Chapter 59

9 1 0
                                    


SARA P'OV'

Hmmm hello everyone alam kong napakilala na ako nila ate, pero gosto kong magpakilala sa inyo personally Im Sara Len Defuente apilyido ni tita silvia ang dinala ko sabi niya kasi sakin patay na raw ang mga magulang ko

Nakita lang daw ako ni tita sa harap ng bahay niya pupunta na raw sana siya dito sa mansyon ng mga panahong yon ang kaso nga lang daw pag bukas niya sa haral ng pintoan

Ay ako raw ang nakita niya habang may hawak hawak ang aking kamay na isang kwentas rosas at kulay pula, naiiyak na naman ako kapag naa-alala ko kong bakit ako iniwan ng aking mga magulang Sa harap ng bahay ni tita Silvia

isa lamang akong sanggol na walang kamuwang-muwang sa mundo, naisip ko tuloy ano bang kasalanan ko at bakit nila ako basta-basta nalang iniwan

Mabuti na lamang at mabait ang komopkop sakin. Dahil kong hindi kang tita Silvia hindi ko makilala ang itnuturing ko ng mga nakakatanda kong kapatid

Iniwan man ako at pinabayaan ng totoo kong magulang may binigay ring biyaya sakin ang panginoon, nagpapasalamat ako sa tadhana at pinagtagpo ako kila Ate Sab ate Cassy, ate kim, ate Divine at si ate Dally

Sobrang bait nila lalong lalo na ang pamilya nila hindi sila katulad sa ibang mga mayayaman na may humawak lang na manlilimos sa ki hibla ng buhok nila

Agad nila itong tinataboy at pinandidirian ayaw nilang madikitan man lang sila ng mga mahihirap na mga tao, parang ang tingin nila sa mga taong mahihirap kagaya ko ay isa lamang walangkwenta sa mundo

At hindi pinag tutuonan ng pansin

"Iha bakit ka umiiyak" agad akong napalingon sa likod ko, nakita ko si Tita silvia na mukhang katatapos lang maghugas

Agad kong hinawakan ang mata ko Oo nga may luha, bakit Hindi ko man lang napansin?

Nandito kasi ako sa mansyon ng lolo ni Ate Sabrina, wala naman kasi akong masyadong kakilala sa manyon ni Ate sabrina at isa pa na miss ko na rin si Tita Silvia, wala rin namang pasok ngayon dahil sa meeting nga mga prof.

"Ahh  Naiisip ko na naman po kasi kong Bakit ako iniwan nalang basta basta ng mga magulang ko tita, hindi sa ayaw ko na sa inyu huh, wag po kayong mag-isip ng ganyan Nasasaktan lang po talaga ako dahil sa ginawa ng mga totoo kong magulang sakin" nakatungo kong saad naiiyak na naman ako

Naramdaman kong lumapit sakin si tita Silvia at inangat ang aking nakatungong mukha

"Iha alam kong may dahilan ang mga magulang mo wag mo agad silang pagsuklaman iha dahil baka may malalim silang dahilan para sa kaligtasan mo" napatingin naman ako sa kanya

Anong ibig niyang sabihin?

"Alam niyo po ba tita kong bakit at anong dahilan ng mga magulang ko para iwan nalang ako basta- basta" ngumiti naman siya at hinaplos haplos ang aking buhok

"Malalaman mo rin sa tamang panahon Iha wag na muna ngayon dahil masyadong pang dilikado"

Dilikado? Bakit naman?

"Anong ibig niyo pong sabihin tita?" Konot noong tanong ko sa kanya

Ngunit ngumiti lamang siya sakin at tinapik ang aking balikat at pumonta sa harden para konin ang mga toyong dahon

Nagtataka man ay pumonta na lamang ako sa sala para magwalis

******

Habang nagwawalis ako "iha magpahinga ka mona" nabitawan ko ang hawak² kong walis dahil sa gulat, lumingon ako sa likod ko nakita ko si Maam. Dhalia natatawa ito dahil siguro sa nakita niyang reaksyon ko

DARK SCHOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon