Prologue:
True Love waits? Tama ba?
Kung Tayo, Tayo talaga.
Pero Hanggang kailan ba ko maghihintay?
Hanggang kailan ba ako magapapakatang sa isang relasyong hindi naman ako sigurado sa mangyayari, sa isang tao na alam kung hindi naman ako mahal at ginagawa lang akong libangan?
Ang klase ng taong kampante na lagi akong nasa kanya dahil alam nyang mahal ko sya at hindi ko kayang mawala sya.
Tanga ba ako? Oo. Pero anong magagawa ko?
Nagmamahal ako, gusto ko ng tigilan ang kahibangan na ito, pero paano?
Iiwasan ko sya?
Iiwan ko sya?
Hahayaan ko nalang sya sa mga bagay na gusto nya..
Pero paano ako?
Ang dami ko ng sinakripisyo para sakanya.
Hinarap ko lahat, para lang sakanya..
Tapos ganito lng ang ending ko?
LOVE is SELFISH.
At yan ang napatunayan ko..
Pero naisip ko, nakakasawa na ding umasa at maghintay..
CHAPTER 1
*Tok tok*
*tok tok*
Ang agang bulabog nito. Inaantok pa ako.. Kinuha ko ang unan na hinihigaan ko at tinakip sa tenga ko..
*TOK TOK*
Nakakainis na aa.. Puyat yung tao ii.
Tumayo ako sa kama at naglakad papunta ng pintuan ko na parang Zombie dahil pikit pa mata ko.
“Bakit ba? 3:00 palang ng umaga oh,..” sabi ko sa nasa harap ng pinto..
(___.___”)
“Hello Best! Good Morning!!” pero mas nagulat ako sa lalaking nasa harap ko ngayon.
O_O <- ako
^_^ <- Siya
“Bakit nandito ka ng ganito kaaga at ganyan ang dala mong gamit huh! Wag mong sabihing nagtanan ka at ditto ka magtatago huh.” Nabuhay ang natutulog kong katawan dahil sa kanya, may traveling bag syang dala pano..
*Pak*
“Aray! Bakit mo naman ako binatukan huh! Ansakit! T^T” Napahawak ako sa ulo kung binatukan nya.
“Oh yan! Gising kana!”
“Alangan! Ansakit! Sadista T^T Bakit ba kasi, at ano ang problema mo.”
“ Magbihis kana, ikaw nalang hinihintay. Sinabi ko na ngang wag magpupuyat dahil may swimming ngayon ii.” Pumasok sya ng kwarto at kinuha ang bag ko.
“Sorry, nakalimutan ko.” Aww. Daming iniisip ii.
Stress..
“dahil nanaman sa kanya kaya nakalimutan mo noh?” he glare at me.
Okay, depress.
“No, I’m not.” Umiwas ako ng tingin..
pretender..
“Yes, you are. I know you more than you know yourself.” Inaayos pa din nya gamit ko habang ako nagpunta ng CR at nagtooth brush.
“No, you’re not..”
![](https://img.wattpad.com/cover/4382183-288-k747154.jpg)