my thing.Now, I'm ready to go.
Nasa living room si Mother.
"Mama, alis na po ako."
"Sige. Ingat anak. Sumabay ka na sa kuya mo pag pauwi na rin sya ha."
"Opo. Bye po." My super flying kiss is working again.
Commute na lang ako. Wala pa naman akong sariling kotse eh.
Ang kaso.. Lalakad pa ako palabas ng subdivision.
Edi maglakad.
Nilakad ko nga hanggang main gate ng subdi. At pumara ako ng jeep. Malapit lang naman ang school ni kuya.
Napansin mo, parang 'di ako nag-aaral? Hahaha. Tumigil kasi ako. First year college na 'ko ngayong pasukan, dun din sa pinapasukan ni kuya. Pero 'nong mawala sya, hindi na muna ako pumasok.
Ay, dito na pala 'ko. Buti na lang huminto si manong driver.
Surprise visit 'to. Hindi alam ni kuya.
Nagtataka siguro kayo kung paano ako makakapasok. Eh hindi naman ako estudyante.
My Lola Adriana, Papa's mom, is the owner of this school. Kaya ayun, libreng libre akong makapasok. Kilala naman ako ng mga sa staff sa school.
"Magandang umaga po Mang Bart." Bati ko sa gwardiya ng school.
"Miss Magi? Magandang umaga din ho." Shock post on his face.
"Nakakabigla po ba na nandito ako?" Hindi ko maiwasang mapangiti.
"Ahh.. Hehehe. 'Di naman po Miss. Kamusta ka na po?"
"Ayos naman po. Getting better. Sige po Mang Bart. Puntahan ko na po si kuya." Sagot ko.
"Ay, sige po." Magalang na sagot nya.
Dumiretso na 'ko sa Admin Office. Para itanong kung nasaan si kuya ngayon.
Ayy.. Mukhang may kausap pa si Miss Bianca sa loob. Hintayin ko na lang matapos.
After 10 minutes... Tapos na.
"Magenta?"
"Laurie?"
"Akalain mo nga naman. Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya.
"Pupuntahan ko lang si kuya. Ikaw?"
"Nag-enroll ako for next sem." Sagot nya.
"Ahh.. Sige. May itatanong pa kasi ako sa Admin. Maiwan na kita."
"Sige. See you next time. Bye." She waved her hand. Ganun na rin ang ginawa ko.
Second? O third time na naming magkita. Well, coincidence.
Kumatok na 'ko sa pinto.
"Come in." Miss Bianca said from inside.
"Hi Miss." Sabi ko, habang pinipigilan ko ang ngumiti.
"Magi?! Ikaw ba yan? Anong nakain mo at nandito ka?" Gulat na gulat na sabi nito.
"OA ka Miss. Pupuntahan ko si kuya."
"Ngayon ka na lang kasi ulit nagpakita. How are you?"
"I'm fine now. Si Kuya nga pala, nasaan sya ngayon? Sya kasi ang pakay ko dito."
"Nasa garden sya ngayon. Nagkasalubong kasi kami. I think, tapos na ang klase nya."
"Ganun ba. Sige, puntahan ko na si Kuya. Bye Miss."
"Hey! Usap muna tayo. Ang tagal mong 'di nagpakita eh."
"Next time na Miss. Babawi ako. Thank you pala ha." Sagot ko.
Pagkasabi ko 'non, umalis na 'ko para puntahan si Kuya.
BINABASA MO ANG
After I read her Letter
Short StoryWanna know what happened to Magenta after she read the letter of Humility? Well, read this. So, you'll know. :) All Rights Reserved. May 2015 © jeon_aica