Tsapter Won. Kaechusan ni Antonio Dimakatarungan!
[ Warning: Vulgar and harsh words are used and can be used in the next upcoming chapters. Also, sa mga bumabasa h'wag niyong tularan ang nabubulok na ugali ng nagmamagandang bida hihi. Please bear with it. It's part of my plot. Arigato! ]
- - -
"Ano ka ba naman, tonying! Ang laki-laki mo ng kalabaw 'di ka pa rin tumutulong sa mga gawaing bahay. Hay, kabakla-bakla mo pa naman tapos ang tamad mo. Ano nalang sasabihin ng mga kumare't kumpare ko? Na may anak akong pangit na nga, bakla na nga at tamad pa. Ano, hihilata ka na lang ba diyan at aatupagin 'yang selpon mong china pun ha?! Maghugas ka nga dito! Ang lakas mo pa namang rumebound ng ulam ta's iignorahin mo lang 'tong mga hugasin dito?" Gravity, kung makadada 'tong si Silencia akala mong ganun na karaming gawain dito sa bahay. Ano namang akala niya sa bahay naming malaki ang pinagdaanan na wari bang tinapak-tapakan ni Yolanda ng bonggang-bonggalu? Mansyon, na maraming lilinisin? Tsk. Tsura!
Ke aga-aga pumutak. Ako tuloy nahiya sa pangalan niyang pinagsakluban ng kabahuan at kapangitan. Silencia daw eh ang daldal kaya n'yan. Binusalan yata bibig nito ng sandamakmak na pwet ng inahin eh. Mapagalitan nga sila Lolo't Lola paminsan-minsan. Ang layo pa naman ng sementeryo dito.
Himala at wala siya dun sa kalye para maging ala-Cristy Fermin, huh. Wala yatang schedule ang chismosa. Inirapan ko nalang si Silencia bilang tugon sa mahaba n'yang rap.
Wala ako sa mood para makipag-fliptopan sa kanya, baka 'yang bunganga n'ya aking maselya. Charaught!
Pinagpatuloy ko lang ang aking pag-fb. Famewhore este famous kasi ako dito kaya ganado akong magsurf araw-araw, kahit wala ng makain basta maka-fb lang. Nabubusog kasi ako sa likes. Tsarr!
Hmm, makaselfie nga ng maupload sa fb. Agad-agad kong pinindot ang home button ng gasgas ko ng 'china pun' ika nga ni Silencia. Pero at least, mas lamang ang gasgas sa feslak niya kesa sa screen ng selpun ko. Tsarr ulit!
Agad kong hinanap ang Retrica at ng mahanap ko ay agad ko ding pinindot ang icon ng bonggang-bonggalu. Haler! Ito na lang kaya ang tanging pag-asa ng pagmumukha ko no!
Alangan naman'g ipagsigawan ko talaga sa pic ko na filterless ang kagandahan ko. Tsaring lang!
Ika nga ni Toni Gonzaga, "If you have a problem, name it!"
Sabi ko naman, "Pangit na mukha? Sa filter, kapangitan mawawala!" Tsarr!
Dapat sa lalong madaling panahon ay makilala ko na ng personal ang umimbento ng filter para naman masapak at mapektusan ko ng bonggang-bongalu, 7.50 times. Tsarr!
Shutanginames, ipamukha daw ba na may tao talagang pinagkaitan ng NORMAL na mukha. Tsk.
Bilang isa sa mga nagagandahang dilag sa buong kalupaan, kabundukan, kalangitan, katubigan, kakahoyan, kahanginan, at kaputikan ng Pilipinas ay minumungkahi kong ipa-guillotine ang kung sinumang umembento ng filter. Hindi ba nila ramdam na malaking insulto 'yun para sa mga pangit. Charaught!
Anyway, balik sa kahindik-hindik na kagustuhan kong magselfie. Pinili ko ang single shot lang para naman emphasized talaga ang aking alindog.
Sunod ko namang pinindot ang filter na magmumukha kang may hepa. Tsaring!
Agad kong itinutok sa aking mukha ang selpun ko, naghahanap ng magandang anggulong nababagay sa mukha kong maganda rin. Tsaring ulit!
H'wag nga kayong ano d'yan, madami na kayang naakit sa ganda kong itey. Rawr! Eksdeey.
BINABASA MO ANG
My Guardian Devil
RomancePaano kung ang anghel na hulog ng langit na pinadala sa'yo ng Diyos upang magsilbi mong gabay at karamay sa'yo sa lahat ng oras ay pinalitan ng isang demonyong nalugmok sa lupa, ano ang magiging reaksyon mo? Magwawala't matatakot ka ba? Paano naman...