Saranghae, Chingu!
A/N:This story is a product of the author's imagination. The informations contained in the story are used in a fictitious manner. Any resemblance to real events are purely coincidental.
Saranghae, Chingu!
Copyright © 2015 by heylasey
Listen to Six Degrees of Separation para feel na feel! Ajejeje
-Leyss =)
•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
"Saranghae, chingu!"
Naiinis kong ibinalik ang earphones sa magkabila kong tenga nang marinig ang daily alien ritual ni Gavin. Akala ko makakapag-review na ako ng maayos dahil mamaya na ang midterm exam namin sa Physics. Nag-iisa ako sa classroom since snack time naman at lahat ng kaklase ko ay nasa cafeteria. Isa pa, nag-iisa rin ako kasi wala pa akong ni isang kaibigan. O kakilala man lang. Ako na ang bagong dakilang loner.
Transferee ako mula sa isang international school at noong nakaraang taon lang ako lumipat sa isang eskwelahang walking distance lang sa village namin. May pinagdadaanan kasing financial problem ang pamilya ko kaya wala akong choice kundi ang lumipat ng public school na kaya sa bulsa ni Papa. Madali lang naman ang pag-adopt ko sa new environment tutal ayaw ko din naman sa dati kong school na puro pagpapa-sosyal lang ang alam ng karamihan.
Nakahinga ako ng maluwag nang nagkaroon ng kaunting katahimikan. Baka naka-alis na ang kaklase kong koreanong abno. Sa wakas ay makakapag-review ulit ako.
Abno nga ba? Para sa akin, medyo oo ngunit mukhang 99 percent ng population ng Borromeo High ay hindi sang-ayon sa opinyon ko.
Matatawag nga bang abnormal ang The Legendary Gavin Jang? Siya lang naman ang pantasya ng school namin dahil nga sa angking kagwapuhan nito. Palibhasa kalahating koreano. Gaya ng mga typical heartthrobs, halos lahat ng babae ay nagkakandarapa dito. Bukod na maganda ang mukha nito ay matalino pa ito sa klase. Mahusay din ito pagdating sa leadership. Pinagsabay lang naman niya ang pagiging Student Council president at cadet commander ng CAT. Siya rin ang editor-in-chief ng school paper namin at team captain ng varsity. Consistent rin siya sa pagiging top 1 sa lahat ng 4th year sections.
Sa kabila ng sandamakmak responsibilities ni Gavin ay di pa rin nito nakakalimutang gumuhit ng kurba sa kanyang mga labi. Masayahin at palagi siyang nakangiti kaya lalong nababaliw ang mga babae sakanya. Nakakasilaw kasi ang ngiti nito lalong lalo na kapag lumiliit ang mga singkit niyang mga mata at lumalalim ang kanyang dimples sa magkabila niyang pisngi.
Bukod sa vibrant at easygoing na ugali ni Gavin ay may isa pang bagay kung bakit siya ang modern Romeo ng mga kababaihan. Hindi kasi ito isnabero. Marunong itong makitungo, friendly kumbaga. Hindi niya binibigyan ng malisya ang ultra-special treatment ng girls sakanya. Para kay Gavin, kaibigan niya ang lahat. Kakilala man o hindi.
Maliban na lamang sa akin.
"Saranghae, chingu!" Ang mga katagang iyon ay parang musika sa tenga ng mga babaeng may gusto kay Gavin. Iyon kasi ang palagi niyang bukambibig kapag may nakakasalubong siya sa kung saan. Pero sa tenga ko na parating may nakasaksak na earphones, isa lamang iyong hassle na alien language. Isa lamang iyong paraan ng pagpapa-cool at pagpapasikat ni Gavin.
Noong una ay nagtaka ako kung bakit hindi ako pinapansin ni Gavin. Magkaklase at magseatmates kami ngunit palagi niya lang akong binabalewala. Ni hindi man lang kami nagkakilalahan ng maayos kasi cold, masungit at suplado ang pakikitungo niya sa akin. Akala ko na naiilang pa lamang siya kasi isa akong transferee pero nang lumaon, wala pa ring pagbabago. Hangin pa rin ang turing sa akin ni Gavin.
BINABASA MO ANG
Saranghae, Chingu! (One Shot)
Teen FictionAyoko ng mga katagang yan. Gusto ko, mas higit pa sa kaibigan.