Lipat Bahay..

644 2 0
                                    

WOw!! 95 reads na lang.. ambilis..

thank you thank you talaga!! XD

Lab ko na kayo.. super..

hehe..

Vote and comment ko po ah.. :)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapte 25:

Lipat  Bahay

College na ko next school year. Napag disiyunan ni Mommy na sa Makati na lang ako mag-aral. Since nandun na din naman yung unit ko. (Yung gift nila sakin.. ^______^ )

Tsaka, pasado na din ako sa exam sa Centro Escolar kaya yun.

Kasama kong maglilipat ng mga gamit si Mommy tska si Mico. Sayang. Di na kami madalas magkikita. Ang layo naman kasi ng Munumento eh. Ang tagal ng byahe.

Tapos, busy na si Mico sa school niya. Graduating na kasi siya this school year eh. Haist. Pero okay lang yun. Sabi naman niya, madalas naman daw niya kong dadalawin eh.

Nakakalungkot. Si Roxy kasi, kung hindi sa abroad na siya mag-aaral sa UST naman siya..

Hindi din kami madalas na magkikita.

Ang masaya dun, si Mico, sa CEU din siya. Bwahahahaha!! Hindi ako masyadong mabobore kasi, magiging schoolmates kaming dalawa.

Mag kaiba lang kami ng course. Dentistry kukunin ko tapos siya MedTech. Magiging magkapitbahay din kami kasi malapit lang yung uupahan niyang apartment sa unit ko eh.

"Ngiting ngiti ka dyan ah." -Mico

"Eh ano naman?" -Ako

"Sungit nito. Malapit na tayo madam.."

"Madam ka dyan! Sira talaga to! Pasalamat ka nagddrive ka kung hindi." Ikikiss kita. Haha. Choz. Syempre di ko sasabihin yun no!!

"Kung hindi ano?"

"Wala. MAgdrive ka nalang."

Siya driver namin ngayon. Yung van na lang nila ginamit namin. Halos mga damit ko na lang naman dala ko eh. May mga gamit na kasi dun.

Ayan! After 1 hour drive, nandito na kami. Medyo traffic kasi eh.

First time kong makita tong bahay kaya sobrang ngiti ako. Haha. Parang baliw lang.. XD

"Do you like the place dear?" -Mommy

"Yup! Super!" -Ako

"Gusto mo bang mag hire na lang ng makakasama mo dito?"

"Hindi na po Ma. KAya ko na to mag-isa."

"Kaya mo kayang linisin to?"

"Oo naman. Bahay nga natin nalilinis ko naman eh. Hehe."

"hmmn, sabi mo eh. Dadalaw kami dito ni Nica once a week. pag hindi busy."

"Nice Idea! Pag di kayo nakadalaw, ako na lang po ang dadalaw dun."

"Sige. O siya, ayusin na natin tong mga gamit mo. Nang hindi tayo msyadong gabihin pag uwi."

Ipinasok na ni Mico yung mga gamit ko. Habang si Mommy naman tinotour ako sa loob ng bahay,. Parang timang lang,. Haha.

"May limang rooms sa taas. Tara akyat tayo."

Two storeys lang tong bahay. Hindi siya kalakihan, yung pang tama lang sa isang pamilya. Ewan ko ba kung bat hindi kami dito tumira noon. TSk

"Pili ka nalang kung ano magiging room mo. Pwede mo gamitin yung Masters bedroom kung gusto mo."

"Hindi na Mom. Sa inyo yun ni Dad eh. Eto na lang sakin."

Yung room na blue yung theme yung pinili ko. I love blue kaya. Tsaka nakatanaw to sa may garden sa likod kaya ok lang.

"Anak, mag hire ka na ng makakasama mo dito sige na."

"Bakit po?"

"You know me. I am paranoid. Mas mabuti na yung may kasama ka palagi."

"Aish! Ikaw po ang bahala."

"Lhia, Eto na mga gamit mo oh."

Tapos, ipinasok na niya sa room ko yung mga gamit ko.

Iniwan muna ko nila Mom tapos ako eto, inaayos mga gamit ko.

Haist. Namana ko ata pagiging paranoid ni Mommy.

Ang daming mga bagay nasiksik sa utak ko. Gaya ng,,

What if magkaron dun ng iba si Mico kasi malayo na ko sa kaniya? Tapos, hindi pa kami kaya wala kong karapatang mag demand.

Pano kung habang nandito ko, mafall ako sa iba kasi mawawalan na siya ng time sakin.

What if, biglang may nangyaring masama sakin dito. Darating kaya siya to save me?

What if,

Ah shit! Napaka daming what if's.

Pero, gaya nga ng sinabi ko kanina.. Wala akong karapatang mag demand.. Kasi, hindi naman kami..

Tsk. Tama. Ang hirap ng sitwasyon ko. I love him. Yes! Pero parang di ko pa kayang linawin yung samin.

Ayoko pang masaktan..

Hindi pa ko handa sa magiging relasyon namin..

Tsaka na siguro..

Pero,, nahihirapan naman akong isipin kung san dapat ako lulugar..

Kasi, natatakot pa kong makisama sa mundong ginagalawan niya..

Hindi pa ko handa.. Haist.. ang hirap naman nito..

Gusto ko na siyang sagutin kaso, long distance relationship yung mangyayari samin. I am not sure kung mag wowork out yun...

Pero, wala namang masama kung ittry ko diba?

"Lhia, di ka pa daw ba tapos sabi ni Tita?" -Mico

Hindi ko namalayan na nandito na pala siya sa loob ng kwarto ko.

"Ah, patapos na."

"Mag-iingat ka pag nandto ka na ha."

"Tsk. Paranoid to. Nahawa ka na kay Mommy."

"Hindi naman kasi pwedeng bantayan kita dito. Hindi pa tayo at mas lalong hindi naman tayo kasal."

"What if sabihin kong tayo na?"

"What?!"

"Gusto mong ulitin ko pa ^_______^ "

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Alam na ha? Hehe..

Naubusan na ko ng sasabihin. Hakhak..

Ah basta.. Ang saya ko..

Man of my  dreams (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon