Simula

5 1 0
                                    

Marami na akong naririnig tungkol sa mga taong may kayang itago ang kanilang malungkot, masakit at mahirap na pinagdadaanan. Sa tuwing naririnig ko ang mga ganong kwento ay nalulungkot ako. Pero diko maiwasang itanong sa aking sarili ang mga bagay-bagay. Anong klase bang pagiissip meron sila na pati pag share at pagsabi ng kanilang totoong nararamdaman eh, nahihirapan padin sila. why the hell do they need to fake and wear a facade just to cover up their true feelings. Sa tingin ba nila mas madaling mag balat kayo at magkunwaring maayos at okay ang lahat kesa ipakita ang tunay nilang nararamdaman at mag mukhang mahina?. Masama bang maging mahina? Masama bang magsabi ka sa totoo mong nararamdaman? 

hays. 

Ang gulo lang. 

at komplikado

"Kailangan ba nilang gawin yun?" 

pagkausap ko sa aking sarili. hindi naman sa minamaliit ko sila at ang kanilang desisyon, pero natanong ko lang naman.

"Oo" bigla kong narining ang sagot na yun sa aking paligid

Nabigla ako dun at agad na naglinga linga. Sinusuyod ang buong paligid. Dun ko nakita ang isang lalaki na nakatayo, may hawak na plastic bag na ang laman ay barbecue sticks. Diko maaninag kung anong meron sa barbecue sticks, malaki kasi yung plastic.

Para akong hibang na nakatulala lang. Sa direksyon nya.

Nang tumingin sya sa akin pabalik, ay iniwas ko ang aking paningin.

"Ang sagot sa tanong mo, ay oo" sambit nyang muli

Nagguluhan akong napalingon ulit sa kanya

"Huh?" munting sagot ko. Dahil diko naman alam kung may itinanong talaga ako

"Tinanong mo kung kailangan ba nilang gawin yun diba? ang sagot sa tanong mo ay oo" pag e-explain nya pa.

"siraulo ba 'to? ano siya mind reader? " sabi ko sa sarili ko ng pabulong. Di ko naman kasi tinanung yun. Oo tinanong ko yun pero sa isipan ko lang naman. 

Di ko nalang siya pinansin dahil ang wierdo nya.  Di naman kami close bakit nakikipag usap siya sakin. 

tss..

Nararamdaman kong may humakbang papalapit sa gawi ko.

At nang sa wakas ay nasa tabi ko na siya ay nagsalita siya ulit.

"Hoy, ang kapal ng mukha mong baliwalain ako. Maganda ka gurl?" sabi nya. halata sa boses ang pagkairita. Tinignan ko kabuuan nya, nang mahagip ko ang pagirap ng kanyang mga mata.

Hala siya ... ang arte naman neto 

napairap nalang din ako sa aking isipan

 Unti-unti, nararadaman ko ang galit at pagtaas ng presyon ko.

Umusod ako para mabigyan lalo ng distansya ang pagitan nami.

"Hala siya ... " di makapaniwalang sambit nya

Lumukob and panandaliang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nilingon ko siya ng dahan-dahan dahil tinatantsya ko kung dapat na ba akong umalis at iwan ang mokong na 'to.

Nilingon nya rin ako. Mukha siya kalmado na.

Dahan dahan, bigla siyang ngumiti. Yung tipo ng ngiti na parang nagbabalak patayin ka. yung ganung ngiti. Napausod ako dahil sa bigla. Unti-unti ay may hinugot siya sa kaniyang likuran. Nagsimula ng kumabog ng malakas ang aking dibdib. Lumukob na sa aking buong katawan ang takot. Takot na baka baril or kutsilyo ang kaniyang kinuha sa kaniyang likod. Baka papatayin nya ako dahil di ko siya pinansin. 

Ikaw at ako sa malungkot nating mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon