Annyeong guyseu! Hehe 1st Fanfic story ko to kaso oneshot lang siya. Wala lang naiinis na kasi ako kay baekhyun at kai. Sinisira nila bias list ko huhu. Sehun kapit lang kekeke~ So yun, enjoy this! :)
-MARIA
• • • •
SHANE'S POV
Three years ago I've been to the worst point of my life. But I think it's not the worst, or it's the worst but the thing that happens to me right now is more worst. You know why? Pinauwi nanaman ako ni mama sa probinsya. Lahat naman tayo may masalimuot na nakaraan, at yun ang pinagtataguan ko kaya ayokong umuwi ng probinsya. Pero ano bang magagawa ko, anak lang naman ako diba?
"Shane anak, wala tayong magagawa. Nawalan ako ng trabaho sa Maynila kaya kailangan nating umuwi at dun nalang ako maghahanap ng trabaho. Pangako naman namin sayo ng papa mo pag aaralin ka pa rin namin eh."
Hindi ako nagsalita. Tumingin lang ako sa bintana ng bus at tumunganga habang iniisip kung anong madadatnan ko sa probinsya namin. Ayokong umuwi, pero mahirap na kasing sumuway sa mga magulang ko. Dahil minsan na akong sumuway sa kanila, at nabigo ko sila. Kaya naman hanggang ngayon ay ikinakahiya nila ako at wala silang tiwala sa akin."Nandito na tayo." Saad ni mama habang binubuhat ni mama yung mga gamit namin para ibaba sa kanto ng tirahan namin. Walang tao at mukhang malayo layo pa ang lalakarin namin kaya napag isipan ni mama na tawagan si papa para sunduin kami ng piera namin. Naghintay kami at nanahimik lang ako sa upuan. Ayokong pag usapan ang bagay na yon, ayaw na ayaw ko nang maalala yon.
"Shane, wag mo nang isipin yan. Nakalimutan na ng mga tao yun, at kung naalala man nila wag mo nalang silang pansinin." Sabi ni mama at hindi ko naman alam ang isasagot ko. Nasa kanto palang kami ng aming barangay ay pakiramdam ko hindi na ko makahinga, mabigat ang pakiramdam ko at gustong gusto kong lumayo sa lugar na to. Pilit kong tinatakasan ang nakaraan ko dito sa probinsya.
"Mama diba naiintindihan nyo naman po ako, alam nyo pong ayokong umuwi sa probinsya." Yan lang tanging nasabi ko sa kabila ng lahat ng gustong isabog ng dibdib ko.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag mo nang isipin yun? Wag mo silang pansinin, yun ang gawin mo! Ikaw ang may kagagawan ng kahihiyan na yun kaya wala kang karapatang magreklamo." Iritadong sagot sa akin ni mama. Naiiyak naman ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko.
Maya maya pa'y dumating si papa at sumakay nga kami sa piera. Pagdating ko sa bahay ay nag aabang samin ang kapatid ko na si Sheila. Sinalubong niya ako ng yakap at sinabing namiss nya raw ako ng husto.
Ng gabi ring iyon ay napag usapan nila mama na iuupa daw nila ako ng kwarto sa kabilang bayan, dun na rin daw ako mag aaral. Nakahinga naman ako ng maluwag, at ngayon ang araw ng lipat ko. Nandito ako sa tapat ng magiging kwarto ko, hinihintay ko si mama at yung landlady na matapos sa pag uusap.
"Kung pwede lang po pagbawalan nyo syang magdala ng lalaki o barkada, at huwag nyo siyang hayaang magboyfriend." Sabi ni mama sa landlady habang nakatingin sa akin. Hindi ko naman yun pinansin.
Lumipas ang mga araw, at buwan. Nagkaroon ako ng mga kaibigan at bestfriend, si Hanie at alam niya ang lahat ng nangyari sa akin pero tanggap nya parin ako bilang kaibigan kahit alam niya ang masalimuot na nakaraan ko. Nakilala ko din si baekhyun. Nagkakilala kami sa isang bubble tea shop kasama ang bestfriend niyang si sehun. Madaldal siya at makulit. Dahilan para mahulog din ako sa kanya. 2 taon ang tanda niya sa akin may trabaho na siya. At dahil ayokong mahuli ako ni mama na meron akong boyfriend ay meron kaming lugar na pinagtatagpuan. Ngayong araw ay monthsary namin pero nag away kami. Dahil gusto niyang kunin .. ang matagal nang wala sa akin.
BINABASA MO ANG
Until The End (Oneshot/Kai FF)
RandomNaisipan kong gawan ng twist ang pagsabit ni kai sa role ng pagiging playboy, nakabuntis or wtvr na tungkol sa s.x hehe :>