2nd mistake

7 0 0
                                    

Grabe. Hindi parin ako makapaniwala sa mga narinig ko. Bakla talaga sya? As in. Baket?! Sayang! Ang gwapo pa naman nya. Hays

"Osige iha, aalis nako ha? At marami pakong gagawin sa loob"

"Osige po La. Salamat po ha"

Habang paalis si Lola, naiwan ako sa Garden, Lutang ang isip at hindi makapaniwala sa mga narinig. Hindi naman ako against sa LGBT. pero hindi talaga ako makapaniwala, hindi kase halatang bakla sya. I mean, baket sya pa? Tsk tsk

Sa kalagitnaan ng pagmumuni-muni ko. Bigla kong naalala. Yung cellphone ko nga pala, naiwan ko sa kwarto nya. Hay nako. Ang laki laki pa naman ng bahay, diko na tanda kung san yun. And finally, sa isang taong paghahanap, nakita korin ang kwarto ng baklang yun.

Apat na beses nakong kumakatok pero parang wala talaga sya sa loob. Kaya nag decide ako na pumasok nalang.

"Shit. Ang dami na palang missed calls dito ni Mama. Lagot nanaman ako, kailangan ko nang umuwi"

Tatayo na sana ako nang biglang bumukas ang isang pinto at laman nito si Billy, kakatapos lang nya maligo. Pinipigilan ko pero hindi ko talaga kaya. Yung Abs nya at muscles, yung maputi nyang katawan at yung mala-anghel nyang muka ANG SARAAAAAP. Tumigil ka Riz, huehue. Isipin mong bakla sya, bakla bakla bakla!

"Whoa! What the hell are you doing here?"

" kinuha ko lang yung phone ko. I'm sorry" habang iniiwas ko ang tingin sa kanya

"Ayan nakuha mo na, get out!"

"Ang sunget naman nito! Pwe! Akala mo naman pagnanasaan kita. FYI, hindi ako napatol sa bakla"

"What?! Who told you that?"

"Wala. Secret, hahaha. Pero ok lang naman kung beks ka eh. Be proud of what you are"

"Wala kang pakialam. By the way. Naka-ready na yung mga damit mo, mag ready kana, at mamaya lumayas kana sa sa bahay ko"

"Oo na. Baklang to. Magbihis kana. Aalis nako"

At tuluyan ko na ngang nilisan ang kwarto nya.

Pero bat ganun? NagThump yung puso ko. Nako nako Riz! Bawal yan. Bawal kang Ma-tempt.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis nako. Humarap ako sa isang salamin,
"Tama nga sila Riz, hindi ka na ang dating ikaw. Ang laki na ng pinagbago mo." Sabi ko sa sarili ko

Nakakalungkot na nakakainis, naalala ko nanaman ang nangyari kagabi. Pero naisip ko parin. Baka naman may chance pa? Baka naman pwede pa maging kami ulit? Baka naman pwede pang maayos to.

Hindi ko namalayan, Lumuluha nanaman ako. Ayoko na, nakakapagod na.

"Hindi mo parin ba maintindihan? Di ka na nya mahal Rizalyn, don't let your heart suffer again" at patuloy ko paring kinakausap ang sarili ko

"Masyado ka kaseng tanga! Alam mo, ang mahirap sa pagmo-move on ay ang pag-aakala mo na baka pwede pa" si Billy

"Hindi kaba marunong kumatok?! Atsaka wala kang karapatang payuhan ako ha"

"Osige ikaw rin. Diba sabi mo ayaw mo na masaktan? Pero ayan ka nanaman. Umaasa"

"Sabi nga ni Agnes, kapag nasaktan ka at naghilom na ang sakit, sya parin ang gusto mong mahalin"

"Pero iba ang sitwasyon mo. Hindi kana mahal. Duhh" he said in a sarcastic voice

"Bahala ka nga, tabi dyan! Lalabas nako"

Palabas nako sa banyo nang bigla nya akong hinatak sa braso at na-corner nya ako sa pader ng cr.

Inilapit nya ang muka nya saken. At bumulong

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IF ONLY (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon