CHAPTER TEN: Her Secret
༺═───MEGUMI'S POV───═༻
Ang bango...may naaamoy akong mga bulaklak...puno ng bulaklak...
"megumi anak gumising ka na tanghali na may pasok ka pa!" napadilat ako bigla ng marinig ko ang boses ni mama habang kumakatok sa labas ng kwarto.
"Opo!" sagot ko
bumangon ako suminghot singhot.
'Wala namang amoy bulaklak?'
Napailing nalang ako sa panaginip na 'yon, Ilang beses ko na napapanaginipan ang mga bulaklak na 'yon. Hardin nga ata, kahit nu'ng nasa australia pa ako.
Kinuha ko ang twalya ko at naligo na, matapos ko magayos lumabas na rin ako. As usual nandito nanaman pala sa unit namin si kio.
"Wala ka bang breakfast sa house niyo at lagi kang nandito?" reklamo ko bago umupo sa tabi niya.
Nauna pa kumain kaysa saakin eh.
"Anong magagawa ko mas masarap ang luto ni tota annette kaysa sa mga cook sa bahay. Tignan mo itong sinangag puno ng sahog hahahaha" childish na sabi niya na ikinatawa ko
"Sira kapag naubos ang stock namin sa ref ikaw na ang isasahog ni mama, right ma?"
"Kayo talaga, oh ito meg hot chocolate product ni titonang mo 'yan" sabi ni mama at nilapag ang baso ng hot choco sa harap ko. "Walang problema kio kahit dito ka kumain ng tatlong beses sa isang araw ano ka ba hindi ka na ibang tao noh? nagpapasalamat nga ako naguuwi na ng kaibigan dito 'yan si megumi eh." sabi pa ni mama.
"Ayon! salamat tita pero hindi ako inuwi ni megumi ayaw nga ako makita niyan eh tignan mo po nakasimangot hahaha" nangiinis na sabi ni kio habang pinagpapalit ang kape niya at ang hot chocolate ko. Imbis tuloy na mainis eh napangiti pa ako.
Nagsandok na ako ng sinangag at kumuha ng isang fried egg.
"Kumain na muna kayo d'yan ha maliligo na ako at may trabaho pa ako."
"sige po tita"
"Kumain ka na ba ma?"
"Ahh oo anak nauna na ako kasabay ko ang titonang mo kanina bago siya umalis." tumango nalang ako at kumain na
"Anong flavor 'to?" tanong ko kay kio
"Coffee mocha ata 'yan" sagot niya
tumango ako at humigop, masarap infairness.
"Oo nga pala megumi malapit na ang opening ng sports festival, kasama ka ba sa maglalaro?" tanong niya
"Hindi ko nga sure eh pero I think no, may galit ata saakin yung coach namin that's why he's not letting me to practice."
"Si John Armiel ang coach niyo hindi ba?"
tumango ako
"Kahiy kailan talaga 'yon, palibahasa may dugong zeao eh."
"Dugong zeao?"
"Pinsan 'yon ng Students council president niyo."
"Yung president zeao? hindi ko pa nakikita 'yon.." sabi ko
"Luh?"
"Bakit?"
tagal niya kong tinitigan bago ngumisi, eto nanaman siya.
"Makikita mo rin 'yon HAHAHAHA ang weird mo doon ka nagaaral tapos hindi mo kilala sino yung abnormal niyong president HAHAHAHA." pangiinis pa niya
"Gusto mo ba hindi na makalabas dito sa unit?"
YOU ARE READING
MOISLE UNIVERSITY - The Selenophile Case
Teen Fiction[INSOLITE LADIES SERIES "BOOK 1"] -Stand alone book --School base fiction -Taglish --Modern Hindi matatawag na mundo and earth kung pantay ito. Hindi matatawag na tao ang isang indibidwal kung pantay ang tingin niya sa lahat. Iyan ang paniniwala ng...