1st Mistake

38 2 0
                                    

Pauwi ako ngayon sa bahay, 8pm na ng gabi. Suot ko pa ang heels ko na parehas putol ang takong dahil sa kaka-takbo ko.

Parang kanina lang nang mahuli ko ang walangya ko boyfriend na may kahalikang babae. Edi yun, katulad ng dati, sinugod ko, gumawa nanaman ako ng eskandalo. Pero iba kase yung pakiramdam ngayon, sobrang sakit. Akala ko hihingi ulit sya ng tawad katulad ng ginagawa nya dati kapag nahuhuli ko sya na may kasamang iba. Ewan ko ba kung bakit ako ganito? Lagi nakong niloloko pero eto parin ako, nagpapakatanga. Mahal ko eh

Pero iba kase ngayon.

"Ang kapal ng mukha mo! Hindi kana nadala? At ikaw na babae ka! Ang kati kati mo, wag mong hawaan ang boyfriend ko ng Aida mo! Mga hayop kayo!"

Hindi ko pinapansin ang mga tao sa paligid. Patuloy lang ako sa pag-sigaw hanggang sa kaladkarin nyako sa labas ng bar.

"Hindi ka manlang ba nahihiya? Ang daming tao sa loob tapos gagawa ka ng eskandalo! Nakakainis ang mga babaeng gaya mo!"

"Naririnig mo ba yang mga sinasabi mo? Hindi kaba naaawa saken? Lahat na ginawa ko para magbago ka! Lahat lahat! Pero ano? Eto pa?"

Pinagsasampal ko sya, sobra na yung galit ang nararamdaman ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hanggang sa hinawakan nyang mahigpit ang kamay ko...

"Tumigil kana! Ang tagal ko nang nagtitiis sayong babae ka! Sige. Maghiwalay na tayo, ayoko na sayo, Hindi na kita mahal!"

Hindi na kita mahal!

Hindi na kita mahal!

Hindi na kita mahal!

Natigilan ako sa sinabi nya, wala nakong nagawa kundi tumalikod at maglakad palayo. Pinipigil ko yung luha ko pero hindi ko pala kaya, kusa nalang silang pumapatak.

Akala ko wala nang mas masakit pa sa naranasan ko dati. Pero mas masakit pala ngayon. Sobrang sakit. Ang sakit pala kapag ipinamukha sayo ng boyfriend mo na hindi ka na nya mahal.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin. Ganun na pala ako ka-tanga? Hindi ko manlang namalayan, hindi na pala nyako mahal.

Sa sobrang sakit, bigla nalang tuloy akong napa-sigaw sa gitna ng kawalan...

"Ano bang kulang ha?! Hindi naman ako nagkulang sa pagmamahal ah! Lahat naman binigay ko! Lahat lahat! Ang kapal ng muka mo para ipagsigawan na hindi mo nako mahal! Ano bang nagawa kong masama para ganituhin moko?!"

"Wala kang ginawang masama, sadyang hindi kalang nya mahal. So don't act like a stupid child, you're not even a child. Kung hindi ka na nya mahal then let him go! Hindi pa end of the world. Pathetic"

Isang boses mula sa di kalayuan.Teka sino ba yung hinayupak nayun? Panira ng moment aba!
Nilingon ko ang paligid, nasa isa pala akong park, at sakto, basang basa ako. Kanina pa pala umuulan. At teka? Sino tong lalaking to?!

"Hoy ikaw na Lalaki ka! Anong karapatan mong sabihan ako ng ganyan ha!? Baket? Ka ano-ano ba kita? Hindi naman diba?! Kaya wag kang nakikialam!"

"I really hate girls! Lahat kayo, you made me sick. Pwe! Akala nyo mauubusan kayo ng Lalaki? Stop being so dumb, at isa pa, i don't give a fuck!"

"Kase kayong mga Lalake! Wala kayong pakiramdam! Mga sarili nyo lang ang iniisip nyo! Hindi naman ako nagkulang! Hindi!"

Iyak ako ng iyak, lahat ng gusto kong ilabas, nailabas ko na. Yung sakit na nararamdaman ko, bigla nalang kumawala.

Oo na, ako na yung dakilang tanga. 2years ang pinagsamahan namin ng Lalaking yun. Ilang beses ko na syang binigyan ng chance sa pag-aakala kong magbabago pa sya. Pero bigo ako. I've never seen the truth behind his lies, all this time? Hindi na pala nya ako mahal? The heck nga naman.

IF ONLY (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon