Lunes na naman.
At gaya ng nakasanayan, bumangon ako ng maaga, naligo at nag-agahan at pagkatops ay lumakad na para pumasok sa trabaho.
Nagtatrabaho ako bilang isang waitress sa isang sikat na coffee shop dito malapit sa lugar nami. Kada lunes hanggang biyernes, maghapon akong nandito. At tuwing sabado naman ay dun naman ako sa grocery store ni aleng marites nagsa-sideline bilang taga arrange ng mga paninda niya at bilang janitress narin. Habang sa linggo naman, ay wala akong ginagawa maghapon. Ganun lage umiikot ang buhay ko. Boring man ay kailangan ko paring gawin para may panggastos ako sa pangkain, pang bayad ng upa pati narin sa iba kong pangangailangan. Nakakapagod man, pero kailangan kong pagtiyagaan kong gusto ko pang mabuhay. Wala naman na akong masasandalan dahil wala na ang aking mga magulang.
Both of them passed away when i was at the age of 10.
Lumaki ako sa poder ng aking lola, na kalaunan ay sumakabilang na rin. She left me behind when i was already 17. She died peacefully while she was asleep.
A part of me was happy dahil makakapagpahinga na siya pero yung ibang parte ko ay natatakot at nalulungkot dahil, wala na akong masasandalan maski na isa.
Sarili ko na lang kasama ko ngayon. Sarili ko nalang ang meron ako. Sa malaking mundo na'to, magisa ako.
"Hey iha?" tawag ng kung sino.
Di ko namalayang nakarating na pala ako sa coffee shop at si mam maureen ang tumawag sa akin
"Ay, yes ma'am, good morning po" bati ko sa kanya
"Are you okay? parang wala ka sa sarili mo ..." she said
"Ay, okay lang po ako ma'am, may iniisip lang po .." sagot ko sa kanya
"May pag-iisip ka pala?" Tanong nya na may kasamang pambabara
Alam kong joke nya lang yun pero naiinis ako. Kung di ko lang siya boss ay kanina ko pa siya sinipa sa tiyan. Gusto ko siyang sipain sa mukha kaso maganda siya at mukhang anghel kaya sayang naman.
"HAHAHAHAHA, I'm just kidding iha, masiyado ka namang seryoso sa pagmumukha mong yan" sabi niya pa sabay tawa
"BWAHAHAHAHAHAHA, ay, you're just kidding ma'am? I'm so sorry ma'am but I am not kidding here, I'm adulting" parang sirang ulo namang sagot ko
Natawa kaming pareho sa ginawa naming kalokohan. Ang aga-aga at heto kami naglolokohan. Sana naman di kami buwesitin ngayon. Sana naman dayuhin kami ng mga customers.
More Customers. More Tips. Ganun yun
Pagkabukas ni ma'am maureen ng shop ay nagsimula na akong mag mop ng sahig. Tapos nun ay nagpupunas ng mga mesa, upuan, estante pati na rin yung glass wall.
Pagkatapos kong gawin 'yun ay tsaka ko inikot sa open yung nakasabit sa pintuan. Para naman malaman ng mga customer na bukas na kami.
Bumalik na ako sa locker room ng mga trabahador para makapag bihis na nang waitress uniform. Pagkatapos kong masuot yun ay humarap ako sa salamin.
"Waitress ba talaga ako sa suot na'to? Ba't parang mukha akong disney princess? char" sabi ko sa sarili ko.
Natawa nalang ako. Dahil talaga namang nagmumukha akong hindi waitress neto.
Ting!!!!
Ayan na! First customer!!
Nagmamadali akong lumbas sa locker room para maasikaso ang bueno mano naming customer
BINABASA MO ANG
Ikaw at ako sa malungkot nating mundo
General FictionWhat will you do if you encounter people who wears the most beautiful smiles but hides the unbearable pain? What will happen if two smiling yet broken souls meets?