4th year hs student ako.
sa science high school ako nag aaral kaya napakalaki ng expectation sakin ng parents ko.
actually, since bata pa ako,malaki na talaga expectations nila sa akin.
masasabi ko ngang hindi ko naenjoy ang pagkabata ko.
wala akong social life but there's this guy na matuturing kong kababata :D
hindi naman talaga ako ganun katalino kumpara sa mga kaklase ko.
pakalat kalat lang ako sa campus namin.
maliit lang yun kasi konti lang naman ang populasyon.
balik tayo sa kababata ko,
mula kinder,magkaklase kame hanggang grade 5.
kaso lumipat sila ng province dahil sa family business at may bahay na silang nabili run...,yan ang sabi nila sa akin.
after nung araw na nagpaalam siya sakin.
wala na akong balita.
hindi pa kasi ganong uso ang facebook nun at cellphone.
at lagi ko rin hinahanap sa facebook ang name niya pero wala talaga. wala ata siyang ganun.
mukhang sa bundok ata sila tumira. joke lang.
tanda ko pa nun, nung araw na huli kaming nagkita, as in todo iyak pa ako.
tulo pa ata sipon ko nun na humahalo sa luha ko.
ano na kayang balita sa kanya?
nakakamiss rin kasi ung may tao kang nakakalaro at nakakausap kapag nag iisa ka lang sa bahay.
solong anak kasi ako.
minsan masaya minsan hindi.
ayy, teka, nakalimutan ko magpakilala,
ako nga pala si RIIKO VLENT. :D