Two become one

9 1 1
                                    

Gabi na noon. Pauwi ako galing school nakasakay na ako sa fx biyaheng SM Fairview, may bumabang pasahero sa philcoa at may bagong sumakay din.


Lalaki siya.


Nakaputi at nakasumbrebro palingon-lingon sa likod sa buong fx habang kumakain ng mani, natatakot ako kasi wala siyang kahit anong dala, tingin ko isa siyang holdaper o snatcher o kung ano man. Humingi ako ng sign,


"Lord, kung pareho po kami ng suspetsya ng katabi ko mag-ayos po siya ng buhok"


at maya-maya nag-ayos nga ng buhok ung katabi ko at mas lalo akong kinabahan at natakot. Bigla na lang siyang bumaba at nag-iwan ng isang libro, nagtaka kaming mga pasahero kung bakit niya iniwan pero nung tiningnan ko wala naman nakasulat na kahit ano sa libro pero maya-maya kinuha ako nung libro.


Natakot ang ibang pasahero at nagsibabaan sila.


Samantala, sa loob ng libro ay parang binalik ako sa sinaunang tsina. Lahat ng tao ay pinagmamasdan ako dahil sa kakaiba kong suot binalak ko din magtanong pero walang kahit sino ang gusto makipag-usap sakin. Since wala naman ang may gustong makipag-usap sakin naalala kong dala ko pala yung cellphone ko sa bag at tiningnan ko sa GPS kung saang lugar ako kaso hindi ma-detect so naisip kong kumuha ng litrato. Pag kakuha ko ng litrato aksidente may flash natakot yung mga tao akala nila kung anong bagay na makakasakit sa kanila. Agad akong umalis sa lugar na iyon at itinago ang cellphone ko. Napadpad ako sa isang ilog malapit sa isang palasyo. Mag-gagabi na pero hindi ko pa din alam saan ako tutuloy para magpalipas ng gabi, naupo ako sa tabi ng ilog may marinig akong kaluskos sa dahon. Napatingin ako at natakot, ngunit nilakasan ko ang aking loob. Nakakita ako ng anino ng isang tao. Tinanong ko kung sino siya at nagpakita naman siya agad.


Gwapo siya pero may kasungitan nga lang sa unang tingin.


Tinanong niya kung bakit iba ang aking kasuotan at anong ginagawa ko sa lugar na ito sa ganitong oras ng gabi. Hindi agad ako nakasagot nakakagulat lang dahil may kumausap na sakin simula pa kanina. Nagkausap kami magdamag sa ilog kahit hindi kami magkapareho ng mundong pinaggalingan nagkaintindihan kami.


Iba yung pakiramdam, ang gaan parang matagal ko na siyang kakilala. Tinulungan niya akong humanap ng pwedeng tuluyan at araw-araw niya na din akong binibisita at araw-araw din kaming pumupunta ng magkasama sa ilog kung saan kami unang nagkausap hanggang isang gabi sa ilalim ng punong mangga habang napatahimik ng lugar at mga alitaptap lamang ang nagbibigay ilaw sa paligid, hinawakan niya ang aking kamay at sinabing, "maaari ba kitang maging kasintahan?" natahimik ako ng saglit, nag-isip at bigla kong naalala ang mundong pinanggalingan ko.


Naisip kong paano ang pamilya ko, ang pag-aaral ko, ang mga kaibigan ko pero nagtatalo ang puso at isip ko kung ano ang dapat kong gawin sa kabila nun tinanggap ko pa din ang pagmamahal niya para sakin at nagsimula ng panibagong buhay sa panibagong mundo na kasama siya. Taon na ang lumipas, naging masaya ang aming pagsasama. Pinaramdam niya sakin na tama ang naging desisyon ko na manatili sa tabi niya sa mundo sa loob ng libro. Hanggang isang gabi, "manong driver: sino pang malapit na bababa? Ako: coa po, sa coa overpass" bigla akong ginising ng mahal ko at tinanong ako kung ano ang aking sinasabi pero hindi ko na lang siya sinagot bagkus hinalikan nalang sa pisngi dahil nakita ko sa mga mata niya yung takot na baka bumalik na ako sa mundo kung saan ako nanggaling. Sa loob-loob ko, nababahala din ako bakit nga ba ganun ang naging panaginip ko. Ilang araw din akong nag-isip hanggang sa mapagdesisyunan kong hanapin ang librong nagdala dito sa akin at nagulat ako sa nakita ko hindi ako makapaniwala, naluha ako dahil nakita ko ang huling bahagi ng libro na may isang blangkong pahinga na lang ang natitira. Bigla naming may kumatok at narinig ko ang boses ng mahal ko kaya't dali-dali kong binuksan ang pinto ngunit sa pagbukas ko ng pintuan biglang lumiwanag ang paligid.


Sa pagdilat ko, nasa fx na ako ulit nakita ko ung lalaking nakapauti na nakasumbrebro na bababa sa tandang sora. Para akong naalimpungatan, pagod na pagod, parang totoo ang lahat na sa malayo ako nanggaling. Bumaba na ako sa coa at dumiretso sa kwarto ko. Nagmuni-muni kung totoo ba ang lahat ng nangyari sakin, naisip ko kung totoo ba siya kung nasaan na siya at kung ano ang pangalan niya.














Linggo ang lumipas, pasukan na. Dumaan ako sa National booktore sa Recto para bumili ng yellowpad at ballpen nang maalala ko na may kailangan pala akong bilhing libro at sa hindi inaaasahang pagkakataon nakita kong muli ang libro at natigilan nabitawan ang gamit ko agad kong binuksan ang libro at binuklat ang huling pahina at nabasang kinitil niya ang kanyang buhay dahil sa pagkawala ng minamahal. Hindi ko alam ang aking luha nung mabasa ko yon, may kakaiba akong naramdaman ng may nahulog na sulat.



"Aking minamahal, hindi ko alam kung nasaan ka at kung bakit ka biglang nawala sa pamamagitan ng pagbawi ko sa aking buhay hiniling ko na sana mabuhay ako sa mundo kung saan ka nanggaling para makasama at Makita kang muli. Mahal kita."



Hindi ko mapigil ang pag-iyak sa hindi malamang dahilan. Isang lalaki ang nag-abot ng panyo at nagsabing,


"masaya akong nagkita na tayong muli"


nagtaka ako at tinitigan kong mabuti ang kanyang mukha nang biglang bumilis ang tibok ng aking puso, bigla niya akong niyakap at sinabing,


"ako ito, ang minahal mo sa libro" ♥

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Its better to be loved and lost than never be loved at allTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon