KABANATA 8

178 17 1
                                    

Jamaica’s POV

Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko pag-uwi ko galit na galit si Papa. Napahawak na lamang ako sa bahaging tinamaan ng palad niya.

"Nakakahiya ka! Alam kong matagal mo ng gusto yung Lucca na yon pero hindi ko akalaing aabot ka sa ganito!"

Maang na napatitig ako kay Papa. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nito.

"Hindi ka nag-iisip! Masisira ang pangalan ko! Anong sasabihin nang mga tao na ang kaisa-isa kong Anak na akala mo e hindi makabasag pinggan e maharot pala!"

"Papa?"  angal ko sa sinabi nito dahil hindi naman ako ganon e.

Malakas na ibinagsak ni Papa ang mga kamay sa mesang nasa harap lamang nito.  "You leave me no choice iha, bukas makikilala mo na ang mapapangasawa mo."

"No! Ayoko po! S-si Lucca po ang gusto ko Papa!"  tutol ko sa sinabi nito.

"Bakit ba ang pilit mo sa Lalaking yon! Ilang paninda na ba niya ang binili mo ha pero hindi ka pa din pinapansin man lang! Tapos ano eto may lalabas na ganitong litrato nyong dalawa! Umamin ka nga sa akin Jamaica, may nangyari na ba sa inyo ng Lucca na yon!"

"W-wala po, Papa. Hindi po siya ganon klase ng Lalaki."

"Umakyat ka sa kwarto mo at wag na wag kang lalabas hanggat hindi ko sinasabi!"  bulyaw sa akin ni Papa.

Umiling ako pero may dalawang pares ng mga kamay ang humawak sa magkabilang braso ko mga Bodyguard ni Papa saka ako sinabayan sa paglakad paakyat ng kwarto ko.

"Pasensya na po Miss napag-utusan lang naman kami ni Mayor."  sabay sara nito ng pinto ng kwarto ko.

"Papa! Ayoko ko po magpakasal sa iba! Ayoko!"  paulit-ulit kong sigaw ngunit wala akong nakuhang sagot.

"Ayokong magpakasal! Si Lucca lang ang gusto ko!"  muli kong sigaw.

Nagulat ako nang muling bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Miss. Pinatatawag kayo ni Mayor."  saad ng isa sa Bodyguard ni Papa. Nabuhayan ako ng loob baka nagbago ang isip ni Papa!

Tinakbo ko ang Study room ni Papa, bukas ang pinto kaya pumasok ako lumuhod ako sa harap ng kina-uupuan nito.   "Papa! Ayoko pong magpakasal! Pakinggan nyo naman po ako— pupunta na lang po ako ng America iiwasan ko na lang po si Lucca wag niyo lang po akong ipakasal sa Lalaking hindi ko gusto!"

"Pero sa Lalaking hindi ka gusto pinagpipilitan mo ang sarili mo. Tignan mo na ang nangyari pinag-uusapan na nang mga tao ang tungkol sa lintik na video na yon!"  hasik na sagot ni Papa.

Napapikit ako ng akmang sasampalin na naman ako nito.

"Tama na ho."  pigil nito.

Pamilyar sa akin ang boses na iyon, nagmulat ako ng mga mata ko saka ko sinundan ang direksyon na pinanggalingan ng boses.  "Lucca?"

"Bakit ka nga pala andito Lucca? Isa pa wala kang karapatang diktahan ako lalo na pagdating sa pagdidisiplina ko sa Anak ko!"  sita ni Papa kay Lucca.

Humakbang palapit sa akin si Lucca saka ako inalalayang makatayo bago nito muling hinarap si Papa.  "Wala hong pupunta ng America."

Napatitig ako ng maigi kay Lucca puno ng otoridad ang boses niya para siyang si Papa kung magsalita.

"Haist! Ikaw ang puno at dulo ng viral na video ngayon! Habang itong mal@nding Anak ko wala ng iniisip kundi 'Mahal ko po si Lucca' ni hindi na inisip ang Reputasyon ko! Baka nakakalimutan nyo Mayor ako ng Lugar na ito at nakakahiya ang ginawa nyo!"  bulyaw ni Papa. Saka ko lamang naisip ang reyalidad na mali ang inasal ko at dahil sa kagag@han ko pati si Lucca damay sa galit ng Papa ko.

Tumikhim si Lucca.  "Tama na ho kung tingin nyo ay nakakasira ng Reputasyon nyo ang nangyari eh humihingi ho ako ng pasensya."  nanatili akong nakatitig kay Lucca bumalik ba siya para ipagtanggol ako kay Papa.

Huminga ng malalim si Papa at kinalma ang sarili bago muling nagsalita.  "Nangyari na. Kumalat na ang video at sigurado akong palalakihin ito ng Media at sisiraan nila ang Pamilya ko dahil sa video na yon."

Pumagitna ang nakabibinging katahimikan sa loob ng Study room ni Papa. Kabado ako tiyak kong makakatikim talaga ako kay Papa pagnaka-alis na si Lucca.

"Isasama ko ho sa pag-alis ko si Jamaica."  biglang sambit ni Lucca na nagpatigil ng pintig ng puso ko nilingon ko si Papa naninimbang ang mga tingin nito.  "Aakuin ko po ang Responsibilidad sa Anak nyo, alam ko dese-otso lang ako pero marunong ho akong maghanap-buhay hindi ho ako gumagawa ng desisyon na hindi ko kayang panindigan."  mahabang paliwanag niya parang gusto kong umiyak sa tinuran niya hindi nga ako nagkamali kay Lucca.

Bumaling sa akin ang tingin ni Papa kaya napaatras ako sa takot.  "Ayoko ng isa pang kahihiyan Jamaica."  saka ito naglakad palabas ng Study room naiwan kaming dalawa ni Lucca nakaramdam ako ng hiya sa sarili ko ano kayang iniisip niya napakatahimik na niya simula ng iwan kami ni Papa.

"Aantayin kita sa labas kunin mo nang lahat ng importanteng gamit mo sa akin ka na uuwi."  baling sa akin ni Lucca.

"O-okay."  kimi kong sagot dahil sa kahihiyan napilitan pa siyang akuin ako para lang mawala ang galit ni Papa.

Tumango lamang siya saka lumabas. Dali-dali akong nagtungo sa kwarto ko para mag-impake.

Magkahalong tuwa at kaba ang nararamdaman ko habang nilalagay sa loob ng bag ang mga damit ko at ilang importanteng gamit.

Bumaba na ako ng hagdan. Nakatayo si Papa sa Sala kaya nagdahan-dahan ako ng lakad.

"Papa—.". sambit ko nang huminto ako sa harap nito para magpaalam.

"Ito ang tatandaan mo Jamaica sa oras na humakbang ka palabas ng pinto ng pamamahay ko wala ka ng aasahan kahit ano mula sa akin mamumuhay ka na gaya na lamang ng ordinaryong Kabataan kailangang kumayod para may maipambili ng luho kilala ko si Lucca kahit mayaman ang mga Magulang niya hindi siya umasa sa kung ano ang katayuan nila sa buhay at hinahangaan ko siya sa pagiging independent niya. Ngayon mag-isip ka bago ka gumawa ng desisyon."

Napalunok-laway ako sa haba ng sermon ni Papa. Nilingon ko ang labas ng pinto naroon si Lucca at matiyagang nag-aantay habang nakasandal sa pick-up truck niya na may kalumaan na pero nakaka-proud sumakay dun galing kasi sa sarili niyang pera ang ipinambili niya non minasdan ko ang Lalaking hinangaan ko ng husto kung siya ang makakasama ko alam kong hinding-hindi ko yon pagsisisihan kaya yumuko ako kay Papa bilang bigay galang saka ako naglakad palabas ng bahay namin. Nakahinga ako ng maluwag ng maitapak ko sa labas ang mga paa ko sa wakas malaya na ako sa pagiging sunod-sunuran sa gusto ni Papa.

Lumapit sa akin si Lucca saka nito kinuha ang Backpack bag ko at sabay kaming naglakad palapit sa pick-up truck niya

ako si... LuccaWhere stories live. Discover now