Trigger Warning
Adultery & Abuse"Anak" si mama yun, napansin ko na kakalabas lang niya sa kwarto nila ni papa. Ang labi niyang nakangiti, akala ko dati masaya si mama kapag nakangiti.
"Bakit po?" taka kong tanong matapos ibaba ang lapis na hawak hawak ko, gumagawa ako ng assignment namin sa school. Alphabet yun, nasa letter G na kasi kami sa writing at ipapasa na siya bukas
"Patingin nga ng gawa mo" malambing na tumabi sa akin si mama at pinakandong ako sa kanya habang tinitingnan ang sulat ko
"Sabi po ni teacher dapat marunong na kami magkabit kabit dahil grade 3 na kami" kwento ko na ikinangiti ni mama
May sasabihin pa sana si mama pero nagbukas na ang pinto ng kwarto nila ni papa. Nagtataka akong napatingin sa babaeng maputi na kasabay ni papa lumabas galing sa kwarto. Nakahawak si papa sa bewang ng babae at nagulat pa ng makita ako
Hindi ako pinansin ni papa at ng babae, dire diretso silang lumabas ng bahay. Nakatitig lang ako sa pinto at malungkot dahil sa hindi ako pinansin ni papa at dinaanan lang ako. Ang pangit din ng babaeng kasama niya, maputi lang
"Ang galing naman ng anak ko!" puri ni mama na nakaagaw ng pansin ko, kiniss niya pa ang cheeks at forehead ko
Tuwang tuwa ako na ginantihan si mama ng halik. Tuloy tuloy lang siya sa pagtitig sa sulat ko, nakangiti naman akong nakatingin sa mukha niya. Ilang sandali pa ay nagbadya ang mga luha sa mga mata niya
"Mama?" nagtataka kong tanong dahil sa pagpatak ng luha niya
"Wala ito anak!" natatawang sabi ni mama kahit pa tuloy tuloy ang patak ng mga luha niya
"Wag kana po sad" niyakap ko si mama ng mahigpit at doon siya sa maliit kong balikat umiyak, hindi ko pa alam ang nangyayare noon pero ang alam ko lang ay kailangan ni mama ng hug
+++++++++++++++++++++++++++++++++++
"Tangina ka! Malandi!" naalimpungatan ako sa malakas na sigaw ni papa sa labas ng kwarto ko, mabilis akong bumaba sa kama at binuksan ang pinto ng kaunti
Napahikbi ako ng makitang sinasabunutan ni papa ang buhok ni mama. Pilit niyang kinakaladkad si mama pababa ng hagdan, lalabas na sana ako ng kwarto pero nakita ako ni mama. Umiling iling siya na sinasasabihan akong wag lalabas
"Hermes, tama na!" pagmamakaawang sigaw ni mama matapos siyang sampalin ni papa
"Dapat lang sa'yo 'to! Napakalandi mong puta ka!" sinuntok pa ni papa sa mukha at napaigtad ako doon, gusto kong lumabas kaya naghanap ako ng pangpalo sa kwarto ko
"Ayoko na! Tama na! Ang sakit, Hermes!" daing ni mama dahil sa sunod sunod na malalakas na sampal ni papa sa kanya
Ang iyak ko ay nakakasakit sa dibdib ko, nahihirapan ako sa paghahanap ng pangpalo habang dinig ko ang daing sa sakit ni mama. Binuksan ko ang kabinet ng maalala ang malaking paso na iniingatan ni mama. Gawa iyon ni papa at regalo sa kanya
"Aaaah! Ayoko na!" yun ang pinakamalakas na sigaw ni mama
Umiiyak akong nataranta at dali daling lumabas ng kwarto, tinakbo ko ang pagitan namin ni papa at dahil nakayuko siya habang sinasampal at sinusuntok si mama ay nasapol ko sya ng paso sa ulo. Kita ko doon ang dugo ng mabasag ang paso
Napahiga si papa at humagulhol ako, iyak na iyak ako at nagulat pa ng hawakan ni mama ang kamay ko. Nanghihina siya at nakakaawa siyang tingnan, puno ng pasa ang mukha at katawan niya.
"A-Anak tatakas tayo" mahina na sabi ni mama, sa takot na saktan pa siya ni papa ay umiiyak akong tumango, tinulungan ko siyang tumayo at makalakad
Napatingin pa ako sa tulog na mukha ni papa at ulo niyang may dugo. Pahirapan kaming nagmadaling maglakad kahit pa nanghihina si mama. Walang laman ang isip ko kundi ang makatakas at alam kong ganundin si mama
Pinagtitinginan kami ng mga kapitbahay pero wala ni isang tumulong. Pinagchichismisan lang nila kami, may ibang gustong tumulong pero takot lumapit. Malapit na kami sa crossing ng kanto ng may madinig kaming sigaw
"Mga malalandi! Hindi kayo makakatakas!" dinig kong sigaw ni papa malayo layo sa amin
"M-Mama, bilisan po natin!" umiiyak kong sabi, dahil doon ay pilit pinabibilis ni mama ang hakbang niya
Ako naman ay halos higitan na si mama para lang mapabilis kami, napalingon ako kay papa at nakitang malapit na siya sa amin
"Putangina niyo! Papatayin ko kayo!" sigaw nito na boses demonyo
"M-Mama bilis po" pilit kong pinatatag ang boses ko
"Anak, mahal kita" sabi ni mama na nagpatigil sa akin, bumuhos ang sunod sunod kong luha at naramdaman ko ang panghihina niya
"M-Mama aalis tayo! Makakatakas tayo!" pilit kong hinihila ang kamay niya, nasa crossing na kami
Sa pagmamadali ko ay natumba si mama at tutulungan ko sana siya ng higitin ng demonyo ang damit ko. Nagpumiglas ako at pilit na kinakawala ang kamay niya sa akin. Sinampal niya ako at nakita ko si mama na nanghihinang pilit inaabot ako mula kay papa
"Ang sama sama mo! Hindi kita papa!" sigaw ko at kinalmot ang kamay ng demonyo at napatili ng sampalin ulit ako nito
"Walang kwenta kayong mag ina! Papatayin ko nalang kayo tutal mga wala naman kayong kwenta!" akma ako nitong sasampalin ng biglang nagkaroon ng ilaw na nakatapat sa amin, may rumaragasang van sa highway at dire diretso ito sa pwesto namin
"Mama ko!" hiyaw ko dahil sa nakita kong kay mama sasalpok ang sasakyan, nagpumiglas ako kay papa pero nakaestatwa lang ito. Tulala na nakatingin kay mama na nakangiting lumuluha
"M-Mahal" huling nadinig kong salita kay mama bago sumalpok sa kanya ang rumaragasang sasakyan. Napatili ako at nakita ko pa ang pagtalsik ni mama pauna sa kalsada bago mapa ilalim ang katawan ni mama sa ilalim ng van. Namanhid ako at tahimik na humagulhol, napaluhod naman si papa at napayakap sa katawan ko
Nandidiri at galit ako sa kanya, ang van ay dire diretsong umalis at iniwan kaming nakatingin sa lamog na katawan ni mama. Nagpumiglas ako ng matauhan at pilit na kumakawala sa yakap ni papa
"Bitawan mo'ko! Yung mama ko! Ang mama ko!" pahisterya kong sigaw at lumakas ang pag iyak
"Tulong! Tulungan nyo ang mama ko!" malakas kong sigaw na nagpabulabog sa mga tao, naglabasan ang mga ito at dali daling tiningnan si mama. Pilit akong umaalis sa yakap ng demonyo pero ayaw niya akong bitawan
"Ang mama ko po! Tulungan niyo siya!" sigaw ko dahil wala akong magawa, may isa kaming kapitbahay na pinulsuhan si mama at napailing pagkatapos. Hindi ko alam ang ibig sabihin noon pero bigla akong nagpakawala ng malakas na hagulhol at patuloy sa pagtawag kay mama
____________________________________________
Ps: Light Story lang po ito and hindi ganun kahaba since tamad ako sa mga dagdag plot twist. Nakakakito kasi hehe,, this chapter is dedicated to my kuya<3
YOU ARE READING
Abandon Essence Of Hope
RandomMy first published story:) Slapsoil Series I. Abandon Essence Of Hope It's always the timing, maybe God don't really want us to happen? -Messina Hale Crescini