Expectation VS. Reality

122 4 11
                                    

Okieeee. It's KaiSoo time! ㅋㅋㅋ

***

Tinawanan na lamang ni Kai ang kanyang kaibigan na si Kyungsoo nang magsimula itong magdabog dahil sa kanilang takdang aralin. Paano ba naman e, kanina pa sinusubukang pigurahin ni Kyungsoo ang sagot dito, ngunit, wala talaga syang maisip na posibleng sagot.

"Tulungan mo kaya ako imbis na tumatawa ka diyan? Binansagan ka pa namang Math Wizard, tapos hindi mo ako tutulungan?" Sumbat ni Soo kay Kai na tawa parin ng tawa. Ginulo na lamang ng isa ang buhok ng kaibigan at nagsimula na ngang magturo.

Si Kim Jongin, o ang tinatawag kong si Kai, ay ang matalik na kaibigan ni Do Kyungsoo. Sila ay magkaibigan simula pa nung.... Este, hindi pa yata sila nabubuhay sa mundong ito e magkaibigan na sila. Paano ba naman, matalik na magkakaibigan din ang kanilang mga magulang. Top 2 si Kai at ang top 1 ay si Soo. Hindi halata, 'no? Magaling kasi si Kyungsoo sa lahat ng subjects at sa Math lang talaga sya nag-aalangan. Buti na lamang at nandiyan si Kai sa tabi nya para tulungan sya sa mga hindi nya naintindihan. Sa kabilang dako naman, si Kai, marunong sya sa lahat ng subjects pero... Talagang mas higit ang kaalaman ni Soo kesa sakanya. Hindi naman sila nagkakailangan sa kabila ng pagiging magka-kumpitensya nila sa klase.

Kinabukasan...

"Salamat talaga, Kai ah. Nagka-impresyon nanaman ako kay prof. Mehehehe." Tuwang-tuwa na sabi ni Kyungsoo kay Kai habang puno pa ng pagkain ang kanyang bibig. Recess ngayon at nasa field sila ng school, nakaupo sa damuhan. Oo, dito sila madalas tumambay tuwing breaks. Mas mahangin kasi at natutuwa silang panuorin ang mga naglalaro ng iba't ibang laro.

"Wala yun. Ikaw pa?" May idudugtong pa sana si Kai doon sa sinasabi nya, ngunit may napansin sya sa gilid ng labi ng kanyang kaibigan. Napangiti na lamang sya at pinunasan ang mayonnaise na nabahid sa balat ni Soo gawa ng burger na kanyang nilalangot. Kahit kailan talaga e napakaduming kumain nito.

Masyado pang busy si Kai na pagmasdan ang kanyang kaibigan upang mapansin ang naiilang na tingin ni Soo. Ikaw ba naman, ganunin ng kaibigan mo? Hmm... Para sa'kin, wala namang masama dun. Magkaibigan naman kayo e. Hindi lang talaga alam ng isa sa ating mga bida na si Do Kyungsoo ang dahilan kung bakit sya naiilang sa mga pagkakataong ganito. Iniwas nya na lamang ang kanyang tingin at nagpatuloy sa pagkain.

'Ang cute nya talaga...' Yan. Yan ang nasa isip ni Kai habang pinagpapatuloy nya parin ang panunuod kay Soo. Tama kayo ng nabasa. At, alam nyo naman na siguro kung anong nararamdaman nya, di ba? Tama ulit. May gusto sya sa kanyang kaibigan. Hindi sya bakla.... Kaso pagdating kay Kyungsoo... Pwede naman sigurong magkaroon ng exception.

Matagal na syang may gusto sa isa, ngunit hindi na sya nagtangka pang umamin dito. Alam nyang hindi sila parehas ng nararamdaman para sa isa't isa. Siguro nga, pwedeng mahal rin sya ni Soo. Ngunit, hindi mo matatanggal ang katotohanan na mahal lang sya nito bilang isang kaibigan. Natatakot syang masira ang taon-taong pinagsamahan nila sa isang simpleng pag-amin lang. Ilang beses na nyang naisip na magtapat dito, pero gaya nga ng sabi ko, hindi nya na tinangkang totohanin ito dahil natatakot sya at alam nya na ang magiging sagot ng binata sakanya.

Madalas nyang itatak sa kukote nya na, hindi pwede. Parehas kaming lalaki at hindi pwedeng magmahalan ang dalawang lalaki. Pero, isip lang yun e. Kukote lang yon. At sa panahon ngayon, ano ba ang mas sinusunod? Di ba ang puso? Kaya, hinayaan nya na ang sarili nyang mahalin ng palihim ang kanyang kaibigan, kahit na nasasaktan na sya. Sa ginagawa nya kasing paglilihim e, mas nagiging manhid pa ang kanyang kaibigan.

Kagaya na lamang ngayon.

"Kai! 'Lika dito, dali. Daliii~" Sita ni Kyungsoo sa isa na nakapagpalapit naman nito dito habang tumatawa. "Ano 'yon, Soo?" Tanong nya nang may malaking ngiti sa mukha. Baka may hindi nanaman naiintindihan si Soo. Masaya sya na makakatulong nanaman sya sa mahal nya.

Expectation VS. RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon