CHAPTER 3

6 1 0
                                    

---

MARIE

"Mariiiiieeeeeeeeee” lagi kong naririnig sa bawat pagpikit ng aking mga mata at hindi ko maintindihan kung bakit.

Makakailang ikot pa ako sa higaan ng kung anong pwesto bago ako dalawin ng antok.

"3:00am" basa ko lagi sa orasan.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito at kung bakit nahihirapan akong matulog at mapagtatanto ko nalang na madaling araw na at doon lang ako dadalawin ng antok.

---

"Simula nalang noong gumaling ako ay tila may something and it's hard for me to sleep"

"Parang laging may tumatawag sakin...ughhh.I don't know." Dugtong ko pa.

Something? Baka dahil sa medicine na tinitake mo kaya okay lang yan.” Ani mommy kaya napatango nalang ako.

Hope so” bulong ko sa sarili sabay higa at agad na ipinikit na ang aking mga mata.

Love you baby” ani dad at hinalikan ako sa noo.

Love you dad” saad ko sabay ngiti.

Love you Mom” senyas ko naman.

Sobrang thankful ako kasi I have them in my life, and isa pa parang hindi sila nagsasawa na laging nandiyan sa tabi namin ni Melrich.

Thank You” saad ko sabay pikit ng aking mata hanngang sa tuluyan ng makatulog.

---

Nakita ko nalang bigla ang aking sarili sa isang salamin kaya napatingin ako mula sa may likuran.

Mom?” tawag ko kay mommy noong makita ko itong umiiyak.
Paulit ulit ko itong tinatawag pero parang wala syang naririnig.

“What happened?” Tanong ko pero wala akong naririnig sa kanyang sinasabi kahit patuloy parin itong nagsasalita.

Nagulat ako noong makita ko ang isang babaeng nanginginig habang ang mga doktor ay patuloy paring inaasikaso ito.

CLEAR” rinig kong sabi ng doktor kaya ako ay napapikit nalang.

Agad kong iminulat ang aking mga mata noong marinig ko ang iyak.

Mommy??Daddy??” tawag ko ng makita ko silang naroon pero hindi ko makita kung sino ang babaeng kanilang iniiyakan kaya lumapit ako ng kaunti pero hindi ko parin ito maaninag.

Nag umpisa na akong maglakad papalapit sa pinto at dahan dahan kong hinawakan ang knob at ito ay aking binuksan at pagkalabas ko ay nakita ko ang pangalan na nakalagay sa pinto.

Mariz Larci Walker” basa ko rito kaya muli kong binuksan ang pinto para muling masilayan ang loob nito ngunit pagbukas ko ay dilim ang bumalot sa buong paligid.

*Phone Ring*

Bigla akong napamulat at ng mahalata ni dad na nagising ako dahil sa tunog ay sinabihan niya si mom na patayin at ilagay sa silent mode ang kanyang cellphone.

Muli ko nanamang ipinikit ang aking mata para bumalik sa pagtulog ngunit hindi ko na ramdam ang aking antok at bigla nalang bumalik sa aking ala ala ang mga pangyayaring aking napanaginipan.

“Why? Who is she?” medyo napalakas ata ang pagkakasabi ko at narinig ito ni dad kaya napatingin ito sa akin at tinatanong kung bakit pero sumenyas akong wala lang iyon na agad naman niyang binalewala.

At dahil sa nawala ang aking antok ay bumalik nalang ako sa aking kwarto at agad na nag bukas ng mga message ko na halos matabunan na ang dati dahil sa mga bagong dating at mas nadagdagan pa ito ng makita ng iba ng active ako sa aking account. Inisa isa ko lang na binasa ang nakalabas na message pero hindi ko ito binuksan. Nag scroll lang ako ng nag scroll dahil sa wala akong ganang magreply.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Marie's FuneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon