Inis na kinuha ni Gabb ang kanyang cell phone para tawagan si Theon, naiinis siya sa binata dahil hindi man lang siya kinausap tungkol sa pag lipat nila ng anak nila sa condo nito, hindi man lang kasi inalam kung gusto ba niya o hindi basta na lamang itong nag desisyon para sa kanyaLalo pa siyang nainis nang hindi sinasagot ng binata ang tawag niya
“ma” pag tawag niya sa mama niya at saka ito sinundan kung saan ito pumunta
“bakit, ano na naman ba ang problema mo?” mapang-asar na tanong ng ina sa kanya
“ba't kayo pumayag na dalhin ni Theon si Gael, paano kung itakas nun ang bata” pag mamaktol ni Gabb sa ina, sa totoo lang ay nag tatampo siya sa mga magulang noon kasi na pinag bubuntis pa lang niya si Gael ay galit na galit ang mga magulang niya sa ama ng anak niya tapos ngayon ay tiwalang tiwala na ang mga ito kay Theon
“ano ka ba namang bata ka, hindi gagawin ni Theon 'yang iniisip mo” sagot sa kanya ng ina
“paano kayo nakakasiguro e kakakilala nyo pa nga lamang sa tao” saad naman niya sa kanyang ina, naiinis siya hindi sa kanyang ina kundi sa sarili niya mismo, bakit ba kasi naiisip pa niyang aminin sa binata ang tungkol sa anak nila, 'yan ito s'ya ngayon kinakabahan na baka mawala sa kanya ang anak niya.
“mabuti pa't ayosin mo na 'yang mga gamit mo” pag papatuloy pa ng ina niya at saka siya muling iniwan
Papadyak siyang nag lakad papanhik sa kanyang kwarto para igayak ang mga gamit niya, iniisip niya kasi na baka kung ano pang hindi mangyare sa anak niya lalo pa't wala siya sa tabi nito
Ilang gamit lamang ang iginayak niya dahil sigurado naman siya na hindi sila mag tatagal ng anak niya doon
Sakay sa papublikong sasakyan ay nakarating siya sa condo kung saan ang condo ni Theon, condo na kung saan sila titira ng anak niya, muli niyang binuklat ang papel, para tingnan kung anong room ng condo ng binata, third floor, room 307
Buti na lamang at pinapasok siya ng guard, tinanong lamang nito ang pangalan niya, nang nasa tapat na siya ng condo ng binata ay napabuntong hininga muna siya bago napag desisyonan na pindutin ang doorbell
Ilang saglit lang lang ay bumukas ang pinto, at bumungad sa kanya ang mukha ni Theon na karga karga ang anak niya, sabik siyang lumapit dito at saka kinuha ang bata mula sa binata
“buti at nakarating ka” saad ng binata sa kanya “pasok ka” ani pa nito at saka iginaya papasok sa condo niya, wala siyang nagawa kundi ang pumasok sa loob nito, nag aalala siya na baka may mapadaan at makita sila ni Theon, siguradong malaking issue iyon kapag nag kataon, ano ba kasi ang pumasok sa kumunti ng lalaking ito at naisipang dito sila itira ng anak niya, naisip niya anong iisipin ng ibang tao kapag nakita sila, alam niya sa sarili na iisipin ng mga ito na nag sasama sila o nag lilive in, kahit siya rin naman kapag may nakita na dalawang taong nag sasama sa iisang bubong ay iisipin niya na nag lilive in lalo na't kung may anak ito o batang kasama.
“ano ba ang plano mo?” tanong niya, bagamat naiinis siya sa binata ay hindi niya ipinakita dito, kahit na kanina pa niya gustong sigawan ito
“what do you mean?” tanong sa kanya ng binata at saka inosenteng umupo sa katapat na upoan
“anong nakain mo at naisipan mo na itira kami dito ng anak ko” saad niya sa binata this time hindi na niya napigilan ang kanyang sarili dahil may kalakasan na ang kanyang boses, kundi lamang niya hawak ang kanyang anak ay sinigawan na niya ito, dahil sa sobrang kainisang nararamdaman para sa binatang kaharap
“anak natin” pag tatama ni Theon sa sinabi ni Gabb
“Kanina naisip ko na mas maganda kung nandito si Gael lalo na sa sitwasyon ng bata, naisip ko na mas maganda ito para sa kalusugan ng anak natin, may aircon dito, hindi maalikabot at hindi maingay, and beside mas malawak dito para makapag gapang gapang ang bata” saad ni Theon na ikinasalubong ng kilay ni Gabb
BINABASA MO ANG
HE GOT ME PREGNANT | [B×B|Ongoing X Slow Update]
RomansAng sabi nila mahirap daw maging isang ama dahil ito ang nagiging haligi ng isang, ganun din ang pagiging ina na nagiging isang ilaw ng tahanan pero ang mas mahirap sa lahat ay tumayo kang ama at ina sa anak mo 'yan ang ginawa ni Gabb Riel, sa kabil...