[Content warning: Some bad terms and languages have been used for this.
My apologies! Please avoid reading if those types of things easily upset you,
Other than that, hope you enjoy.]
"Ayaw na kitang maging girlfriend." Ito ang huli niyang sinabi saakin,
may sasabihin pa ata siya pero hindi ko na siya pinatapos na kasi I ran as fast as I could,
I could feel the water on my cheeks while I'm running—- Ang sakit.
Pero habang ako ay tumatakbo, naririnig ko pa ang kanyang pagsigaw, tinatawag niya ako sa pangalan.
"Ericka!" sigaw niya saakin.
Hindi na ako lumingon baka makita pa niya akong umiiyak at pagtawanan lang niya ako.
Sumakay agad ako sa kotse ko at naisipang pumunta sa resort namin.
Habang ako ay nagmamaneho, pinunasan ko na yung luha ko at pagkalipas ng ilang minuto.
Nakarating na ako sa resort namin, kinuha ko muna yung salamin ko kasi halatang umiiyak ako.
Tumingin kasi ako sa salamin ko, at nakita kong namula ang aking mata, malamang galing sa iyak e.
Psh, bobita! Bumaba na ako at maraming bumabati saakin. Ngumingiti nalang ako na parang walang nangyare.
"Good morning, maam." ngumiti ako.
"Maam, maganda umaga." ngumiti parin ako.
Pumunta na ako sa counter para mag-check in pero saakin talaga yun room, for me only.
(N/A: Promise, hindi ko alam ang tamang term. Pasensya na sadyang bobita ako, katulad ni Ericka.)
"There you go, Maam. Enjoy!" sabi nung ate, ngumiti nalamang ako.
Habang naglalakad ako papunta sa room ko.
Linagay ko muna yung susi sa bulsa ko.
Kinuha ko yung cellphone ko, tsaka binuksan.
Hinanap ko yung twitter.
Nakalog-in na ako diretsyo.
"May mali ba?" Post! May nag-retweet agad and favorites.
Nakarating na ako sa kwarto ko, binuksan ko na ito.
Chinarge ko muna yung cellphone ko pero yung gamit ko, power bank.
Naisipan kong maligo sa swimming pool.
Hinubad ko na muna yung damit ko tsaka pumunta sa banyo.
Naligo na ako, kasi dapat maligo muna bago maligo din sa swimming pool.
Nakabihis na ako ng panligo. Lumabas na ako at dumiretsyo sa SP.
Wow, ang ganda ng tubig tsaka ang linis.
No doubt maraming dumadayo saaming resort.
Dito kasi parang narerelax ako.
Walang problema, walang iniisip na ano.