Khaile’s POV
Una ko pa lang siya nakita eh crush ko na siya. Enrolment noon at nakita ko siyang nakaupo sa may cafeteria ng school at kumakain. Ngumingiti siya kasama ang mga kaibigan niya but there is something in her eyes that bothers me. She had those brown sad eyes and I wanna know then the reason why.
Pareha pala kami ng course. 4th year accountancy student siya ng school namin at kaklase ko sa ibang minor subjects kahit 3rd year pa lang ako ngunit magka.age lang kami.
Since that day I’ve been looking at her always from afar. Nagiging stalker na nga niya ako sa ginagawa ko eh. At nalaman ko na may boyfriend na pala si JM. Tunog guy ang name noh? Her true name is Justine Mikhaela Chua a.k.a. JM, the prettiest name I’ve ever heard. Whoah! ang OA ko na neto ah..pero totoo yun from my heart. Ganito nga ba talaga maging inlababu? Nagiging OA? Pero mahirap rin eh.. kasi may mahal na siyang iba. At ako?!eto pa.tingin2x na lang sa malayo .. ni hindi nga nya alam na nag.eexist ako eh. Haaaay buhay!
Minsan ay nakita ko siya sa isang vacant room ng department namin at umiiyak. Nasaktan ako ng makita siyang ganun kaya naglakas loob akong lumapit at nakipag.usap sa kanya.
“Panyo oh..”sabi ko sabay abot ng panyo ko sa kanya. Tumingin muna siya sa akin bago niya kinuha yung panyo ko.
“Uhmm miss.. ok ka lang ba? Bakit ka umiiyak?” tanong ko ng makaupo na ko sa tabi nya.
Kesa sumagot at humarap sa akin ay umiwas siya ng tingin habang pinupunasan ang kanyang mga luha. Hindi ko alam ang nararamdaman ko ng mga sandaling yun. Gusto ko siya yakapin at patahanin sa kanyang pag-iyak at gusto ko ring suntukin ang taong nagpaluha sa kanya.
“Kung sino man siya..he’s not worth for your tears.” Sukat lumabas ang mga salitang yun sa bibig ko ay napalingon siya sa akin.
“bakit? Ano bang alam mo? At tsaka kilala mo ba ko?…ni hindi nga kita kilala”sabi niya..at parang bigla na lang napaurong ang mga dila ko at na makapag.salita. Ano ba kasi ‘tong ginawa ko eh?sugod2x lang ng sugod eh hindi nga pala niya ko kilala. Tsk.
“A-ah..hehe. Sori huh kung nakikialam ako. Napadaan lang kasi ako ng makita kung umiiyak ang classmate ko kaya eto..”sabi ko ng hindi makatingin ng diretso sa kanya. “A-ako ng..”hindi ko natapos ang sasabihin ko kasi bigla na lang siya nagsalita..
“Classmate kita?Eh bakit hindi kita kilala?parang ngayon lang kita nakita ah”sabi nya habang nakatingin pa rin sa akin.. naku!iba pala ang pakiramdam pag tinitigan ka ng taong mahal mo..nakakalusawwww!!whaaaaahhhh..
“classmate tayo sa PolSci, Macroeconomics at Business math..”sabi ko at humarap sa kanya sabay lahad ng aking kanang kamay “I’m Khaile Abra..3rd year biz-Ad”
“ahh..”yun lang sabi nya tapos napatingin siya dun sa wall clock sa ibabaw ng whiteboard. Na malungkot pa rin ang mukha. Pagtingin ko dun sa wall clock nakita kung late na pala ako sa class ko…pero ok lang!nakasama ko naman SIYA.
“Bakit ka ba umiiyak kanina?” ay mali! Bakit nga yun ang nasabi ko eh baka magalit siya at mapagsabihan pa ako na pakealamero..tsk!
Napansin kung humarap siya sa akin at bumuntung-hininga.
“nakipag-hiwalay kasi SIYA sa akin..”sabi niya sabay kuha sa bag niya at akmang tatayo.
“gago pala sya kung ganun! Binitawan niya ang isang napaka.special na tao” isang taong napaka.special sa buhay ko..
Tinignan lang nya ko at ngumiti.
“gago nga sya.. pero mahal ko sya.” Tumayo na sya at naglakad papalabas ng room ngunit bigla syang huminto sa may pintuan at lumingon sa akin.
“Uhmm nice to know you Khaile..by the way I’m JM! Una na ko sa’yo huh..see yah around classmate!” yun lang at umalis na sya.
Naiwan na lang ako dun habang iniisip pa rin ang mga sinabi nya.. “gago nga sya..PERO MAHAL KO SYA”. Haizt! bakit ganun?! Bakit bigla ko na lang naramdaman na parang may masakit sa akin? Eto ba yung sinasabi nila na brokenhearted? Hindi pa nga nagiging kami tapos brokenhearted na ko? Anu ba yan! Sino bang nagpauso ng brokenhearted na yan?gugulpihin ko…
Grrrr.. ano ba tong pinagsasabi ko?para tuloy akong baliw ditto ah.. makapunta na nga lang sa room namin. It’s better late than never naman di bah? Isa akong mabait na bata kaya hindi ako magka.cutting classes..late nga lang pero bahala na si batman!hihi
…..
“GAGO NGA SYA..PERO MAHAL KO SYA”
“GAGO NGA SYA..PERO MAHAL KO SYA”
“GAGO NGA SYA.. PERO MAHAL KO SIYA”
Ahhhh…ano ba yan? Parang sirang plaka yung sinabi nya kanina ah..maghapon na lang na bumabalik sa isip ko yung mga sinabi nya. Gago naman sya..ba’t mahal mo pa sya JM?
BINABASA MO ANG
She's The One
Teen FictionIn every girl's life there is a boy she'll never ever forget... In every boy's life there is a girl he can never ever get...